Chapter 1

8 0 0
                                    

Pagdating ko sa pinto ng aming bahay ay sinalubong agad ako ng dalawa naming aso. Parehas silang shih tzu, yung isa color puti ay babae si Sofie at yung isa naman color brown ay lalake si Aki.

"Hello my loves" I said sweetly to our two dogs then I sat on the floor and hug them thightly. They wiggles their tails and lick my face.

Pagkatapos ko silang lambingin ay pumunta na ako sa kwarto ko. Wala pa sila mommy at daddy dahil nasa work pa silang dalawa, meron kaming small business at silang dalawa lamang ang nag ha-handle. Si Isha naman ay sigurado akong nasa kwarto nya at tulog yon.

Nag half bath ako at pagkatapos ay ginawa ko na ang mga assignment ko. Nang natapos na ako ay pumunta na ako sa kwarto ni Isha at tama nga ako tulog parin ito kaya gigisingin ko na ito kasi maggagabi na at anong oras na siya makakatulog mamaya pag hindi ko pa siya ginising.

"Isha, gising na! Anong oras na oh" sabi ko sabay tapik sa balikat niya para magising siya. Ang hirap pa naman gisingin neto nananapak!

Tulog parin! Kaya inalog ko ng malakas ang kanyang balikat para magising na ito. Dahang-dahan niyang minulat ang kanyang mata at masama akong tinignan. "Oo na!" She annoyingly said.

"Bumangon kana ah at bumaba na. Nagluto na si Ate Almira ng pagkain natin" I said before I turned my back at her. Si Ate Almira yung nag-iisa naming kasambahay. Mga nasa 33 years old na si Ate Almira at mahigit 5 years na namin siyang kasambahay, wala siyang kamag-anak na malapitan at nag-iisa lang siya sa buhay.

Bumababa na ako at natanaw ko agad si Ate Almira na pinapakain na ang mga aso namin.

"Ate almira, ano pong ulam" I politely asked her.

"Adobong manok ang ulam, andoon na sa lamesa. Kumain na kayo habang mainit pa" she answered. "Tawagin ko na si Isha, iyong bata na talaga na yon anong oras na gumigising" she added.

"Mabuti pa nga po, ginising ko na po yon bago ako bumababa baka natulog po ulit kaya dahan-dahan ka po baka masapak ka po non" I warned her. That was a slightly joked, tho.

Bumaba na si Isha at sabay na kaming kumain. Wala parin sila mommy at daddy baka mamaya pa iyon dumating, madami atang costumer.

Nang natapos kami kumain ay maya-maya ay dumating na din sila mommy at daddy.

"Mmy, daddy, magpapaalam po sana ako gagala kami ng dalawa kong kaibigan pagkatapos ng uwin bukas. Pwede po ba?" Malambing kong tanong and did the puppy eyes. Para maawa naman sila at pumayag.

"Okay, basta't mag-iingat kayo ah" mommy immediately agreed. Wala talaga problem kay mommy kung lalabas labas o gagala basta't alam namin yung limits namin. Tiningnan ko naman si daddy bago ito magsalita.

"Saan kayo pupunta?" He seriously asked. Si daddy lang talaga yung pinaka strict. I know his reason naman, babae kaming dawalang anak niya kaya ganoon nalang siya kung paano niya kami protektahan.

"Sa mall lang po ddy" magalang kong sagot.

"Sigurado ka na yung dalawang kaibigan mo lang yung kasama? Baka mamaya kasama mo yung boyfriend mo ah" Ito nanaman tayo eh! Lagi nalang siyang ganyan kahit naka ilang beses na akong paliwanag sa kanya.

Alone With MeWhere stories live. Discover now