Huminga siya ng malalim.



Wala na siyang alam sa kung ano ba talaga ang ganap ngayon. Ngunit isa lang talaga ang alam niya.



Nagbayad na talaga ang may sala at nalaman na ng lahat ng tao ang totoo.



Nahuli ng mga police ang master mind sa nagpabomba ng Manaturi Mall, it was a drug lord. At bakit niya binomba ang Manaturi Mall? May utang ang Manaturi sa kaniya at hindi ito nabayaran ng Chairman Manaturi.



And what happened to Manaturi group? A sudden bankruptcy. Nawala ang lahat sa kanila. Maliban na lamang sa school. 'Yan na lamang ang lugar na tanging pinanghahawakan nila.




Tinitignan lamang ni Raven ang tanawin sa labas ng bintana. Maraming mga nagsi-tayuang building, at hindi na halos makita ang langit.




Maya-maya lamang ay naumay siya sa pagtitingin dahil hindi umuusad ang kotse. Mukhang traffic.




"Ano ba 'yan! Traffic!" biglang saad no'ng driver.



Sinulyap lamang ni Raven ang driver, at muling tumingin sa bintana. Aakmang kukunin niya ang phone niya para maglibang ngunit napatigil siya noong makitang may itim na kuting pala na palaboy laboy sa daan.




"Ang cute," Bulalas ni Raven.



"Ma'am?" takang tanong no'ng driver.



"Manong, wait lang po. May kukunin lang po ako," saad nito sa driver. Mukhang traffic naman eh, at mabilis niya namang makukuha ang kuting na iyon.



Bumaba siya sa sasakyan at maingat na pumunta sa kuting. Kumuha siya ng 'di niya maubos na biscuit sa bulsa at ibinigay niya ito sa kuting.




"Mingmingming," tawag nito sa pusa, at inilapag ang biscuit.



'Di nagtagal lumapit ang pusa sa kanya at unti unting kinain ang biscuit.




"Wow, blue pala 'yong mga mata mo." manghang saad nito. "Sumama ka sa akin, mas marami pa akong biscuit do'n sa pupuntahan natin."




"Meow~"




Parang kinikidnap niya na 'yong pusa at 'yong bait niya ay biscuit.




Dahan dahan niyang hinimas ang pusa.




"Miss! Gumagalaw na! Bumalik ka na sa loob!" sigaw no'ng driver.



"Mingming, sumama ka sa akin, please. Para may kasama ako,"



"Meow~"



"Bubuhatin kita ah, 'wag mo 'kong sugatan." babala niya dito.



At sa isang iglap lang ay madali niyang binuhat ang kuting at dali dali siyang tumakbo pasakay ng taxi muli.













Nagising si Haru dahil sa tunog ng cellphone niya. Naku naman, nakatulog pala siya sa couch. Pero teka, baka 'yong magiinterview ang tumatawag sa kaniya!



Mula sa kanyang pagkakahiga ay bumangon siya at inabot ang cellphone na nasa tabing mesa. Tinignan niya ang caller ngunit walang pangalang nakaregister doon.
Sana ay ang Wei Hotel ito.




"Hello?" Paunang bati niya dito.




"[Hello? Is this Mr. Zamora?]"



"Yes, yes po." sagot nito sa caller.





"[Ah hello, Mr. Zamora. I'm Derek, from Wei Hotel. Do you have some spare time for an interview?]"



"Ah yes, yes sir. When is it, sir?"



"[Can you come over later? 1 pm?]"




"Sure! Sure, sir! Highly appreciated, thank you," pasasalamat nito sa caller, at tuluyan ng natapos ang call.



Ibinaba ni Haru ang kanyang cellphone, kasabay nito ang paghinga niya ng malalim. Muli siyang humiga sa couch at pumikit.



Sana ay makapasok siya dito.




Ayaw niya naman gamitin si Shian, para lang makapasok sa hotel nila. Kailangan niyang masikap. Mas nakakasatisfy ang isang bagay kapag pinagsisikapan mo ito.



Pero sa totoo lang, hindi lang dapat sapat na pagsisikap ang bubuuin ni Haru. Kailangan niya talagang magsikap ng magsikap. Ito ay dahil hindi siya agad agad natatanggap sa mga trabaho. Hindi dahil hindi siya magaling. Ang totoo ay alam ng iilan na anak siya ng mga Manaturi. Lalong lalo na ang mga business owners. At sa panahong ito, basura na ang tingin ng mga tao sa pamilya nila.




Muli siyang dumilat noong matandaang kailangan niya nang kumilos.



Naligo na siya at nabihis, dala dala ang requirements niya. Nakasuot siya ng long sleeve shirt at trousers. Sumakay siya ng jeep papunta sa hotel na iyon. Buti na lamang ay sinanay niya ang sarili niyang magpakumbaba.




"Ano ba 'yan, ba't ang traffic ngayon?" reklamo ng isang pasaherong nasa harap niya.




Buti na lamang ay hindi siya malalate dahil alas onse pa lamang ay umalis na siya sa condo niyang iyon.




Hindi bahala kay Haru ang traffic at tinignan na lamang ang tanawin sa paligid.



Ngunit napatigil ang pagiging malikot ng mga mata niya noong makitang may isang babaeng maikli ang buhok na nakaupo sa gilid ng daan.




Hindi niya alam kung anong ginagawa niya room pero mukhang may kausap ito. Baliw ba ito?


Maya-maya lamang ay kumilos na ang mga sasakyan, at sinigawan siya noong driver sa taxi. Ngunit 'di niya maintindihan kung ano ba sinisigaw no'ng driver. Magulo kasi.



Hindi nagtagal ay tumayo na 'yong babae, at may hawak hawak itong itim na pusa. Ngunit mas nabigla si Haru noong makita ang mukha no'ng babae.





"R-Raven?"









































Hidden HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon