#12

650 20 1
                                    

"Justin takot na takot ako," ani ko kay Jah, kwinento ko lahat ng kaganapang nangyare kanina.

"Panaginip lang 'yon diba? wag mo na isipin 'yon, hindi 'yon totoo, okay?" ani nya at niyakap ako, niyakap ko din sya pabalik.

"Justin feeling ko talaga mag katotoo 'yo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang labi nya sa labi ko ng ikinagulan ko, madali lang iyon.

"Wag kana kasi mag isip ng kung ano ano," ani nya, nakatulala lang ako. Hindi ako makapaniwala, ayaw mag sink sa utak ko ang ginawa nya.

"Binbini? haha ang cute mo," doon na ako natauhan, napaiwas ako ng tingin dahil alam kong mukha na akong kamatis.

"Binibini look at me," hindi ako nakinig sa sinabi nya, nahihiya ako.

"Look at me," seryoso nyang ani, hindi pa 'rin ako sumunod.

"LOOK AT ME!" sigaw nya ikinagulat ko, hinarap ko sya, nanlaki din ang mata nya. Medyo lumayo ako dahil sa takot.

"I'm sorry," ani nya at hahawakan nya sana ako ng umiwas kaagad ako.

"Jah.." tawag ko pangalan nya, tumayo sya at lumapit sa'kin.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya," nakatulala lang ako, bakit parang iba sya ngayon? ibang iba.

"Justin! tama bang sigawan mo sya!" nagulat ako ng higitin ako ni Kuya at itinago sa kanyang likuran.

"Hindi ko naman 'yon sinasadya," ani Justin, tinawanan lang sya ni Kuya.

"Justin lumalabas na totoo mong kulay," nagtataka ko namang tinignan si Kuya.

"Kuya!" sigaw ko, napatingin naman silang dalawa sa'kin.

"Hindi ko talaga kayo maintindihan, bakit lagi kayo nag aaway?! huh?!" pasigaw kong tanong.

"Ewan ko sa Kuya mo," sagot ni Jah na ikinatawa ni Kuya, napatingin naman ako kay Kuya.

"Justin tandaan mo, malalama't malalaman din ni Rina ang totoo," ani Kuya at hinila ako palayo kay Justin.

Nagpumiglas ako pero malakas sya kaya hindi ako makatakas.

"Kuya ano ba!" doon nya na ako binitawan.

"Rina! ilang beses ko ba sa'yo sasabihin na lumayo ka sa kanya!" sigaw nya sa'kin. Wala sa oras ko syang nasampal.

"Nababaliw ka na Kuya e! sobra!" sigaw ko, at tinalikuran sya.

"Tandaan mo Rina, mag sisisi ka na nakilala mo si Justin," nanayo ang mga balahibo ko dahil sa tonong iyon, tumingin ako sa likod, nakita ko syang naglalakad na paalis.

Napatingin ako sa langit, "Simula nung naging kami ni Justin, naging weird ang lahat," ani ko.

"Hi Rina, mag ingat kana hangga't maaga pa," ani ng kung sino man, sabay tawa ng creepy sa dulo. Bigla naman akong kinabahan, tumingin ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang tao, nabalot ako ng takot.

Nagulat ako ng may yumakap patalikod sa'kin, "Are you okay?" tanong ni Jah, humarap ako sa kanya.

"Ayos lang ako," sagot ko, ngumiti sya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Are you mad at me?" tanong nya, habang naglalakad kami, hindi nya naman siguro sinasadya 'yon pero bakit parang iba talaga pinapahiwatig nung pagkakasigaw nya.

"No," sagot ko, ngumiti sya sa'kin at inakbayan ako.

Justin may weird talaga akong nararamdaman sa'yo, dapat na ba ako maniwala kay Kuya? hindi..wala syang ebidensya hindi nya kilala si Jah, hindi kaya pumatay ni Jah, sinisiraan nya lang si Jah.

My Stepbrother Fell Inlove With Me?! Onde as histórias ganham vida. Descobre agora