PROLOGUE:

545 23 14
                                    

Dickson's POV

Papasok na ako sa malaking building ng mga Mendoza, dito kasi nagaganap ang mga meetings regarding sa Ndoza Report. Binibilisan ko na ang lakad ko dahil baka ma-late pa ako. Dala-dala ko ang laptop ko at inaayos ng necktie ko ngayon. Hindi ko akalain na tumagal ako dito sa Mendoza Company, akala ko hindi ko magugustuhan yung trabaho. Sadyang hindi kolang gusto yung nagpapatakbo nito.

Bago pa ako makapasok sa glass door, may napansin akong bata sa kotse. Sobrang cute nito at may suot na bag. Kung titignan ang bata halatang mayaman dahil mukhang naiingatan ito ng maayos. Nakatingin lamang ito saakin kaya nginitian ko siya. Pero hindi niya ako pinansin.

Napag-desisyunan ko na lapitan yung bata. Sobrang cute talaga to the point na gusto ko syang nakawin ngayon. Nasaan ba kasi ang magulang ng batang ito?

" Sir huwag niyo po syang lalapitan, baka umiyak po. " Hinarangan ako ng body guard. Amoy na amoy ko ang pawisan nitong leeg. Sobrang asim lang talaga.

" Bibigyan kolang naman ng lollipop e, tsaka di ko 'yan kukunin. " Inikutan ko ng mata yung body guard kaya wala na syang nagawa. Hindi ba niya alam na anak ako ng mafia boss? Char, anak lang talaga ako ni Ricabel.

" Hi, was yur neym? " Trying hard ako mag-english. Oo nagtatrabaho ako sa company pero assistant lang talaga ako ni Sir Calvin.

Medyo nabigo ako dahil hindi sumagot ang bata, sa oras na ito gusto ko na syang sapakin dahil hindi pinansin ang napakaganda kong english language.

Iniabot ko sakanya ang lollipop at kinuha naman niya iyon. Sinusubukan nyang buksan pero hindi niya magawa kaya pinalunok ko nalang ng buo sakanya. Magdusa ka, char. Kinuha ito sakanya at binuksan iyon para sakanya. Medyo naninibago ako sa bata na ito kasi hindi siya nagsasalita. Parang hindi rin ata kumikilos.

Gusto kong magtanong doon sa guard pero ayokong kausap 'yon dahil mabaho ang bibig non.

Binuksan ng bata ang kotse at hinila ako papasok doon. Ipinakita niya ang mga toys niya saakin na galing doon sa bag pero hindi pa rin 'yon nagsasalita. Sabi ni Kuya guard, ngayon lang daw hindi natakot sa tao yung bata.

Nakipag-laro ang bata saakin, naglalaro siya pero hindi nagsasalita.

" Where's Carl? " Hindi pa nakakasagot ang guard pero sumilip na yung lalaking nagtanong doon sa Carl. Pagdungaw nung lalaki nagulat ako dahil tumambad saakin ang lalaking kinababaliwan ko. Si Sir Calvin na sobrang gwapo. Brown ang mata at may may bigote na talagang bumabagay sakanya. Pinkish din ang labi niya. Pero hindi siya yung tipo ng tao na magsasalita ng walang kwentang bagay. Kasi ako kahit ano napapansin ko. Tulad ng pagkain ng kuko ni Kuya Guard ngayon.

" Carl? Dickson? " Hindi ako makapaniwala sa reaction ni Sir Calvin ngayon. Nakangiti siya, ngayon kolang nakita na ngumiti siya.

Bumaba ako dahil sa palagay ko dapat akong humingi ng pasensya kay Sir dahil pumasok ako sa sasakyan nila at kinausap ko si Carl.

" Sorry sir fo'r entering in your kotse na pangmayaman. "

" You don't need to apologize. Mr. Ocampo, ngayon kolang nakita ang anak ko makipag-laro kahit hindi ito nagsasalita. Sa palagay ko, isa ka sa taong makakatulong sakanya. "

" Mr. Ocampo, be my son's nanny. "

" Sir, hindi kop- " hindi na niya ako pinatapos pa at nagsalita na siya.

" One hundrend thousand per month plus free meals at sa bahay ka titira. "

" Hindi po ako mahirap kausap. I will accept the- opo tinatanggap ko. Hehe. "

" Good. " Tsaka siya kumindat.

WILDEST DATEWhere stories live. Discover now