20. Triggers and Reminders

Magsimula sa umpisa
                                    

It was still a bit weird to me. Isang maling salita lang, p'wede iyong maging burat sa pandinig ng iba.

"Sagutin mo muna ang tanong man namin!" Badiday demanded.

"Nakulong ako..."

I didn't want to elaborate, but the questions kept coming. Mas lalo yatang umiiksi ang aking pasensya sa dami ng tanong nila, mas mabusisi pa sila kaysa sa mga kapulisan noon.

"Bakit ka nakulong?" Their eyes were curious.

"Masama ako," I sighed.

The girls shook their head. "Hindi ka man masama. Medyo maganda ka naman. Medyo ngani," saad ni Badiday. "Medyo kamukha ka namin. Seym fives tayo."

These kids aren't for the weak. Nakaka-offend iyong medyo maganda.

Ano 'yon? Medyo maganda na medyo pangit?

"Fives? Are you n-numbers?" Kunot - noong tanong ni Voight.

"Nakukulong pala kapag masama? Bakit man si Aling Kiring, hindi man nakulong 'yon siya. Ano kaya 'yon?" Confusion was visible on their face.

I bit my lower lip, they misunderstood what I said. Hindi naman ako nakulong dahil sa pisikal kong anyo. Nakulong ako dahil masama akong tao. Nakulong ako dahil gusto ko... gusto kong tumakas sa aking realidad.

I could've gotten into jail for the murder of Bernabe and his people, but I didn't. I got in my own terms. Hindi ko pagbabayaran ng mahabang panahon ang ginawa ko sa kanila. I had no ounce of guilt.

The doorbell rang.

Tumayo ako upang puntahan ang pinto. I just called for the pizza delivery. Halos katapat lang ng building ang pizza place na in-order-an ko ng meryenda ng mga bata. They didn't want me to leave.

Alam yata ng mga bata na tatakasan ko sila pagkakuha ko ng pizza, iyon naman talaga ang balak kong gawin. I was done with their inquisitive minds.

I paid for the order. Dinala ko ang apat na kahon ng pizza patungo sa dining area. Nakasunod naman sa akin ang mga bata.

"Hindi ko alam kung anong gusto n'yong pizza flavor," saad ko.

Kumuha ako ng plato sa cupboard kung sakaling kailanganin nila ng paglalagyan. Binuksan ko ang box. Mayroong cheese, pepperoni, hawaiian style, all vegetable toppings.

"I don't l-like it!" Voight announced.

He stomped off his little feet toward the living room. Sinundan ko naman siya, samantalang pinauna ko nang kumain ang mga kalaro niya. Nagsisimula na naman ang konsumisyon ko.

"What do you like?" I asked him.

Naupo ako sa couch kaharap niya. Hindi ko naman naitanong kung anong gusto niyang kainin. Hindi ko tinanong ang mga bata, basta na lang ako nagdesisyon. Akala ko gusto nila ang pizza, gusto rin iyon ni Russle.

Hindi siya sumagot.

He kept on playing with his toy car. Ginamit pa niya ang aking paa upang daanan ng kanyang laruan. Pinanood ko lang si Voight sa kanyang paglalaro.

After a few minutes, he climbed his way to me. Nagugutom na raw siya.

Kinarga ko siya patungong dining area.

To my surprise, none of the kids ate a slice of pizza. Hinintay nila si Voight bago kumuha ng pizza na gusto nila. Pinaupo ko si Voight sa upuan at pinapili ko siya ng gusto niyang kainin.

He chose the pepperoni one.

Kumuha ako ng inumin nila. Bukod sa tubig, mayroon namang juice sa ref. Nagsalin ako sa kanilang baso.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon