"Kamusta pala ang sampong taon na nanduon ka sa lugar na kung saan kasama mo ang mga grandparents mo?"

"You mean sa, italy? It's fine." Tanging nasambit ko.

"Mabuti naman kung ganun. O s'ya, bilisan niyo na at nang makaalis na kayo."

"Wala po bang magaganda duon, ate?" Napalingon ako sa kapatid ko. Ginulo ko ang buhok niya saka ngumiti dito. "Meron po?"

Yea, the girl of my dream.

"Yes. Why'd did you asked?" Nag-iwas ito ng tingin ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpula ng magkabilang pisngi niya. "What with the face? May tinatago ka ba sa akin, Russia?" Dahan-dahan itong sinalubong ang tingin ko.

"W-wala ate, ha." Kamot sa batok nitong sambit. Pabiro pa nitong kinusot ang mata niya na para bang inaantok pa. Ramdam niya sigurong nakatingin pa ako sa kanya kaya natigilan ito. "Ate, wala nga." She pouted.

"Okay. If you say so." Mas lalo lang itong ngumuso. "Okay lang sa akin na magka crush ka. Pero wag ka munang mag ka boyfie or girlfey ha?" Umirap ito kaya natatawang ginulo ko ulit ang buhok niya.

"Okay ate. Noted po."

"Russia! Bilisan mo na d'yan at nang maihatid na kitang bata ka!" Sigaw ni kuya rostom sa labas malapit sa garahe. Sabay kaming tumawa ng kapatid ko dahil alam kong kanina pa naiirita sa amin si kuya butler rostom. "Make it faster, it's already late!" Dagdag nito sa mahinahong boses.

"A minute!" I shouted. Ibinaling ko ulit ang tingin sa kapatid.

"You better get going na. Baka bumuga ng apoy si kuya rostom mo. Pa kiss muna, dali." Dumukwang ako para dampian ng matagal na halik ang pisngi niya. Lumayo ako saka ko din siya dinampian ng halik sa kanyang pisngi. "Magpakabait ka, okay?" Nakangiti itong tumango kaya napangiti na din ako. "Mag-iingat ka. I love you." Lumuhod ako para ipagpantay ang mukha naming dalawa. She giggled when I kissed her forehead.

My younger sister is so cute.

"Bye, ate!" She bid. Dahan-dahan na akong tumayo at nakapamulsang tinanaw ang papaalis niyang pigura.

Nagmamadali siyang umalis papunta sa garahe na kung saan naruon si kuya rostom na kaagad siyang pinagbuksan ng pintuan. Kumaway muna sa akin si kuya rostom bago pumasok sa driver seat.

Bago ko naisipang umalis ay nilinisan ko muna ang mga pinagkainan namin instead na ang mga katulong namin ang gumawa nun. Pinauwi kasi silang lahat ni mama sa probinsya kong saan duon sila nakatira para makasama ang pamilya nila kahit isang linggo lang.

Matapos kong maglinis ay inayos ko ulit ang sarili ko at prenteng tumingin sa malaking salamin na nasa harap ko. Inayos ko ng suot ang wristwatch ko at ngumiti ng tipid. "Pretty, pretty handsome, eh?" I murmured to myself.

I sigh, still smiling.

Lumabas na ako sa bahay at nagtungo sa may kotse ko. Binuksan ko na iyon saka ko pinaharurot.

***

Nang mabuksan ko na ang pintuan ng kotse ko ay lumabas na ako. Sumalubong sa akin ang makaking gate na may nakasulat sa taas na Rain University. Masasabi kong napakayaman ng may-ari ng paaralang ito dahil pati gate ay kumikintab pa sa subrang linis.

Ibinaba ko na ang tingin at sumalubong naman sa akin ang mga estudyanteng nakasuot ng uniporme nila. Ramdam ko din ang namamanghang tingin na ipinupukol nila sa akin na hindi ko nalang pinag-tuunan ng pansin.

MOON NIGHT (GXG)Where stories live. Discover now