Christmas Eve#1

94 3 0
                                    

"Good morning my sunshine." Isang malambing na boses ang bumungan saakin. Natigil ko ang aking ginagawang paghahanda ng umagahan, at humarap sa pinanggalingan ng boses na iyon.

May malapad itong ngiti sa labi, naglakad sya papalapit saakin at agad na binigyan ako ng mahigpit na yakap, "Good morning." Balik kong sabi sakanya.

Humiwalay sya sa pag yakap at binigyan ako ng halik sa pisngi, "Ano ginagawa mo?" Tanong nya at napatingin saaking likuran.

"Making a breakfast!" Masigla kong sabi, tumango-tango sya.

"Want mo ng coffee?" Nakatanggap ako ng mabilis na tango mula sa kanya, natawa ako ng mahina at nagsimula ng gawin ang paborito nyang kape.

Nang matapos ko iyon ay agad ko dinala sa dining table, dahil andon sya. Naabutan ko syang nakaupo sa upuan habang may kung anong kinakalikot sa kanyang cellphone, hindi ko mapigilang mamangha saaking asawa. Napaka-gwapo talaga ng kanyang pigura.

"Handsome, here's your coffee." Sambit ko at nilapag sa lamesa ang kanyang kape, mukhang nagtaka sya sa sinabi ko, kaya natawa ako ng mahina.

"Bakit? May problema ba sa sinabi ko?" Binigyan nya lamang ako ng ngisi, "AH!" napasigaw ako ng bigla nya akong hilain paupo sa kanyang mga binti.

"K-ken!" Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi, "Why?" Ramdam ko ang kanyang paghinga mula saaking leeg.

"Hmm..smells good." Sambit nya habang patuloy na inaamoy ang aking leeg, nakaramdam ako ng kaonting hiya at balak na sanang umalis ngunit mas hinigpitan nya ang pagyakap sa bewang ko.

"Sandali.." Bulong nyang ani, huminga ako ng malalim at hinayaan syang gawin ang gusto nya.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nyang ipasok ang kanyang kamay sa loob ng damit ko, ramdam ko ang init ng kanyang palad na dumadampi sa balat ko.

"Ken! Ang aga aga!" Pagsigaw ko sa kanya, pero binigyan nya lamang ako ng ngisi. Masusuntok ko talaga 'tong lalaking 'to.

Bumaba ang kamay nya, hanggang sa makarating sa aking binti. Pinigilan kong gumawa ng ingay.

"Hey my Rina, pwede mo ba akong-" Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya ng idampi ko ang labi ko sa labi nya.

Naramdaman ko naman ang ngiti nya sa pagitan ng aming halikan.

Pumasok ang isa nyang kamay sa loob ng aking suot na pang-ibaba. Doon ako napahigpit ng hawak sa balikat nya.

Pero..kailangan ko syang pigilan dahil-

"Ken! Baka magising 'yung mga bata! Ang aga aga ha!" At tuluyan na akong nakaalis sa patibong nya. Napanguso sya at sinimulan ng higupin ang kanyang kape.

"Mommy!" Si Vien. Nakahinga ako ng maluwag, buti hindi nya kami naabutan ng siraulo nyang tatay sa ganoong sitwasyon.

"Good morning baby ko." Wika ko at binigyan sya ng halik sa noo, "Good morning mom!" Sambit nya pabalik, "Ang kambal? Gising na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa po, andon ang lalakas ng hilik." Natawa kami parehas ni Ken, lumapit si Vien sa kanya at binati nya 'rin ito at binigyan ng sangdamakmak na halik sa
pisngi.

"Mommy, Daddy today is Christmas day!" Masaya nyang sabi, nagkatinginan kami ni Ken.

"Yes baby, kaya pupunta tayo sa huge restaurant para mag celebrate!" Sabi ng kanyang ama, napangiti ako. Pero, binigyan kami ng simangot ni Vien na ipinagtaka namin.

"Dad, we always go out whenever something needs to be celebrated. Pwede bang, dito nalang tayo sa loob ng bahay?"

Nagkatinginan ulit kami ni Ken, biglang kumurba ang ngiti sa labi ni Ken, at humarap kay Vien.

"Yes ofcourse! Dito na tayo sa loob ng bahay mag ce-celebrate!" Masayang ani Ken, natuwa ng sobra si Vien kaya napayakap sa kanyang ama. Napangiti lang ako.

"Sige anak ko, mamaya bibili kami ni Daddy mo ng ingredients at dito kami magluluto!" Mas lalo syang natuwa, at ako naman ang binigyan nya ng mahigpit na yakap.

Parehas kami napatingin sa may hagdanan ng may narinig kaming mga yapak. Ang kambal, gising na.

"Velar and Velsa!" Tumakbo si Vein patungo sa kanila, at sila'y nag group hug na ikinataba ng puso ko. Cute ng mga anak ko.

Lumapit saakin si Ken at ako'y kanyang inakbayan, "Haha..cute ng mga anak natin." Tumango ako at napangiti.

"Babies! Halina dito, maupo na. Mag pe-prepared na si Mommy ng breakfast." Agad silang naglakad papunta sa dining table at naupo.

My Stepbrother Fell Inlove With Me?! Where stories live. Discover now