Chapter 14

1.7K 26 1
                                    


"Our daughter is so pretty! Manang-mana talaga sa akin!" tuwang sabi ni mommy kay daddy.

Nahihiya akong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Si mommy ang pumili ng susuotin ko at siya rin ang nag-ayos sa akin.

Medjo naiilang ako sa suot kong tube na dress na black. Hapit na hapit sa katawan ko iyon pero masasabi kong halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Minsan lang ako magandahan saa sarili ko kaya naninibago ako sa ayos ko ngayon.

"Ang ganda ganda mo talaga, anak!" masayang ani mommy at pinasadahan ako ng tingin.

"You're pretty, baby," malambing sabi ni daddy.

"Thank you po..." nasabi ko na lang.

"Anong oras na ba? Baka magsisimula na. Late ka na," ani mommy.

I opened my phone. Mabilis kong tiningnan ang oras. Agad ko ding pinatay kasi may message si Yielo doon. Until now, walang alam ang parents ko sa lovelife ko. Ayokong ipaalam, at malaman nila.

"Hindi pa naman po," I said.

"Ihahatid ka na namin, anak. Mag-enjoy ka, okay? Minsan lang mangyari ang ganito sa studyante kagaya mo. Just message us kapag uuwi ka na para masundo ka namin. H'wag kang lalabas ng venue ng walang kasama," ani mommy, bakas ang pag-alala sa boses.

Maliit akong napangiti. Kahit paano may concern at care pa din siya sa akin.

Inalalayan ako ni daddy sa paglalakad hanggang sa makapasok din sa sasakyan. Hinatid nila ako sa venue ng acquaintance at labas pa lang ay naririnig na ang sound maging ang ibang ingat mula sa mga studyante. Hindi ko alam kung ilan ang um-attend pero sobrang dami.

"Enjoy the party, baby," malambing sabi ni daddy. I nodded.

"Thank you po," I said softly.

Hinalikan nila ako sa noo. I waved on them hanggang sa tuluyan na silang mawala sa mga paningin ko. I sighed. Ginala ko ang mga mata ko para hanapin si Yielo pero wala siya.

"Baka nauna na siya sa loob," I whispered.

Ngunit gano'n na lamang ang pag-igtad ko sa gulat ng may brasong pumulupot sa aking baywang. Nang lingunin ko siya ay tumama ang labi niya sa pisnge ko. I shocked because of that but he just chuckled.

My lips parted a bit. Halos mapanganga ako at mapatulala dahil sa ayos niya at sa porma.

Guwapo si Yielo. He's a real definitiom of handsome, pero iba ang dating ng taglay niyang ka guwapuhan ngayon. Ibang-iba.

"H'wag mo naman akong titigan ng ganyan, love. Naiilang ako," nahihiyang aniya.

I blinked. "Ikaw ba talaga yan? Ang guwapo mo, love..." malambing kong sabi. He blushed.

"Shit naman, love. Masyado mo naman akong pinapakilig. H'wag ka naman ganyan," aniya. Natawa ako ng pagak.

Hindi ko maiwasan na magkagat labi ng lumayo sa kanya. Pinasadahan ko siya ng tingin. He's wearing a black suit, white and black lang naman ang puwede. Coat na itim ang nakaibabaw at black naman ang nakailalim.

Black na black talaga siya ngayong gabi pero mas nagbigay dating at angas iyon sa kanya. Mukha siyang badboy tingnan. Idagdag pa ang kwintas na suot niya. Tapos may hikaw sa kaliwang tainga niya. Nagulat ako ng makita iyon ng hindi inaasahan.

Hindi nagsusuot si Yielo ng hikaw sa tainga, at ngayon lang.

"May suot kang hikaw," I said. Natigilan siya.

"Ayaw mo ba? Tatanggalin ko," aniya at akmang  tatanggalin ng hawakan ko ang kamay niya para pigilan.

"H'wag, bagay sa yo. Pero ngayon lang," sabi ko. He smiled and pulled.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now