“Put that bomb down?”

“Eh pano kung huhugutin niya 'yong ano no'ng bomba?!”

“Ha?”

Napatigil naman ang dalaga noong napansing pamilyar ang dalawang lalaking police na naguusap.

T-Teka... Kilala niya ba ito?

“Ano ba, Dominic! Umayos ka nga!”

“Gago, Vincent! Nakakatakot kaya nangyayari ngayon!”

Dominic? Vincent?

Mga... Mga kaklase niya sa MIS noon!
Mga kasama ni Haru sa gang!

“W-Wow,” Hindi namalayang bigkas ni Raven. Hindi siya makapaniwala na dalawa sa mga kasapi ng gang na iyon ay nagkaroon ng disenteng trabaho. Hindi lang disente na trabaho. Isang propesyonal na pulis pa!

“Enough with the noises, will you?!” sigaw ng foreigner sa dalawa.

“Hoy pota, ingay mo kasi!” sigaw ni Vincent dito.

“A-Ako? Ako pa talaga?!—”

“ENOUGH! ENOUGH! I JUST FUCKING WANT TO LEAVE THIS COUNTRY WITH MY GIRLFRIEND IN PEACE SO LEAVE US ALONE!”

Muntik na matawa si Raven dahil sa sigaw nang foreigner. Mukhang 'yong foreigner na ang sumuko sa dalawa.

“The bluetooth device is connected successfully,”

Muling napatigil ang lahat dahil sa tunog na iyon.

“Sir? Sir? Hello? Can you hear me?”

“What the hell are you doing?! What kind of bullshit is that?” mura nito sa taong naka-mic pala.

Tinitigan naman ni Raven ang police na may hawak-hawak ng mic na iyon. Pamilyar din ito sa kanya.

Sino nga ito?

“Gago ka, Ivan!” sigaw ni Vincent dito.

Ivan?

“Yes, yes. I'm sorry to bother you, sir. But I think we should talk about this matter, peacefully.” Rinig na rinig sa buong sulok ng airport na 'to ang sinasabi ni Ivan dahil sa napakalakas na speaker na iyon. “We will even help you on your needs, and let you flight safely to your wanted destination.”

Napakagat ng labi ang lalaking foreigner at parang napaisip.

Magiging effective kaya ito?

“Fuck nah! You will just put me in jail, you motherfuckers!” sigaw nito.

Muntik nang matawa si Raven dahil sa sagot no'ng foreigner.

“Pota. Alam niya naman pala hahantungan niya, ba't pa niya ginagawa 'yan?! Kabobohan!” komento ni Vincent.

Hays. Wala na silang pagasa. Kailangan nila dapat umaksyon ngayon.

Kahit katawa tawa ang sitwasyon ay inalerto na ni Raven ang kanyang sarili. Alam niyang hindi niya ito trabaho, ngunit gusto niya talagang tumulong. Lalo pa't kilala niya pala ang tatlo sa mga police na nakapalibot sa kanya.

Kailangan niyang protektahan ang lahat.

“Fuck! This is messed up! Let's all fucking die here!” sigaw nito.

Napatili naman ang babae dahil inangat nito ang bomba.

“S-Sir! Sir! Don't do this!” pangungumbinsi pa ni Dominic pero hindi siya nito pinakinggan.

“B-Babe, I'm sorry. If I can't have you, then let's just die together,” Lumuluhang sambit nito.

“P-Please, Jerald. I have my own dreams, I have family, my siblings are depending on me. If you love me, you should— at least let me go…” Nagpapaligsahan ang mga luha nito habang binibigkas ang mga salitang iyon. “I'm sorry, Je... But I still want to live my life... to the fullest…”

Hidden Havenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن