Chapter 10

783 62 23
                                    

͙⁺˚* CHAPTER 10 ͙

If you were given a choice, would you rather choose the blue pill to fix one mistake from the past or the red pill to find out what your future holds?

I was simply distracting myself from my own thoughts, but it didn't make a difference. Because no matter what I think, I'm trapped in the present I'm involved in.

Vadik opened the trunk of his car. His driver put the bike there before opening the door for Bran in the backseat. He came in quickly and was clearly excited.

Vadik turned to me. He was waiting for me to get in his car, but my feet seemed to be nailed to the ground.

"What's wrong?" tanong niya nang mapansin na mukha akong napapraning. Sino ba ang hindi kung nakikita ko na ang anino ni Jordan na palapit sa amin?

Nanunuyo na rin ang lalamunan ko at pinagpapawisan nang malapot. "Hindi na lang pala ako sasama..."

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero biglang sumigaw si Bran.

"Papa Jordan!"

I groaned mentally.

How did a voice so gentle and innocent be so...disastrous?

Para akong sinampal sa magkabilaang pisngi. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay para akong hihingalin. Aatakehin yata ako ng vertigo dahil pumipitik ang mga ugat sa ulo ko.

Hindi ako lumingon pero si Vadik ang napatingin sa tinawag ni Bran. He didn't say anything. I couldn't even read what he was thinking because I was mentally disrupted.

I was pinching the side of my leg just to keep myself sane.

Lumabas si Bran ng sasakyan at tumakbo palapit kay Jordan. "Pa! Daddy's here. Nakita na po namin siya ni mommy." Kahit hindi ako lumingon alam kong hinahatak ng anak ko ang boyfriend ko palapit sa tatay niya.

Jordan didn't answer, and Bran continued to speak, oblivious to what was going on around him. "Are you coming with us, Pa?"

We were then silent for a few minutes. It wasn't dead, but an agonizing silence that slowly kills you instead.

Gusto kong takpan ang bunganga niya. Gusto kong umupo sa lapag at umastang mas bata pa sa kanya.

Minsan nga gusto ko na lang ipagpalit ang posisyon naming dalawa. Siya na lang ang tatay, ako ang anak.

Pero hindi ko puwedeng gawin 'yon. Hindi puwedeng palagi na lang akong tumatakas.

Pumihit ako paharap kay Jordan. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti pero hindi sa akin nakatuon ang atensiyon niya.

Matiim siyang nakatitig kay Vadik. Kita ko kung paano namilog ang mga kamao niya.

Binalutan ako ng takot at parang binuhusan ng malamig na tubig.

Agad akong lumapit at hinawakan ang braso niya. Nalipat ang tingin niya sa akin pero ramdam ko pa rin ang bahagya niyang panginginig.

Hindi ko alam ang gagawin. Kaya ipinulupot ko na lang ang mga braso sa baywang niya. "Sorry. Explain ko lahat sa sunod..." bulong ko.

He was silent for a moment, his shoulders a bit defeated, before sighing. "Aalis kayo?"

"Sila na lang..." Wala sa sariling sambit ko.

"Mommy?"

Napalingon ako kay Bran. Nagmamakaawa ang tingin ko sa kanya na 'wag na siyang magsalita at sumama na lang siya nang tahimik sa tatay niya, pero alam ko namang hindi niya ako maiintindihan.

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Where stories live. Discover now