Chapter 5

3K 38 3
                                    


'Yong pakiramdam na gusto kong maramdaman galing sa sarili kong ina ay si Tita Fely na naman ang nagparamdam sa akin. Sa tuwing pupunta ako rito sa kanila ay ramdam ko na agad ang yakap niya na parang siya pa ang aking ina.

"Mabuti naman at pinayagan ka ng mommy mo na makalabas kahit sandali," ani tita.

"Wala po talagang alam si mommy na kasama ko po si Yielo, ang alam niya lang po ay...." Napatigil ako ng ma realize ang dapat kong sasabihin.

Hindi ko alam kung may alam ba si tita sa kung ano ang sitwasyon namin ni Yielo.

"I know, anak. Sinabi sa akin ni Yielo ang lahat. Pero h'wag kang mag-alala, okay? Hindi naman ako o galit kung ganyan ang nangyayari sainyo at sa kung ano ang nararanasan ni Yielo sa Hacienda ninyo dahil siya ang may gusto niyan," marahang sabi ni tita. Nagkagat ako ng labi. Nahihiya ako.

"Sorry po tita. Alam ko pong napapagod din si Yielo dahil ang hirap hirap po ng sitwasyon ko. Ang hirap ko pong mahalin, at ayos naman po sa akin kung may nararamdaman man po kayo para sa akin. Naiintindihan ko po dahil kayo po ang ina ni Yielo," marahang sabi ko.

Gusto kong maiyak. Hindi ko alam kung bakit. Parang gusto ko lang maglandas ang mga luha ko.

Lumapit sa akin si tita, marahan niyang hinaplos ang buhok ko at niyakap din ako.

"Si Yielo ang nagdedesisyon ng lahat anak at hinahayaan naman namin siya. Hindi kami nangingialam sainyong dalawa dahil kay Yielo pa lang ay malaki na ang tiwala ko, sainyong dalawa, kaya wala akong karapatan na magdamdam ng kung ano para sa 'yo kasi ang tanging may karapatan lamang noon ay ang anak ko," ani tita.

"Tita, hindi po nagsasabi sa akin si Yielo pero nararamdaman ko po. Alam ko pong nahihirapan na din siya, ayaw niya lang ipakita sa akin," I said.

She sighed a bit and kissed the top of my head.

"Magsasabi siya iha kung ano ang nararamdaman niya. Basta ang ipakita mo lang sa kanya ay lumalaban ka, dahil oras na makita niya iyon ay may mas panghahawakan siyang ipaglaban ang relasyon ninyo kasi 'yong babaeng mahal niya lumalaban, kaya bakit hindi siya lalabas 'di ba?" Tita said.

Napaisip naman ako sa sinabi niya at tama. Kilala ko si Yielo, basta lumalaban ako sa relasyon namin ay lalaban din siya. Ipaglalaban niya talaga kahit na anong mangyari.

"Salamat po, tita. Sorry din po..." I said.

"Basta anak lumaban ka. H'wag kang bibitaw kahit na anong mangyari. Pagsubok lamang 'yan sa relasyon ninyong dalawa at naniniwala akong matatapos din ang lahat ng 'yan. Umpisa pa lang, anak. Umpisa pa lang 'yan, marami pa kayong haharapin at pagdadaanan..." marahang ani tita.

Napatango ako. Gumaan kahit paano ang nararamdaman ko. Kahit paano ay alam ni tita ang mga nararamdaman at iniisip ko.

"Maraming salamat po talaga..."

"Basta kapag may bumabagabag sa isipan mo o kaya may problema ka. H'wag na h'wag kang mahihiyang magsabi sa akin. Makikinig ako, anak. Palagi..." she said and smiled a bit.

Napangiti ako. Hinalikan niya muna ako sa noo at iniwanan dahil may kailangan pa siyang gawin. Sakto namang pagdating ni Yielo na pawisan. Agad akong tumayo at pinuntahan siya.

"Bakit pawisan ka?" I asked. He pouted. Kunot din ang kanyang noo.

"Kiss..." aniya.

Kumunot ang noo ko. Ano na naman ang gusto ninyo?

"Kiss? Why?" I asked innocently.

Mas lalong tumulis ang nguso niya. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng maliit.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now