#8

735 22 0
                                    

Nagising ako dahil may nakaramdam ako ng may para'ng mabigat sa may tyan ko, napatingin ako doon at nanlaki ang mata ko ng makita si Kuya na nakayakap sa'kin.

Agad ko sya naitulak dahilan mahulog sya sa kama, "Kuya! Bastos ka!" naiiyak ko'ng sigaw. Marami pa ako'ng pangarap sa buhay tapo-

"Aray ah, easy lil sis. Wala ako'ng ginawang masama sayo, tumabi lang ako sayo," ani Kuya at tumayo at naupo sa kama ko, agad naman ako lumayo tsaka tinignan sya ng masama.

Huminga sya ng malalim at tinignan ako ng deretso sa mata.

"Rina. Wala ako'ng ginawang masama sayo," simpleng ani nya.

"Paano ka nakakasiguro!?" pasigaw ko'ng tanong, nakakainis talaga 'to e, gumagawa ng kwento about kay Jah, tapos ngayon-

"Nakita mo ba'ng nakahubad ka pag gising mo? masakit ba private part mo? diba hindi?" napaiwas naman ako ng tingin. Naninigurado lang naman ako e.

"Lil sis, namiss kasi kita kaya tumabi ako sayo," ani Kuya, napatingin uli ako sa ka 'nya. May kung ano'ng lungkot sa mga mata nya.

"E. Paano ka nakapasok dito? bakit di ka nagsabi kagabi? edi sana-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marealize ko ang sinabi ko, agad ako napaiwas at tinakpan ang mukha ko.

"God self, gusto mo katabi Kuya mo?" tanong ko sa isipan ko, nababaliw na ako! Rina magkakaJustin ka na.

Napatingin ako sa ka 'nya kasi natahimik sya, tinignan ko sya ng nagtataka dahil nakangisi ito sa'kin.

"B-bakit?" utal ko'ng tanong na lalong ikinangisi nya, unti unti sya'ng lumapit sa'kin umatras ako naman hanggang sa masandal ang likod ko sa headboard ng kama ko.

Hinawakan ko ang dibdib nya, at inilayo ng kaunte, "Kuya ano ba," reklamo ko habang nasa iba ang tingin. Gosh! di ako makahinga.

Pero nagulat ako ng bigla nya ako yakapin, natulala lang ako sa ginawa nya.

"Rina. Please wag mo na ako iwasan, hindi ko kaya," ani Kuya at nagulat ako ng magtaas baba ang balikat nya. Umiiyak sya.

Iniharap ko sya sa'kin, "Kuya ano ba, wag ka na umiyak," ani ko at pinunasan ang luha nya, ngumiti sya ng pilit sa'kin.

Hiuminga ako ng malalim, "Promise Kuya, hindi na ako iiwas," sabi ko at nag promise sign.

"Talaga?" nakangiti nya'ng ani, ang kanina'ng malungkot sa mga mata nya, napalitan na ito nag saya, weird lang.

"Opo," sagot ko, niyakap nya uli ako kaya niyakap ko na 'rin sya pabalik, hindi ko din naman gusto'ng iwasan si Kuya, pero ginawa ko 'yon dahil ayaw ko na may ginagawan ng kwento para siraan sa iba.

Napabitaw kame sa pagkakayakap namin sa isa't isa ng may mag doorbell, ngumiti si Kuya at sinabing 'ako na' kaya tumango ako, pinanood ko lang sya'ng umalis ng kwarto hanggag sa mawala na sya sa paningin ko.

Naalala ko si Jah, sasabihin ko ba kay Kuya na nililigawan ako ni  Jah? baka ano uli gawin nya'ng kwento para ipag layo kami ni Jah, ano ba kasing masama don? mag kaibigan kame ni Jah na soon magiging mag boyfriend and girlfriend, kaya hindi ko talaga kaya iwasan nya, maski si Justin 'rin.

Hayts bahala na.

𝐊𝐞𝐧 𝐏𝐎𝐕

Pag baba ko dumiretso ako sa pinto, sino naman 'tong katok ng katok, nagbobonding pa kame ni Rina e.

Pagbukas ko nawala ang saya sa mukha ko, bakit 'to nandito?

"Hi bro, baka may balak ka'ng papasukin ako," natatawang ani nya, tinignan ko sya sa paa hanggang ulo.

"At sino'ng nagsabing pwede ka rito? alis!" sigaw ko, natawa lang sya. Naiinis na talaga ako sa Justin na 'to! bakit hindi pa 'to patay? bakit hindi pa 'to kulong? nakoo kung hindi lang kailangan ng ebidensya, kulong na 'to. Tsk kung patayin ko nalang 'to!

"Tsk, bro manliligaw ako ni Rina kaya pwede ako dito, papasukin mo na ako baka hinihintay na ako ng baby girl ko," nanlaki ang mata ko!

"Ano?!" pasigaw ko'ng tanong.

"Bingi ka ba? ayaw ko na ulitin," ani nya at balak talaga'ng ipasok ang katawan nya loob ang bahay namin.

Hinawakan ko ang braso nya ng madiin at iniharap sa'kin.

"At sinong nag sabing pwede mo ligawan si Rina? she's mine!" sigaw ko mismo sa mukha nya, natawa naman sya at binawi ng malakas ang kamay nya na hawak ko.

"Bro, di lahat ng sayo mapapasayo, meron din minsan sa'kin," sabi nya at tuluyan nang nakapasok sa loob ng bahay, tinawag ko pa sya pero mukhang naakyat na sya sa kwarto ni Rina, huminga ako ng malalim.

Lahat ng sinabi ko noon kay Rina na pinatay ni Justin 'yung ex girlfriend ko ay totoo iyon. Magkaibigan kame noon ni Justin pero nagbago iyon ng unti unti nya'ng ahasin ang girlfriend ko, nung una wala lang 'yon sa'kin, kasi magkaibigan sila pero nainis na ako kasi lagi nalang sila magkasama at sumasama din sa ka 'nya girlfriend ko. One time may pinuntahan sila ng mag kasama, sinundan ko sila, nakarating sila sa may river side maganda, tahimik, wala gaanong tao tanging sila lang, nakatago lang ako sa may malaking bato at pinagmamasdan sila'ng dalawa mag usap, napakuyom ako ng makitang nagkayakap sila.

Pupuntahan ko na sana sila ng maglabas ng kutsilyo si Justin at agad sinaksak ang ex girlfriend ko sa likod, nanlaki ang mata ko non at natulala nalang. Hindi ko inaasahan na may ganon sya'ng kayang gawin, matagal ko ng kilala non si Justin pero ngayon ko lang sya nakita'ng ganito, natauhan ako ng makita ko si Justin na dinilian ang kutsilyo na may dugo ng ex girlfriend ko, agad ko sya pinuntahan ako sipak sapak. Pero parang wala lang sa ka 'nya ang sapak, gusto ko sya ipahuli pero wala nga ako'ng ebidensya, wala namang cctv sa river side.

Kaya natatakot na baka gawin nya din 'yon sa asawa ko este kinakapatid ko, kaya ngayon prinoprotektahan ko sya mula kay Justin, papayagan ko silang magkita, basta kasama ako ni Rina.

My Stepbrother Fell Inlove With Me?! Where stories live. Discover now