CHAPTER 1:

389 25 15
                                    

Dickson's POV

Mula sa pagtira ko dito sa bahay ni Sir Calvin, hindi pa rin nagsasalita ang anak niya. Nagsimula daw ito noong nabangga ang sasakyan nila kasama ang mama niya. Naawa ako sa bata, dahil itong katulong na kausap niya ngayon ay grabe ang hininga. Nananapak ang amoy ng bibig, kaya ang ginawa ko tinapon ko sa labas itong katulong at ako na ang nagpakain kay Carl. Syempre biro lang 'yon.

" Ako nalang magpapakain kay Carl, " inikutan ako ng mata ni Yaya Ann. " Attitude ka na naman no, " sa loob ng ilang weeks naging kaibigan ko siya kaya komportable kami sa isa't-isa.

" Nagluto kanaba ng pagkain ni Sir Calvin? " Tanong ko dito at tumango naman siya.

" Baka nilagyan mo ng lason ha? " Tanong ko dito at natawa naman siya.

" Hindi ko lalasunin ang crush ko, siguro ikaw pwede pa. " Lumapit ako sakanya at walang awa ko syang tinulak sa pool. Pero syempre biro lang.

Habang nagbibiruan kami, si Carl naman nakatingin lang saamin at mukhang naiintindihan kami. Ang goal ko sa taon na ito dapat makapag-salita itong si Carl. Natitiis nyang hindi magsalita, jusko mapapanis ang laway niya.

" Carl, after mo kumain iinom tayo ng vitamins mo ha? " Hindi niya ako sinagot, inaasahan kona 'yan dahil hindi naman talaga siya sumasagot o nag-sasalita.

" So ano, pati ikaw iinom ng vitamins ni Carl? Takaw mo talaga, " atungal ni yaya Ann kaya sinapak ko siya. Char.

" Kung walang maayos na sasabihin 'yang bibig mo na mabaho, tumahimik k- " hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil may isang ulam na bumaba sa hagdan. Bumaba si Sir Calvin na walang damit at tanging boxer short lamang ang suot niya. Makikita ang umbok mula sa boxer nito at mukhang nakakatakot iyon. Kakagising lang niya pero magkadikit agad ang kilay niya, ganyan ba siya ka-bwesit sa aswang na katulong niya?

" Hoy chakadal, yung laway mo. " Bulong ko kay Yaya Ann, aminado ako na sobrang gwapo ni Sir Calvin kahit saang anggulo mo siya tignan. Maskulado rin si Sir Calvin tapos ang puti rin ng balat. Dinaig pa ang babae sa complexion ng balat niya.

" Good morning, baby. " Tsaka niya hinalikan si Carl. Sana ako rin, HAHAHAHA. Hindi pwede 'yon dahil homophobic ang lalaki na 'to. Nakikita ko ng pandidiri sa mukha niya kapag nakikita niya akong nag li-liptint. Pero ayos lang.

" Huwag kanang aasa na hahalikan ka rin ni Sir Calvin, mwehehehe. " Ang panget talaga ng amoy ng bibig ni Yaya Ann.

" Ipapakain ko itong plato sayo kapag hindi ka tumahimik dyan. " Pinag-handa ko ang mag-ama ko ng pagkain, char. Nakasanayan ko na pinag-hahanda ko sila tuwing umaga.

" Carl, how are you? Did you miss your mommy? " Tanong ni Sir Calvin sa anak nito, naging emosyonal lang si Carl. Nakita ko kasi na pumatak ang luha sa mukha niya.

" Sir Calvin, huwag niyo munang babanggitin ang mama niya. Feeling ko tinutulungan naman niya ang sarili niya na kalimutan yung mga nakita niya noong araw na na-aksidente sila. " Nakinig lang si Sir Calvin saakin.

" Anak ko 'yan, kilala ko 'yan. Wala kang pakielam dito. You are just a fucking gay. Wala kang alam. " Kalmadong sagot niya saakin.

" What? Paanong kilala mo siya? Bakit siya umiiyak ngayon kung kilala mo ang anak mo? " Tanong ko dito at ngumisi lang saakin. " Wala karin karapatan sabihan akong bakla. Kasi in the first place ginusto ko ito kasi gusto kong matulungan ang anak mo. "

" Talaga? Hindi ba dahil sa pera na in-offer ko sayo? " Napatayo na ako ngayon.

" Well, kahit hindi mo ako bayaran mabubuhay ako. Tutulungan ko rin ang anak mo kahit hindi mo ako bayaran. "

" You're lying, marami akong kilala na bakla na nagpapagamit lang. Actually, marami na akong inuwi dito na bakla at mga babae at ang tanging gusto lang nila ay kayaman. Pera ko, " tumawa ulit siya kaya mas nainis ako sakanya.

Lumapit ako sakanya, kaunting distansya nalang magdidikit na ang mukha namin.

" Teka, what are you doing? " Napa-atras siya.

" Ibahin mo ako sa mga nakilala at inuuwi mo dito. " Lumapit ako sakanya at inilapit ang labi ko sa labi niya pero bago kopa nagawa 'yon, pinugilan kona agad ang sarili ko.

" I will not let my lips, kiss yours. Hindi ako papatol sa isang gwapong homophobic na lalaki, mamamatay nalang akong virgin. " Inikutan ko siya ng mata at bumalik sa upuan para subuan si Carl at para maka-inom narin siya ng vitamins. Matagal talaga kumain si Carl kaya kahit nangangalay ako, pinapakain ko parin siya dahil ayokong pumayat siya.

Sadyang homophobic lang ang daddy niya kaya nagiging masama ako kapag kausap ko ang daddy niya.

WILDEST DATEWhere stories live. Discover now