Chapter 10

2.8K 27 1
                                    


"Sino daw sasali sa mga club?!" sigaw ni Izzy.

Napatingin sa kanya ang iba. Masama ang tingin ng iba. Iba naman ay naiirita. Honestly, si Izzy kasi minsan hindi na maganda yong mga ginagawa niya and paano siya magsalita, pero as long as na wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Wala lang sa akin. It's normal na may mga taong naiinis talaga sa yo kung ayaw nila ng personality na mayroon ba.

But you don't need to change for them. Just be yourself.

"Celesta, tawag ka ni ma'am. Punta ka daw faculty," sabi ni April ng lapitan ako.

"Sige, pupunta na ako," I answered.

Agad na akong naglakad papunta sa faculty. Marahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna.

"Hello po, good afternoon. Excuse lang po kay Ma'am Irish," I said.

Tumango naman si Sir Jd sa akin kaya pumasok na ako. Agad ngumiti si ma'am sa akin ng makita ako.

"Pinapatawag ninyo daw po ako ma'am," I said. Tinuro niya muna ang upuan para umupo.

"Ganito kasi Celesta. Ikaw ang napili kong isa sa mga sumali sa debates club," she said.

Natigilan ako saglit. "Po? Bakit naman po ako ma'am?" I asked.

"I saw your potential in acada in public speaking. Karamihan sa mga teachers ikaw ang sinasabi nilang active at magaling sa recitation. Ikaw halos lahat ang tinuturo nila. Ikaw lang naman ang Ellison sa room," aniya.

Nagkagat labi ako. Nasubukan ko naman ng makipagdebate noon pero alam kong iba ang debate ngayong senior high.

"May gaganapin na din kasing debate sa friday. Naghahanap na ang dating debates member ng mga bagong member. Isasalang na agad ang mga napili,"

"Gano'n po ba. Wala naman pong problema sa akin," I said honestly.

"Yong topic ninyo ay biglaan pa siya pero hindi lalayo sa problema ng lipunan. Thank you and goodluck, Celesta. Malaki ang tiwala ko sa yo," she smiled. Tumango ako.

Nag-usap kami ni ma'am at sinabi niya sa akin ang ibang mga kailangan sa debates club. Pinuri niya din ako kaya hindi ko maiwasan na mahiya.

Napatingin ako sa taong umupo sa ka harap ko, and I saw Yielo.

"Good afternoon, ma'am," bati niya.

"Good afternoon din, Yielo. Mabuti naman at nandito ka na," sagot ni ma'am na nakatingin na kay Yielo. "Alam kong magkakilala na kayo ni Celesta at siya ang napili ko sa section ko para maging isang member ng debates club," sabi ni ma'am sa kanya.

Seryoso lang ang mukha ni Yielo habang nakatingin sa akin.

"I trust her, ma'am. Alam kong kayang-kaya niya kahit na higher year pa ang kalaban niya," he said and smiled at me.

Napayuko ako. Namula. Narinig ko ang marahang tawa ni ma'am.

"Paglabanin mo kaya ang dalawang yan sa debate," sabi bigla ni Ma'am Illac para mapatingin kami sa kanya.

Siya ang namamahala sa journalist club at sports club. Teacher namin siya sa USCP.

"Jusko, baka mag-away pa ang dalawang yan," tawa ni ma'am.

"Silang dalawa ang nangunguna sa dalawang advisory mo. Magkasintahan pa, parehas matalino," ani Ma'am Illac.

"Hindi pa po kami..." maliit na boses na sabi ko.

"Ay hindi pa ba?" tanong ni Ma'am Illac na halata ang gulat sa mukha.

"Hindi pa po, ma'am," magalang na sagot ko.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now