Chapter 2

0 0 0
                                    

MAAGA akong gumising kahit na labag sa loob ko, kailangan kasi may ipapasa akong project ng team namin. Natapos ko naman kagabi. Sana hindi ako magtagal sa opisina. Maglilitanya kasi 'yong supervisor namin.

Sabi ng mga kasamahan ko sa team, giliw na giliw raw sa akin si Ma'am Deborah dahil napopogian siya sa akin at gustong ipagkasundo ako sa pamangkin niya. Ni hindi ko nga kilala 'yon. Palaging sinasabi ni ma'am sa akin na bagay raw kami ng pamangkin niyang si... Mary ba 'yon? Nakalimutan ko ang pangalan, basta katunog no'n.

Sabi pa niya, pareho raw kaming wala ng magulang at independent sa buhay. Ang kaibahan lang daw, masiyahin ang pamangkin niya. Kaya ang pamangkin daw niya ang magpasasaya sa mayamot kong buhay. Napaiiling na lang ako kapag nagsisimula na siyang maglitanya.

Kinuha ko ang susi ng motor habang sinusuot ang bag sa likod. Nagsuot ako ng mask para iwas usok at alikabok. Lumapit ang dalawang alaga ko. Yumukyok ako para mahawakan ang ulo nila.

"Mga mahal, babalik ako mamaya. Mabilis lang ako, hmm?"

Hindi naman sila nag-iingay 'pag wala ako at natutulog lang. Minsan ko na silang ipinatignan kay Aling Mariposa. Gusto naman niya ang mga ito dahil may aso rin siya.

Nang lumabas ako sa unit, napatingin ako sa kaliwang bahagi dahil mukhang may bagong lipat sa tabi ng unit ko. May dalawang lalaking nagbubuhat ng mga gamit sa loob.

"Gosh! My tita wants me to be here! So pucho-pucho!"

Napabaling ako sa babaeng nakatalikod na may kausap sa cellphone. Naglalakad siya patungo sa dulong bintana nitong floor.

"Kaya nga, girl! Even though it's near my workplace, I just don't like it here. Ayaw ko talaga! Gosh!" maarteng niya tugon sa kausap.

"Well, mid-rise pero no pa rin. I want a condo but..."

Lilingon na siya kaya umalis na ako do'n baka sabihan pa akong nakikialam.

"Iho! Nakita mo ba ang bagong lipat?" kuryosong tanong ni Aling Mariposa, nang makababa ako.

"Uh, opo," sagot ko kahit hindi ko naman talaga nakita ang mukha.

"Maganda, 'di ba?" Mahina niya akong pinalo. "medyo maarte nga lang at mukhang sa tingin ko'y bagay kayo no'n!" sabay palo ulit.

"Baka may boyfriend na po 'yong tao, Aling Posa. Sige po, mauna na po ako."

Nasa may pintuan na ako pero mukhang may sasabihin pa si Aling Posang dahil sumunod sa akin.

"Naku... iho! Kung mayroon man, sana tinulungan siya nitong maglipat!" pahabol niyang sigaw.

Napailing ako at natawa ng kaunti. Lahat na lang ng mga kakilala ko gusto akong ipagkasundo sa kung sinong babae. Sina Tiya at Tiyo laging sinasabi na mag-girlfriend o mag-asawa na ako. Hindi raw dapat laging trabaho, hilata, at aso ang pinagkaaabalahan ko.

Ano'ng magagawa ko? Wala akong oras para pumorma at gumala para makilala ang babaeng magugustuhan. Siyempre, pagkatapos ng trabaho kailangan kong magpahinga. Nakakapagod ang palagiang upo at tumingin sa computer screen ng ilang oras. Nag-eehersisyo naman ako araw-araw pero sa loob lang ng unit ko. Minsan lang din akong mag-jogging sa labas dahil tinatamad.

"Lazio! Naku... buti at narito ka!"

Lumapit si Ma'am Deborah sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Magandang umaga po, ma'am." magalang kong bati.

"Napakagalang mo talaga! May kakaiba ka bang napansin ngayon?" biglang tanong niya.

"Uh... bago po 'yong tarpaulin sa labas."

Lazy Me But...Where stories live. Discover now