6: Protect Her

15 1 0
                                    

Leo's POV

Nasa loob lamang kami ng dorm makalipas ang ilang oras. Hindi ko pa rin naiintindihan lahat, parang ang sakit sa utak kapag iintindihin mo iyun.

I didn't know people here are more cruel than the outside world of ours.

Sa lahat ng nabasa kong articles at news patungkol sa paaralan na ito na nagsasabing ito ang pinaka the best na school sa buong mundo, naisipan namin mag-enroll after two years na pagdedesisyon.

Marami kasing nagsasabi, may standards sila pagdating sa mga magiging estudyante nila na mahirap daw sundin ng kung sino man. Kaya ang kadalasan na nakakapasok dito ay puro mayayaman at bigatin sa kung saan-saang bahagi ng mundo. Marami nga rin ang nagsabi na napakastrikto nito at iba ito sa mga pribadong paaralan.

Ito pala ang ibig sabihin ng sinasabing iba ito sa ibang paaralan. Ang magpatayan?

Hindi ko maintindihan kasi sobrang mapayapa tignan nito sa labas, malayo ang mismong mga building sa main gate nila, parang lalakarin mo pa ang dalawang kalye sa layo pero dahil sa nagtataasang gusali ay makikita parin ito sa labas at ng karamihan. Pero hindi ko alam na ganito pala talaga ang nangyayari sa loob, kaya ba malayo ang mga gusali sa mismong gate dahil may tinatago nga silang sekreto?

Sekreto na hindi pa namin alam kung ano ito.

Maliban sa mga nalaman namin kanina, tila para bang maraming mga sekreto pa ang hindi nabubunyag.

Aaminin ko, medyo creepy ito tignan sa gate kasi kapag nando'n ka ay maypagka-foggy na parang haunted. Pero iniisip ko na baka sa weather lang iyun.

Andaming pumapasok sa isip ko na parang masisira na ata ang utak ko dahil dito.

Pero napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagtatalo ng dalawa.

"I'm leaving. This is bullshit!"

"No, you can't leave!" Agarang sagot ni Jake sa pinsan ko.

"Aalis ako sa paaralan na ito. Gusto kong mag-aral, hindi ang mamatay!"

"Nakikinig ka ba, Jane? Sinabi ko na walang aalis dito!" Tila nagulat ako sa biglaang asta ni Jake. Nanlilisik ang mga mata nito at namumula, para siyang nagalit sa sinabi ni Jane.

Nagkasalubong ang kilay ko sa nakikita ko ngayon.

Anong nangyayari?

"What? Are you out of your mind?!"

"Seriously, kung balak niyo pang umalis, huwag niyo nalang ituloy 'yan."

Napangisi si Jane sa naging tugon ulit nito. "Hindi ako susunod sayo."

"Mapapahamak lang kayo!"

"Aminin mo nga, gusto mo ba'ng mamatay dito ha, Jake?"

"Hindi sa gano'n, Jane. Hindi natin alam kung ano man ang gagawin nila sa atin kung sakaling aalis tayo rito. You heard her, the SSG President, that once you are here no one can get out! Nasa unang rules iyun." Seryosong sabi nito.

Walang sumagot sa kaniya, nanatiling tahimik ang buong silid. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin namin.

Hindi ko maintindihan si Jake. Ngunit ramdam ko naman ang takot at kaba ni Jane sa paaralan na ito.

Gusto ko na rin umalis at bumalik nalang sa bahay.

"I'll find ways to get out." Wala sa sariling sambit ko.

Lumabas ako sa dorm, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Ito na ba talaga, lord?

Napabuntong-hininga na lamang ako sa sobrang frustrated.

The Forbidden Where stories live. Discover now