Sasama pa ba ako o hindi na ngayong nakikita ko ang unti-unting pagkawala ng kislap sa mga mata ng anak ko?

Tumikhim si Vadik. "Why don't you come with us?" Nakatingin siya kay Jordan.

Dalawang beses akong napakurap. Siniguro kong maigi kung siya ba talaga ang nakikita ko o baka may dalawang sungay nang tumutubo sa kanyang ulo. But he looked so serious kaya nadagdagan lang ang takot na lumulukob sa akin.

"My son wants you to join us," dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung nabingi lang ako pero pakiramdam ko diniinan niya ang pagkakasambit ng...my son.

Humigpit ang kapit ko sa braso ni Jordan. Kilala ko siya. Hindi siya basta nagpapaapekto sa sinasabi ng iba. And I know he wouldn't agree.

"Sure..."

Doon na ako tuluyang nanigas sa kinatatayuan. Ilang malulutong na mura ang gustong kumawala sa isip ko. Hinawakan ni Jordan ang braso ko para alalayan akong pumasok ng sasakyan. Nang sumulyap ako sa kanya, hindi rin nagbibiro ang itsura niya.

Ampotchingina! Ito talaga gusto nila?

Fine.

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at binuksan ang pinto ng sasakyan. Nagulat pa ang driver ni Vadik nang sa passenger's seat ako umupo sa halip na sa backseat. Hindi ako sigurado kung anong pangalan niya. Dante yata.

"Ma'am?" sabi niya pero wala na ulit lumabas na kataga sa bibig niya. Mukha rin yata siyang naguguluhan sa mga nangyayari at napatingin na lang sa amo niya na pumasok na rin sa loob.

Nang sumulyap ako sa rearview mirror, nakakunot ang noo niya kaya iniwas ko agad ang tingin doon.

Kung gusto nilang mamasyal, eh 'di go. Magsama-sama silang tatlo sa likod!

Sana lang panindigan talaga nila 'yang gusto nila. Madali naman akong kausap.

Hindi na ako muling tumingin sa backseat kahit na naramdaman kong pumasok na rin si Jordan. Mabuti na lang maingay na ulit si Bran—na nakapuwesto sa gitna nila—at muling nabuhay ang excitement niya kaya nabawasan kahit papano ang nakasasakal na hangin sa loob ng sasakyan.

"Kuya, pa-soundtrip tayo, ah," sabi ko sa katabi ko at tumango naman siya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan gayundin ang stereo.

Music helps me calm, and I am in need of it now to get through this hellhole.

Lately, I'm getting lost on you
You got me doing things I never thought I'd do
Never spent so long on a losing battle
But lately, giving up don't seem to matter

The song "Lost on You" is currently playing. Mukhang playlist ng mga kanta ni Lewis Capaldi ang huling pinakinggan ng may-ari nitong sasakyan kaya 'yon ang bumungad nang muling buksan.

I fastened my seat belt and shut my mouth again. I also calmed myself down because no one would save me in this situation but myself.

It's all in the mind.

Marami na akong napagdaanang pagsubok sa buhay para lang bumigay sa ganitong sitwasyon. Ayokong ma-stress lalo kasi baka maging kakambal ko na ang salitang 'yon. Kung iisipin ko pang maigi at poproblemahin ang mga tumatakbo sa isip ng mga nakaupo sa likuran ko...baka mabaliw ako.

Nang magsimula nang umusad ang sinasakyan namin, ipinikit ko ang mga mata. Dahil konti lang ang tulog ko kagabi, paidlip muna.

˚☽˚.⋆

Nakatagal naman ako nang mahigit apat oras na siguro. Una sa lahat, salamat sa traffic kahit Sabado. Nakatulog yata ako ng lagpas kalahating oras sa sasakyan. Pangalawa, unconsciously na nakatutulong ang pagiging madaldal at makulit ni Bran.

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Where stories live. Discover now