Chapter 11

908 71 18
                                    

͙⁺˚* CHAPTER 11 ͙

Hindi ko first time ang masampal. High school pa nung una, at college pa nang huling may lumapat na palad sa pisngi ko. Pero dahil matagal na ang panahon na 'yon at hindi na ako nasasangkot sa gulo...pakiramdam ko may naalog sa loob ng bungo ko. Bigla akong nahilo.

I tasted blood from my lips. I don't know if it was because I bit my lip or because of her sharp nails or the ring she was wearing scraped my cheek to my lip. Mahapdi ang mukha ko at alam kong nag-iwan ng hiwa ang singsing niya sa pisngi ko.

Ampotchingina! 'Yong mukha ko.

Literal na nandilim ang paningin ko.

Hinawakan ko ang dalawang braso ng babaeng gigil na gigil sa buhok ko. Pero dahil nakaluhod pa rin ako, hirap akong makatayo dahil dinadaganan niya ako. Nakiawat na si Manong Dante sa amin pero pati siya ay nasampal din.

Bumitaw ang isang kamay niya sa akin. Sinubukan kong gumanti pero hindi ko maabot ang mukha at buhok niya. Ang tanging open lang sa akin ay ang tiyan niya. Kaya sinikmuraan ko siya. Doon lang siya napalayo. Muntik na siyang matumba.

"Y-you whore." Ilang beses siyang umubo. Halatang ininda ang ginawa ko. "Why did you punch me?" Halos mamilipit siya habang sapo ang tiyan.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Hinawi ko ang nagulong buhok sa hangin. Nakakaramdam pa rin na parang umiikot ang mundo. Ipinahid ko ang likod ng palad sa pisngi at mayroon ngang dugo.

"You're bleeding..." sabi ni Vadik sa aking tabi. He wanted to touch my cheek, but I pushed his hand away. I'm not sure why he was standing next to me now instead of his fiancée, but I witnessed him putting Bran back in the car.

Hindi ko pinansin si Vadik. Matalas ang ipinukol kong tingin sa fiancée niya. Itinaas ko ang isang kamay. I motioned her to move closer, parang bumabawi na hand movement. "Gusto mo ng gulo? Lapit dito..."

Kita ko ang pag-iba ng expression ng mukha ng babae. Nakasisiguro akong hindi lang gigil ang nararamdaman niya ngayon. Kasi mukha siyang hyena na ilang buwan ikinulong at hindi pinakain. "Malandi ka!" Sumugod siya sa akin at mukhang hindi lang sampal ang gagawin.

Kaso humarang si Vadik at hinawakan ang pulsohan niya. "Stop it, Kat."

Ampotchi! Anong stop? Walang titigil hangga't hindi pa ako nakagaganti. Hindi ako pinaghirapang gawin nina Bossing at Master para lang magpaapi.

"Bitiwan mo..." I said, but Vadik just stared at me with knitted eyebrows. "Bitiwan mo sabi!" I raised my voice, so he let go of her in shock and slightly backed away.

Umakto agad ang babae na sasabunutan ulit ako kaya inisang ikot ko ang kanang kamao sa tagiliran ko. Paglapit niya sa puwesto ko, humalik ang kamao ko sa mukha niya. Sapul siya sa ilong at labi.

Ouch!

Bakit ang tigas ng mukha?

Narinig ko ang mahinang mura ni Vadik at mabilis niyang nilapitan ang napaupong fiancée niya. Humalik ang balakang nito sa kalsada. Hindi ako ipinanganak para maging boksingera pero kaya kong mang-knockout ng mukhang basura.

May dalawa o tatlo na yata akong nasuntok na lalaki, pero ngayon lang lumapat ang kamao ko sa babae.

Bigla na lang siyang humagulhol. "O-omg! M-my nose..."

Pigil na pigil kong matawa. Pinagawa ba ang ilong niya?

Kinagat ko ang labi pero napapiksi ako sa hapdi. Ampotchi talaga!

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt