Nakahinga ako ng maluwag ng dali-daling tumayo ang babaeng kanina pa nakakandong sa akin na mukhang wala pang balak na tumayo.

Muling nagkasalubong ang kilay ko sa nakita. It's her again. Iyung babaeng nakabangga ko kanina. Nagtataka ako nang makita ko ang kuyom na kuyom niyang kamao at namumula niyang mukha sa di ko malamang dahilan.

"You bitch! Instead of flirting, why don't you seat on your chair and just fucking behave?!" Sigaw nito sa babaeng nasa harap ko na kulang nalang ay humilata sa sahig dahil sa subrang panginginig ng tuhod nito. "And you—!" Baling nito sa akin. Tinaas ko ang kaliwang kilay ko. "You again? How dare you?! Don't raise your fucking eyebrow to me, loser!" Naningkit ang mata ko at pasimpleng tumayo sa kinauupuan.

Humakbang ako papalapit sa kanya dahilan upang umatras siya. "W-what the f-fuck are you doing?!" Her voice cracked. "Stop—stop right there!" May pagka-masunurin naman ako kaya tumigil ako sa paghakbang.

"Scared?" malamig ngunit mariin kung bigkas.

"H-how—i'm not, fucker!" Umawang ang gilid ng kabilang labi ko saka napapabugang hangin na ibinulsa ang kamay. Sinimulan kong humakbang ulit. "D-don't get near me!" She shouted again. Lihim akong napangiti dahil ilang minuto nalang ay mukhang bubuga na siya ng apoy sa subrang pula ng mukha niya.

Kahit ang ibang estudyanteng kasama namin ay binibidyohan na kami. But I don't care. Bahala sila, wala akong pakialam kung ma d-detention ako. Pero bakit naman ako ma d-detention kung wala naman akong masamang ginagawa? Yeah, right.

Tumigil ako sa paglakad nang nakalapit na ako sa sa gawi niya. Nakatingala siya sa akin dahil na siguro sa subrang layo ng agwat naming dalawa ngunit hindi pa din mawawala sa mukha niya ang pagkainis.

Yumuko ako para ipagpantay ang mukha namin saka ko inilapit ang bibig sa may bandang tenga niya. Huminga ako duon sanhi upang maramdaman niya ang mainit na hininga kong tumatama sa balat niya.

"Ang tapang mo."

Humiwalay na ako at nilagpasan siya. Naisipan ko na mamaya nalang ako papasok ulit sa loob kapag mahimasmasan ang pagka digusto ko sa kanya. Ang dali niyang mapikon...

Napapa-iling nalang ako nang tuluyan na akong makalabas sa pintuan ng silid. Bahagya pa akong natigilan nang mahagip ng mata ko ang mga estudyanteng nasa may gilid ng bintana na halatang nanunuod.

Dumaan ang takot sa mata nila ng makita ako. Tinaasan ko lang sila ng kaliwa kong kilay dahilan upang nagsi-alisan sila. Yung iba pa ay halos madapa pa na lihim ko nalang na ikinatawa.

***

"Lonely?"

Natigilan ako nang may nagsalita sa likuran ko at dahan-dahan na lumingon dito. Nakita ko ang isang babaeng mas pogi pa sa lalake. Iba ang dating niya. Mahahalata mo kaagad na bend siya dahil sa klaseng awra at panunuot nito.

Nasa rooftop ako ngayon. Hindi ko alam basta dinala nalang ako ng sarili kong paa sa lugar na 'to. May 1 hour and 25 minutes pa naman ako para mag stay dito.

"Can't talk?" She scoffed a laugh. "Sino bang gumagabang sa isipan mo, bro?" Nagulat pa ako nang akbayan ako nito. "Hate physical touch? Okay lang yan. Wag kang mahiya sakin, ako na to e." And then she wink.

Hindi ko nalang siya pinansin at pinabayaan siya sa pag-akbay sa akin. Comfortable naman ako sa kanya kahit kakilala ko palang. Imbes na magsalita ay itinuon ko nalang ang tingin sa kalawakan.

"Can we be friends?" Lumunok muna ako at tinignan ulit siya. "Come on. Alam kong malapitin ka sa chix at ganun din ako. Let's be friends?" Wika nito saka inilahad ang kamay niya. Halata naman sa mukha niya ang sincere kaya tinanggap ko ang kamay niya. "Yey!" Iyon lang naman ang ginawa ko pero kong maka asta siya parang nanalo sa luto.

MOON NIGHT (GXG)Where stories live. Discover now