10

57 1 0
                                    

Chapter 10

“MARAMING tao, director.” report ng isang agent sa kay Ashton.

“Clear the location, immediately.” Utos ni Ashton dito.

Binigyan niya ng senyas ang isang agent na nagmamaneho ng kotse ngayon na mas bilisan pa, gayundin ang ginawa ng isa pang nakaitim na kotse sa daan ngayon. Nilagyan din nila ang kanilang mga kotse nila ng mga siren upang maging alerto ang mga dinadaanan nilang mga sasakyan.

Hay naku, ang bad timing naman kasi ng operasyon nila. Ba’t alas syete ng umaga? Eh rush hour ngayon ah! Grabe naman ang taong huhulihin nila!

Buti na lamang ay kabisado na ng mga tao niya ang lugar ng mga buong pilipinas. Edi alam na nila kung saan daanan na shortcut.

“Are you sure, Agent Mendoza?” tanong ni Ashton sa kabilang linya.

Huminga naman ng malalim ang lalaking tinatanong ni Ashton at patuloy sa pagtitipa ng kanyang computer. Nirerecheck kung tama ba talaga ang location ng kanilang hinahanap, at hindi talaga siya nagkakamali. Kitang kita niya ang pulang tuldok na nandodoon sa isang sumisikat na museum. Ang Museo de Vargas.

“[Yes, she's in the museum.]” bagot na sagot ni Kyle.

“Open ba ang museum na ganito ka aga?” reklamo pa rin ni Ashton.
Naiinis kasi siya dahil kakagising lang talaga niya, ni hindi pa nga siya nakakainom ng morning coffee niya. Hay naku.

“[Hindi, sir. Ngunit mukhang hinayaan lang siyang pumasok doon,]”

Napahawak si Ashton sa sentido niya at pumikit sandali.

“Direct, you can actually not come and leave the rest to us,” payo ng driver sa kanya.

“No, it's okay.” sagot niya na lamang.

Hays. Nakakainis.
Si Agent Rosales kasi ay may ibang misyon na ginagawa ngayon. He can’t just let this mission to someone. Hindi hindi bastang tao ang hinuhuli nila.

This woman is a thief and a con-artist na hindi mahuli-huli. They don't why! Pero grabe talaga ang pagnanakaw na ginagawa nito at pang scascam sa mga tao. Palipat lipat siya ng mga lugar, at ngayon ay natyempuhan na nandito na naman siya sa lugar nila. Halos dalawang taon na ito nangyayari and  the amount of money she took from the society is now nearly half a billion! Sigurado si Ashton na may nagpoprotekta sa babaeng ito, dahilan upang hindi ito agad agad na nahuhuli. It must be a powerful man, at hindi siya natatakot na banggain kung sino ang magiging tao na iyon!

Paano ito nasabi ni Ashton?

Dahil ang babaeng iyon… hindi lang pera at mga mamahaling gamit ang ninakaw niya.
Kaya gustong gustong hulihin ito ng Yu’s Organization dahil nananakaw niya rin ang mga blueprint ng mga bagong bomba na ipapalabas nila at ng gobyerno.

Masyadong delikado iyon, at kapag binenta niya iyon o binigay sa kahit sinong makapangyarihang tao na gusto ng lagim ay siguradong magkakagulo ang bansa.

Hinahack niya ang computer ng organisasyon at pinipigilan kaming iaccess iyon, gayun din ang ginawa nito sa government council. If he have a chance, naku! Irerecruit niya talaga ang babaeng ito.

Hindi lang magaling magpanggap eh, magaling pa magtipa tipa!

Mayamaya lamang ay nakarating na si Ashton at ang mga alagad niya sa Museo de Vargas. Inutusan niya ang tatlo pa niyang kasama na pumasok sa loob. Nagtaka man ngunit agad na tumahimik ang isang security guard na nagbabantay sa entrance noong ipinakita ni Ashton ang kanyang lisensya.

“Good morning, sir.” Bati nito sa guard. Tumango rin naman sa kanya ang guard bilang pagbati.  “May iilang katanungan lang po ako sa inyo,” ngumiti siya dito na biglang ikinabahala ng guard.

Hidden HavenWhere stories live. Discover now