#17

586 25 0
                                    

Rina 'POV

"Kuya Ken!" sigaw ko ng bigla sya mawalan ng malay, tinignan ko si Jah na tuwang tuwa pa si ginawa nya.

"Walang hiya ka!" sigaw ko, tumawa lang sya, pilit ko itinatayo ang sarili ko pero hindi ko magawa, epekto ata 'to ng itinurok ni Justin.

Umiyak lang ako ng umiyak habang nakatingin sa duguan kong Kuya.

"𝑀-𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑅𝑖𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑠𝑡𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑡𝑖𝑑, 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑘𝑖𝑡𝑎, 𝑖𝑘𝑎𝑤 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎 ℎ𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦, 𝑎𝑡 𝑖𝑘𝑎𝑤 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑘𝑜 𝑝𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑛, 𝑅𝑖𝑛𝑎 𝑡𝑎𝑛𝑑𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 '𝑦𝑎𝑛," bigla kong naalala ang sinabi ni Kuya sa'kin.

Doon na nag sink sa utak ko lahat, mahal ako ni Kuya, hindi lang basta kapatid?

Nang maramdaman kong kaya ko ng maigalaw ang katawan ko, umupo ako sa kama kung saan ako nakahiga at nilibot ang buong paningin, saktong wala si Jah kaya tumayo ako para puntahan si Kuya.

"K-kuya," naiiyak kong ani, napatingin ako sa may bintana ng tumunog ang siren ng pulis, napangiti ako at binuhat ang ulo ni Kuya para ilagay sa legs ko.

"Kuya, kumapit ka magiging ligtas ka,"ani ko, napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at iniluwa ni Jah na may malaking ngisi sa mukha, doon ako kinabahan muli.

"Akala nyo siguro makakauwi kayong buhay!" sigaw nya, mas lalo ko inilapit si Kuya dahil naglakad papalapit sa'min si Jah.

"Justin please, itigil mo na 'tong kalokohan mo," ani ko, naglakad lang sya papalapit sa'min at may inilabas sa bulsa nya.

Baril.

"Jah, please!" pagmamakaawa ko, antagal naman makapasok ng mga pulis dito sa kwarto na 'to.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa ang apat na pulis, napatakip ako ng tenga ng magputukan sila ng baril ni Justin.

"Akala nyo siguro mapapatay nyo ako! hell no!" natatawang ani ni Jah at nagtadtad ng baril sa apat na pulis, at natamaan ang mga ito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, tinignan ko uli si Jah na parang batang tuwang tuwa sa bago nyang laruan.

"Jah please, stop it," umiiyak kong sabi, tumingin sya sa'kin.

"ANO BA KAILANGA KO GAWIN PARA ITIGIL MO 'YANG GINAGAWA MO?!" sigaw ko, lumapit sya sa'kin at hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko papunta sa likod ng tenga ko.

"Ang mamatay ka binibini," nakangising sabi nya.

"EDI GO! PATAYIN MO NA AKO! BASTA WAG MO IDAMAY ANG KUYA KO!" sigaw ko sa kanya, tumayo sya at tumawa ng malakas.

"Papahirapan muna kita bago patayin, mag antay ka muna d'yan binibini," sabi nya at naglakad kung saan, napayuko ako at tulo lang ng tulo ang luha ko.

"Help me god please," sabi ko at ipinikit ang aking mga mata.

"You are a strong man baby,
so do everything to remove
the barrier to your brother's love,
you met to love like a lover,
not as his brother,
so baby do what you can,
for the person you love"

Nadilat ako nang marinig ko ang salitang iyon, agad ako tumayo na parang walang dinadamang sakit, lumingon lingon ako sa paligid baka sakaling makakita ako ng pwedeng ipatay sa taong dapat hindi ko nalang nakilala at minahal.

Pinuntahan ko si Kuya at hinalikan sya sa noo, "Para sa'yo 'to Kuya," sabi ko at kinuha ang kutsilyo na nakalagay sa kabilang side ng kama.

"Kaya ko 'to," ani ko sa sarili ko, pinunit ko ang mangas ng aking damit na suot, at itinali ko ang buhok ko.

"Parang papatay ako ng zombie, pero hindi zombie, kundi taong kulang sa utak," nakangising ani ko, nawala ang kaba at takot ko, napalitan nang excitement.

Nag halungkat ako sa mga drawer na nandito at napansin ng aking mga mata ang isang folder, kinuha ko ito at kinalat ang mga papel na nasa loob nito.

"Maksina Ara Dela Cruz," basa ko sa pangalan na may kasamang litrato nito, mas lalo akong nainis.

Si Maksina Ara Dela Cruz, ay ang aking nanay, hindi ko pa sya nakikita sa totoong buhay sa litrato lang, nakilala ko sya dahil sa auntie ko.

Binasa ko ang mga nakasulat sa papel.

Hindi sakit sa puso ang ikinamatay ni Maksina o ang nanay ko, kundi ang pagpatay sa kanya ni Diego De Dios, sino pa ba 'yun? edi ang tatay ni Justin De Dios.

Napakuyom ang aking palad, iniwan ko ang mga papel doon at kinuha ang kutsilyo na hawak ko kanina.

"Yare ka sa'kin JUSTIN DE DIOS,"

My Stepbrother Fell Inlove With Me?! Where stories live. Discover now