CHAPTER 2:

340 16 12
                                    

Dickson's POV

Malalim na ang gabi pero wala pa rin si Calvin, sanay ako na hinihintay siya. Dito ko nalang siya hinintay sa salas habang hinahawi ko ang buhok ni Carl na tahimik lang ngayon na nag-cocolor sa mga coloring book na pinabili ko kay Calvin noong isang araw.

" Yaya Ann, bakit nakatualala ka dyan? Para kang aso, HAHAHAHA, " biro ko sakanya.

" Ayos lang, asawa naman ako ni Sir Calvin bleh, " dinilaan niya ako.

" Sayo na yung gwapo homophobic na 'yon! " Sigaw ko, sakto naman at bumukas ang pinto.

" I'm handsome? " Seryosong tanong ni Calvin. " You're not the first gay na sinabihan ako ng ganyan. " Patuloy pa niya.

" Hindi ikaw ang sinabihan ko ng gwapo, walang gwapong homophobic. " Giit ko. Itong si Carl naman biglang umiyak ng malakas kaya napalapit kaming lahat sakanya. Umakto ito na magpapa-buhat saakin kaya binuhat ko siya, hindi naman niya pinansin ang daddy niya.

" Ngayon lang siya umiyak ulit, Sir Dickson. " Giit ni Yaya Ann kaya nanlaki ang mga mata ko dahil may improvement naman kahit papaano.

" I will add 50 thousand pesos to your ATM card. " Anunsyo ni Calvin at tinalikuran ako. Nakatingin lang si Carl sa Daddy niya na papasok sa kwarto.

" Bakit ka umiyak, 'nak? " Tanong ko kay Carl habang pinupunasan ang luha niya sa cheek. Ang cute naman niya kaso hindi talaga siya nagsasalita.

" Oo nga pala, gusto mobang magbasa ako ng bedtime story? Tara! " Patakbo akong naglakad papunta sa kwarto ni Calvin para magbasa ng bed time story at para narin makatulog na siya dahil 9:30 na nang gabi. Nagbasa lang ako at mabilis naman syang nakatulog. Itinabi ko ang story book niya at kinumutan siya ng maayos.

Dahan-dahan akong tumakas sa kwarto niya, pinihit ko ang doorknob para lumabas na nang makita ko ang saging ni Sir Calvin na kinatatakutan ko.

" Good evening sir, hehe " wala akong masabi dahil naka-boxer short lang si Sir Calvin ngayon na color gray. Ang lakas ng dating nito para sa mga katulad ko na adik sa saging.

" Tulog na ba si Carl? " Hindi ba niya nakikita na hindi na nagsasalita ang anak niya? Natural tulog na. Ayy, hindi pala talaga ito nagsasalita.

" Oo, nakatulog siya habang nagbabasa ng bedtime story. "

" Alright, magpahinga kana rin. " Hahakbang na sana ako nang biglang may dumaan na ipis dahilan para tumakbo ako kay Calvin at mapahawak sa braso niya ng mahigpit.

" It's just small insect. " Malamig na giit ni Calvin na nakatingin lang ng diretsyo. " Bitawan mo ako. I hate gay. Be responsible, baka maging tulad mo ang anak ko. "

Sa sinabi ni Sir Calvin, napabitaw ako hindi dahil sinabi. Dahil doon sa sinabi niya na ayaw niya maging katulad ko ang anak niya. Ano ba ang mali saakin? Nakaka-stress lang. Kaya naisip kong kuhanin ang liptint ko sa bulsa ko tsaka nag-apply para naman hindi ako maputla tignan.

" Hindi ko rin gusto ang taong tulad mo. " Tsaka ako tumalikod palayo sakanya. Sa simpleng salita ni Calvin, nagagawa niya akong saktan. Yung mga pamilya ko never kong narinig na sinabi saakin 'yan. Sinusuportahan pa nga nila ako.

" Much better. Wanting me is a sin. I am warning you, don't fall in love with me. "

As if naman magugustuhan ko ang taong tulad niya. Hindi kona siya pinansin pa at pumunta sa kwarto ni Carl para tabihan siya. Dito nalang ako matutulog.

Tumabi ako sakanya. Tsaka ko naramdaman ang malakas na kulog kaya tumayo ako ara tignan sa bintana ang klima ng panahon. It was raining hard. Tama nga ako, may bagyo.

Babalik na sana ako sa kama pero naisipan ko na uminom ng tubig sa baba at umihi. Bumaba ako at tumungo sa refrigerator para makakuha ng tubig sa lalagyan.

Habang umiinom ako, pilit na pumapasok sa isip ko ang boses ni Sir Calvin at ang mga sinabi niya.

" Bitawan mo ako. I hate gay. Be responsible, baka maging tulad mo ang anak ko. "

Naririnig ko pa rin ang lakas ng kulog kaya bumalik na ako baka kasi magising si Carl at umiyak. Hindi mo kasi maririnig si Carl na umiyak, minsan may kaunting boses na lumalabas sa bibig niya pero sobrang hina lang.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Carl, tulad ng nasa isip ko. Umiiyak na ito at nakayakap doon sa human size teddy bear niya. Kaya napatakbo ako papalapit sakanya.

" Don't cry baby Carl. It's just a storm. Normal disaster 'yan, huwag kang matatakot. " Tumahan siya sa pag-iyak pero hindi pa rin ito humihiga.

" Remember this one, when the storm is strong. Pray and If you can't sleep here alone you can go in your Daddy's room. " Wala pa rin itong interaction saakin pero nahiga na ito kaya kinumutan ko siya ng maayos.

Kanina ko pa gustong mahiga pero laging nauudlot, tulad ngayon may kumakatok sa pinto ng kwarto ni Carl.

" Come in. " giit ko kaya laging gulat ko nalang nang biglang bumungad saakin si Sir Calvin na walang pang-itaas na damit at naka-short lang ito na color black yakap-yakap rin niya ang malaking unan niya.

" Anong kailangan mo, Sir? "

" Can I sleep here? I mean, I can sleep here without your permission. " Pagkasabi niya ng mga salita na 'yan, biglang kumulog ng nalakas dahilan para tumakbo siya papalapit saakin at tumabi sa kama. Halatang gulat na gulat rin ang anak niya sa ginawa nito.

Ang laking tao ni Calvin pero takot sa kulog. Like father like son ika nga.

" Ikaw pala ang gay e. Takot sa kulog,haha. " Bulong ko sa sarili ko bago nahiga. Ang pwesto namin ngayon ay nakagitna ako sakanilang mag-ama dahil parehas silang takot sa kulog.

" What did you say? " Tanong nito saakin. " Kung iniisip mo na ka-baklaan ang ginawa ko well hindi, each indivuals has fear. "

" You're right. Everyone has fear like me. Natatakot ako sa mga salitang naririnig ko sayo na hindi ko narinig sa labas. Hindi ako nagsisisi na tinutulungan ko ang anak mo. I am fortunate to have Carl, parang anak ko na rin. "

__________________________________

Hi guys, new on-going story na naman, hihi. Sana suportahan niyo pa din ako.

Thank you!

Please do vote, comment your thoughts and share my pen name/stories.

-Aboutfictionx

WILDEST DATEWhere stories live. Discover now