09

49 1 0
                                    

Chapter 09

“Ah ganoon ba? Ba’t ka namamawis?” birong tanong ni Bryce sa kanya. Ngunit sa ganoong paraan ay alam ng lahat na nandodoon na hinuhuli lamang ni Bryce ang kaibigan. “Joke lang!” biglang dagdag ni Bryce. Ngumiti siya nang malapad at inakbayan si Haru.

“B-Bakit ba kayo nandito?!” Pagiiba ni Haru sa topic.

Alas siete kasi ngayon ng umaga at kasalukuyan siyang nagluluto ng pagkain para sana sa kanilang dalawa ni Raven ngunit nagulat siya noong may mga bwisitang dumating sa condo niya.

“Wala, gusto sana ka naming tanungin kung nakapasa ka sa interview. Hindi ka kasi sumasagot sa gc namin kagabi eh.” sagot ni Ivan.

Tanging sina Bryce, Ivan, Evan, Dash, at Lance ang bumwesita sa kanya ngayon.

“Wala pa kayong mga pasok at binalak niyo talagang pumunta dito?”

“Uy, grabe ka naman Haru. Parang ‘di mo naman kami pinapalayas noon ah. Anyare?” pagdadrama ni Lance.

“Hey, stop it. Can't you all state the obvious? Let's just get out of here.” bulong ni Evan sa kanila. Obvious naman kasi talagang may kasama ang kaibigan nila ngayon na nasa kwarto nito at nangiistorbo sila. Tsaka, matanda naman na ang kaibigan nila kaya wala dapat silang maging problema.

Napangisi na lamang si Bryce, gayundin si Lance. Hindi naman mapigilan ni Dash na kumuha ng isang bagay sa kanyang wallet at agad na ibinigay na patago iyon sa kamay ni Haru.

Kunot noo namang tinignan ni Haru ang bagay na ibinigay ni dash at ibinuka ang mga palad niya. Agad naman siyang napamura noong makitang condom iyon at chocolate flavor pa.

Aakmang ibabato niya iyon sa kanila ngunit agad silang kumaripas ng takbo palabas ng condo niya.

“Langya,” bulong niya.

Mayamaya lamang ay napatigil siya noong may narinig siyang pagbukas ng pintuan mula sa kwarto niya. Humarap siya doon at bumungad naman sa kanya si Raven, at hindi maipinta ang kanyang mukha.

“Uhm… nagluto ako. Gusto mo Kumain muna?”

Hindi sumagot si Raven at tinignan lamang siyang blanko ang mukha. Agad namang nailang si Haru.

“Walang nangyar—”

“I know.” mabilis na saad ng dalaga at naglakad patungo sa may counter ng kitchen. Nagtataka man ngunit sumunod si Haru sa kanya. “Anong room number ‘to?”

“1579. Teka, paano ka ba napunta dito? Pa’no mo alam na dito ako nakatira?”

“Magkapit-bahay lang tayo,”

“Ha?”

“I’m living in front of your room— I’m room 1580.”

‘Di naman makapagsalita si Haru. So… magkikita sila araw-araw nito? Mapaglulutuan niya araw-araw?

Biglang tumibok ang puso ni Haru dahil sa nalaman.

“Gusto ko sanang umalis na dito, but I think it's not a good idea. Your friends might still outside and waiting for me to come out. Tsaka nagugutom din naman ako, so yeah. Care to join me here?” aya ni Raven sa kanya.

Hindi niya na hahayaang ipilit pa ang sarili niya ilayo kay Haru. What is she afraid of in the first place?

Kung temporary lang ito, ba’t hindi niya pa susulitin?

Napangiti naman si Haru sa sinabi ni Raven. Shit. Kinikilig siya. Hindi na ba talaga siya pinagtatabuyan ngayon ni Raven?

Ano bang nakain nito?
Ay, mga labi pala niya.

Hidden HavenWhere stories live. Discover now