Chapter 17

1.7K 25 0
                                    


"Talaga, anak? Wow! Daddy is so proud of you!" tuwang sabi ni daddy atsaka ako niyakap. Yumakap din ako sa kanya and I felt that he kissed the top of my head.

"H'wag ka muna po maging proud sa akin daddy dahil wala pa naman pong laban. Bukas pa naman po. Maging proud ka po kapag nanalo po ako," sabi ko.

Humiwalay si daddy sa pagkakayakap sa akin. Malawak ang ngiting tumingin sa akin.

"Proud na proud ako sa yo, anak. Sa lahat ng mga karangalan na natatamo mo hanggang ngayon. Yang ikaw ang napili para lumaban, i-represent ang school ninyo ay nakakaproud na  anak," marahang sabi ni daddy.

Napangiti ako dahil ramdam ko talaga sa boses na proud na proud siya.

"Thank you so much po daddy. Sobrang saya ko po na ikaw po ang naging daddy ko," ngiting sabi ko.

He chuckled and hugged me again. Hinalikan niya ulit ang tuktok ng ulo ko habang hinahaplos ang aking buhok pababa sa aking likod.

"Masaya din ako anak na ikaw ang naging anak namin ng mommy mo. Palagi mong tandaan na kahit na may pagkukulang kami sa yo ay mahal na mahal ka namin. Proud na proud kami sa lahat ng mga nararating mo. Proud si daddy kung paano ka maging matapang sa lahat ng bagay..." nabasag ang boses niya. "Pasensya ka na sa mommy mo minsan, anak hah. May pakiramdam ako at nararamdaman kong may tampo ka sa mommy mo dahil minsan hindi maganda ang nagiging trato niya sa yo. I hope you understand, anak..." he added.

Humiwalay ako kay daddy. Ang kanyang mga mata ay pinipigilan ang mga luhang h'wag maglandas.

I smiled. "Daddy, naiintindihan ko po lahat. Mahal na mahal ko din po kayo ni mommy. May hindi man po pagkakaintindihan pero hindi po magbabago ang pagmamahal ko sainyo..."

"Maraming salamat, anak. Napakasuwerte ng lalaking mamahalin mo balang araw..." aniya. Natigilan ako pero ngumiti din..

Gusto kong ipakilala si Yielo kay daddy kasi mas may tiwala ako kay daddy, pero may takot pa din sa puso ko. Hindi ko pa kaya at hindi pa ako handa.

Hindi dahil sa sasabihin ni daddy kay Yielo dahil wala naman siyang mapupuna kay Yielo, maging si mommy man. Natatakot ako sa posibleng mangyari kung sakali.

Baka kasi kapag nalaman ni daddy ay malaman na din ni mommy. Magtataka na iyon kapag may kakaibang kilos sa amin no daddy. Masyado pa man ding magaling mangilatis si mommy... Nagpapasalamat nga ako at ngayon ay hindi siya gano'n. Busy sila ni daddy sa business.

Sabay-sabay kaming kumain ng gabihin at para lang kaming normal na pamilya na kumakain. Si daddy at mommy ang nag-uusap. Kapag nasa akin naman ang atensyon nila ay sumasagot naman ako sa mga tanong nila. About lang sa pag-aaral. Kinamusta ni mommy at sinabi niya din na kailangang h'wag baba ang grades ko.

Naiintindihan ko kung bakit gusto niyang matataas ang mga grades na nakukuha ko dahil ayaw niyang mapahiya sa mga kapatid at pinsan niya. Para kasi silang may kompetensyon pagdating sa aming mga anak nila.

Minsan na akong napagkumpara ni mommy sa isa sa mga anak ng kapatid niya. Bumaba  kasi ang grades ko nung second quarter nung grade eight ako. Nagalit siya sa akin, at marami agad nasabi. Doon na ako nagmature, doon na lumawak ang utak ko kaya bata pa lamang ako ay hindi na ako nag-eenjoy sa pagiging teenager ko kasi subsob ako sa pag-aaral ko.

Para mapasaya sila ay kailangan kong isakripisyo ang kasiyahan ko.

Pero nung nakilala ko si Yielo ay doon nagbago ang lahat. Marami akong natutuhan sa kanya. Marami akong nalaman sa mga salita niya, at siya ang nagparealize na hindi mo kailangang gawin ang lahat para maging proud sila sa yo. Kung ano lang ang kaya mo ay doon ka lang.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now