Kabanata 30

72 2 10
                                    


Dumating si keigan kanina at mukang marami atang ginagawa dahil pagod na pagod ng makarating ito dito sa dorm ni hade. Kasalukuyan siyang nag papahinga sa guess room dito. Hindi narin namin tinanong at mukang wala din talaga sa mood ang isang yon kaya pinabayaan na muna ni hade na mag pahinga bago mag report sa kanya ng mga nangyari sa underground.


Nandito kame sa kwarto at nilalaro ko si zafir, pag talaga naka anyong bata siya bumabalik din talaga sa kanya yung paguugaling bata niya ih. Well napilitan lang naman siya sa mu dong yon kase pag ganto lang din ang edad ni zafir dito lang talaga hindi dahil kailangan niya mag palit ng anyo at kailangan niyang umaktong matanda na.

"Ang cute cute mo talaga baby ko." pinanggigilan ko yung pisnge niya at pinaghahalikan siya sa muka na ikinatawa niya lang.

"Mommy!" sigaw niya ng kilitiin ko siya sa tyan kaya natawa na lang ako.

Tinigil ko naman ang pag kiliti sa kanya sa tyan at inayos siya ng higa sa kama. Tumabi si hade samin na kakalabas lang ng bathroom at humiga at niyapos si zafir kaya napa ngiti na lang ako at tumabi narin sa kanila.

"Do you want to rule your kingdom?" tanong ko kay zafir, kahit naman ganyan ang anyo niya ngayon ay ayos parin naman ang pag iisip niya katulad ng mature na anyo niya.

"I don't want mom, she's just going to control me and i don't like that also i want to be with you and dad." sabi niya at sumiksik sakin para yumakap kaya napa buga na lang ako ng hangin.

Nag desisyon na siya ih simula bata siya wala siyang ginawa kundi sumunod sa reyna ngayon nasa puder ko siya at nasa ganyang anyo alam ko na susulitin niya ang mga panahon sa hindi niya naranasan nung maliit pa siya. Hindi ko man lang sya natulungan, hindi ko man lang nalaman na ganon napala ang pag hihirap at kalungkutan niya don. Since nag decide na siya na ayaw niya maging susunod na hari at gusto niya dito ay hindi ko hahayaang bawiin siya ng reyna gawa na lang siya bagong anak kung ayaw niya sa ibang anak niya na maging susunod na tagapagmana.

"Okay i respect your decision love, hindi ko hahayaan na kunin ka nila samin ng dad mo." sabi ko at hinalikan siya sa noo at nginitian na ginantihan niya naman.

"Let's sleep my babies." napa ngiti na lang ako nang niyakap niya kameng dalawa ni zafir.

"Good Night, i love you both."




NASA GUILD kame ngayon dahil walang klase ngayon, kasama ko si zafir at ang mga friends ko. Wala si hade dahil kasama nita si keigan sa underworld, hindi narin namin napag usapan kung ano bang problema niya dahil mukang hindi naman na kailangan kase tingin ko patungkol lang naman sa babae yon. Nasa harap ko sila cesia na naiinis kay blaze hindi ko ba alam sa dalawang to ih tss mapang asar din kase si blaze.

Hindi ko din alam na may bagong member isang batang babae, ang cute cute nga ih pero mukang malakas ang kapangyarihan ng batang to pero ang humble lang. Mauve ang name niya ang cute cute niya kulay violet na may pagka blue ang hair niya may kasama din siyang maliit na pusa at lila ang pangalan.

Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si night at bigla na lang hinila si reign at naglaho bigla. Problema naman ng mga yon may hindi ba ako alam sa dalawang yon? grabe mukang intense ata.

"Vixen."

Napatingin ako kay master ng tawagin niya ako, tumayo ako ng maintindihan ang ibig sabihin ng tingin niya. Tumayo ako at naglakad papunta kay master na kasama si mila at kuya light mukang may pag uusapan kame base narin sa hilatsya ng muka nila mukang may problema. Nang maka puwesto kame ay tinitigan mona kame ni master bago napa buntong hininga, mukang malaki laking problema to ah.

The Unknown - Serenity Of Chaosजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें