CHAPTER 4:

241 12 2
                                    

Dickson's POV

" Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko na nasampal mo si Sir Calvin. Sa tagal ko dito hindi ko nagawa 'yan. " Saad saakin ni Yaya Ann na abala sa pagpupunas ng refrigerator.

" Bakit may balak ka? " Tsaka kami nagtawanan dalawa matapos kong itanong 'yan. Kasunod naman nito ay ang pagpasok ni Carl agad itong nagpagarda saakin.

" Good morning, Carl! Kamusta ang tulog mo? " Ngumiti lang ito saakin. Hindi na ako umasa na sasagot pa ito.

" Ayos lang ang tulog ko. "

" I'm not asking you Sir Calvin. " Pag-susungit ko dito na ngayon ay boxer short lang suot at mukhang bagong ligo. Ganito ba talaga kasarap si Sir Calvin? Nakakagutom naman.

" Hoy aswang, mauubos si Sir. " Bulong saakin ni Yaya Ann at inikutan ko siya ng mata dahil sa amoy ng bibig niya.

" Bebe Carl, ipag-reready kita ng food mo. Pakakainin kita okay? " Tinignan lang ako ni Carl which is madalas niya itong gawin.

Kinarga ko si Carl at pinaupo sa upuan na malapit saakin at sinimulan kong pakainin. Tinitignan lang kami ng daddy niya, bahala siya mainggit dyan. Ganyan ang nangyayari sa mga masusungit.

" Sir Calvin, any time today darating po yung bagong driver dito sa bahay niyo. " Hindi talaga bagay mag-english ni Yaya Ann, pinapahaba niya lang ang usapan.

" Noted. Kapag dumating pakainin niyo sasamahan ka ni Dickson. Sabihan niyo rin na hintayin niya ako, I need to talk to him. " Tumango nalang si Yaya Ann dahil yung ibang words ni Sir Calvin ay hindi na niya maintindihan.

" Dickson, narinig moba ako? " Tanong ni Sir Calvin habang hinahalo ang kape niya.

" Opo. " Matipid kong sagot. " Carl, after mo kumain maliligo kana ha? Huwag mong hahayaan na maging maasim ka katulad ng isa dyan. Tamang punas lang ng lamesa pero hindi naliligo. " Giit ko kay Carl dahilan para maibuga ni Sir Calvin ang kape na iniinom niya. Tinignan naman ako ng masama ni Yaya Ann.

" Tara na bebe, " tumayo kami at iniwan si Sir Calvin na pulang-pula ang mukha at iniwan rin namin si Yaya Ann na nagpupunas pa rin. Malalagot ako mamaya sakanya, pero lalaban ako. HAHAHAHA.

...

" Carl bebe, may ituturo ako sayo. " Tinitignan lang ako ng bata. Umupo ako sa harapan niya habang binibihisan ko siya dahil katatapos lang niya maligo. " Kapag may itatanong ako sayo kung oo ang sagot, do this. " Tsaka ako nag-thumbs up at tinignan naman niya ang ginawa ko. Nakakarinig naman si Carl pero hindi nagsasalita.

" At kapag hindi naman ang sagot mo, gawin mo ito. " Tsaka naman ako nag-thumbs up. " Sa ngayon ayan muna ang ituturo ko sayo, konti-kontihin natin para magawa mo ng maayos. "

" Okay ba 'yon? " Hinihintay ko siya na sumagot at dahan-dahan nyang ini-angat ang kamay niya tsaka nag-thumbs up. Natuwa naman ako kaya nayakap ko siya.

" Very good ka Carl! Mahal moba ako? " Tanong ko sakanya at mabilis naman syang nag-thumbs up ulit. Blangko ang mukha niya, hindi man lang naka-ngiti pero ayos lang atleast may improvement kahit papaano.

" Carl, " tawag ko sakanya habang nilalagyan ko siya ng polbo sa leeg at likuran.

" Do you love your dad too? " Tsaka siya dahan-dahan na ini-angat ang kamay niya. 

" Oh, why? " Nag-thumbs down siya. Nako, hindi na pala niya masasagot itong follow up question ko.

" Carl, si Calvin daddy mo siya. Mahal ka niya. Kaya you should provide the same thing too, " inayos ko kamay niya para maging thumbs-up ito.

WILDEST DATEKde žijí příběhy. Začni objevovat