CHAPTER 5:

290 10 2
                                    

Dickson's POV

" Kanino ba kasi galing yung mga pabango na 'yan at ang dami? "

" Ano ba naman 'yan Yaya Ann, sobrang lapit naman ng bibig mo sa mukha ko. Amoy isda pa naman, " biro ko dito kaya tumawa nalang at mas lalo pa nyang inilapit yung bibig niya. Hindi kona matiis dapat na nitong malunod sa swimming pool.

Kaya ang ginawa ko, pinalapa ko siya sa aso at inihagis sa swimming pool. Biro lang baka wala na akong kasama dito. Hindi pa naman nag-sasalita itong bata na 'to. Pero kung akong tatanungin, ayos na saakin itong si Carl at least wala akong naaamoy na mabaho.

" Galing doon sa lalaki na 'yon oh, " tinuro ko naman si Calvin na busy ngayon sa pagkain ng kuko niy- what?

Walang ano-ano, nilapitan ko siya at inalis ko ang tinabing ko ang kamay niya kaya tinignan lang niya ako.

" Huwag kanang magreklamo sir, madumi ang kuko huwag mo kainin. May nail cutter naman dyan, " nakatingin lang ito saakin, tapos biglang ngumiti. Nako po, nakakatakot mga tao dito bigla ngumingiti parang si Yaya Ann.

" Sa susunod ayokong makita kita na ginagawang snacks yung kuko mo ha? " Giit ko dito, pinagmamasdan kami ng anak niya ngayon pati na rin si Yaya na sobrang bango.

" Noted boss. " Sagot ni Sir Calvin kaya bigla akong bumalik sa realidad na hindi pala ako ang amo dito. Pero madumi kasi talaga ang kuko, yung sakanya lang ata ang maputi. Kasi saamin ni Yaya Ann wala e, madumi talaga.

" Anyway, I'll to talk both of you later. Balikan niyo ako after niyo sa mga mga gawain niyo dito. Understand? " Ano na naman kaya ipapagawa nito? Napapagod na'ko. Pagdating sa Daddy nakakapagod, pero sa anak hindi ako nakakaramdam ng pagod.

Iniwan ko muna si Sir Calvin doon dahil kailangan kong kamustahin sila Mama. Baka nag-aalala na ang mga 'yon lalo na matagal-tagal ko silamg hindi nakamusta. Pero alam naman nila yung sitwasyon ko dito. Nakaka-miss tuloy si Nanay at Tatay. Minsan bibisita ako sakanila kapag hindi na busy dito tsaka ipapaalam ko muna kay Sir para at least makapag-overtime? Ay hindi over-sleep? Ano ba tawag doon? Yung matutulog ka sa isang bahay tapos bukas ka uuwi? Sleep ano ba kasi 'yon? Ah oo, sleep owner? Basta ayon.

" Hay bakit hindi sumasagot sila mama? Nag ri-ring lang. "

" Eh bakit mo saakin itinatanong, itanong mo sa nanay mo. "

" Hindi ko sayo itinatanong Yaya Ann, nababaliw kana 'te. " Giit ko dito tsaka ko siya tinulak sa kanal. Pero hindi natuloy kasi hindi ko naman talaga gagawin.

" Ikaw ang nababaliw kasi kinakausap mo yung cellphone mo. " Tsaka siya nagwalk out.

" Hey, Yaya Ann and Dickson. " Sigaw ni Malaking tao.

" Yes ser? " Tanong ni Yaya Ann.

" Starting today, no vernacular words. You must speak in English at all times especially when you are speaking to me. Kay Carl, ayos na ang taglish. " Si sir naman, parang matatawa na ewan sa sinabi niya. Parang nagpipigil.

" Copy sir Calvin, " giit ko. Hoy sir, marunong naman ako ng basic english no. Nakakalimutan kolang yung ibang words.

" How about you Yaya Ann? Do you understand? " Tanong nito kay Yaya Ann. Si Yaya Ann parang gusto pa kumopya sa sinagot ko kanina.

" I'm payn ser. How are you two? " Pigil na pigil ako sa pagtawa ngayon at si Sir Calvin pulang-pula na ng buong mukha niya. He's trying to be professional at all times.

" Go ahead, back to work. "

Iniwan na namin sa salas si Sir at nilapitan ko si Yaya Ann.

" Yaya, tinatanong niya sayo kung  naiintindihan mo ba daw hindi ka niya kinakamusta. "

" Hayaan mona, magkaiba naman kami ng school. Buti pa nga nakasagot pa ako e. " Sarap talaga itulak nito sa swimming pool. Nakakairita pa naman ang buhok niya, buhaghag tapos kati pa siya ng kati. Siguro sakanya lahat itong buhok na nasa salas. Pero walang kulay sa buhok si Yaya Ann, pure black ang buhok niya.

" Eh kanino hibla ng buhok 'to? "

" What's the problem? "

" Oh, no problem sir. I am just picking the dirt here. " Sagot ko kaya napatango nalang siya.

" Alright then. And also, kindly give me two glasses of Juice. Paki-hatid nalang sa room ko. " Utos ni Sir pero biglang nakisali na naman itong si Aswang.

" I thenk, I can du et ser. "

" Oh sure. "

Teka, bakit dalawa? Ang takaw naman ni Sir kung dalawa ang juice na iinumin niya.

" Yaya ako na maghatid nyan. " Hindi pa siya sumasagot kinuha kona agad tsaka ko siya sinipa ng sobrang lakas.

Dapat pala hindi nalang ako ang naghatid, medyo masakit sa paa ang pag-panik sa hagdan. Pagdating ko, kumatok muna ako  pero hindi sumasagot si Sir. Nakita kolang siya kanina na pumasok dito ha? Nasaan ba yung malaking tao na 'yon?

Binuksan ko nalang ang pinto para iwanan nalang sa lamesa ang juice na pinatimpla niya.

Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan na may babaeng nakapatong kay Sir Calvin which is hindi naman big deal para saakin. Kunwari wala akong nakita. Lumabas ako ng maayos at hindi nagsasalita. Matanda na rin naman si Sir Calvin, pero ang iniisip ko dapat naka-focus siya sa anak niya dahil may trauma pa ang bata dahil sa nangyaring aksidente. Teka, nabisita naba ni Sir Calvin ang asawa niya sa sementeryo?

" Dickson na ganda-gandahan, umiiyak si Carl. Puntahan mo saglit. Hindi kona kaya mag-english, tigilan na natin 'to mukhang inaasar lang naman tayo ni Ser Calvin e. "

" Sige heto na. "

Bumaba ako at tinanong si Carl kung ayos lang ba siya at nag-thumbs down naman ito. Talagang nakikinig siya sa mga instructions ko which is magandang improvements 'yon.

" May masakit ba sayo? " Tumango naman siya. Wow! Nagagawa na nyang tumango. Dahan-dahan naman nyang iginalaw ang kamay niya pati na rin ang pagbukas ng palad niya at itinuro niya ang paa niya. Kaya nilapitan ko naman ito.

Kaya pala umiiyak itong bata nakagat pala ito ng langgam, bamula tuloy ang balat nito.

" Tara buhatin kita, hanapin natin ang ointmenrt sa kwarto mo. Maglilinis kami mamayang pagtulog mo. Dumadami na ang insekto sa bahay. " Giit ko dito kaya tumango naman itong si Carl. Mukhang naririnig niya ako ng maayos, hindi lang talaga siya makapag-salita.

Hiningal ako sa bigat ni Carl tapos humakyat pa kami dito sa second floor para kunin yung ointment niya, habang pinapahiran ko siya biglang bumukas ang pinto sa kwarto ni Carl at pumasok ang Daddy nito na puno ng kagat rin sa leeg.

" What happened? "

--------------------------------------------------

Hey there!

Sorry ngayon lang ulit nakapag-update. Sana may nagbabasa pa rin kahit papaano.

Merry Christmas and Happy new year!

Namiss ko kayooooo :>

WILDEST DATEWhere stories live. Discover now