Kabanata 12

181 5 0
                                    




CESIA'S POV.




"Tandaa!! nandyan kaba?!!."



Napatingin kame sa pinto kung nasaan ang lalaking sumigaw, tanda? si master ba? at bakit naman niya hinahanap si master? at bakit pula ang buhok niya? manok ba siya? ang dami ko namang tanong. Tumingin ako kila blaze at nakita ko siyang naka ngisi habang naka tingin sa lalaking may pulang buhok.



"Wow parang kanina pinag kukwentuhan lang natin siya ah." manghang sabi ni ash na naka tingin din sa lalaking may pulang buhok.



Naka ngiti siya sa lahat na akala mo'y artista siya, pero yung ngiti niya parang may halong pang aasar.



"Kamusta! nandyan ba ang master niyo?!." naka sigaw na sabi niya, hindi ba ito napapaos? grabe naman po.



Pumasok na siya ng tuluyan at nilibot ang paningin sa unahan, at hinahanap si master kreios. Hmm pero wala si master kreios dito dahil nasa meeting siya diko alam kung saan.




Nasa likod kame kaya hindi kame masyadong kita pag may papasok sa guild. Pwesto na namin to dati pa, ayaw kase ni reign sa gitna at naiirita raw dahil maingay raw.



Nagula ako ng biglang sumulpot si Master kreios sa likod ni pulang buhok sabay batok dito. narinig ko naman ang malakas na tawa ni vixen sa tabi ko at pumapalakpak pa siya, tuwang tuwa siya sa nakita niya.



"Ano't nandito ka? ang lakas lakas pa ng boses mo rinig sa labas!." napakamot na lang yung lalaking may pulang buhok tyaka ngumisi kay master.



Lalo namang natawa si vixen at hinampas hampas si ash na napapangiwi na lang dahil sa ginagawa ni vixen. Ano bang nakakatawa? at masayang masaya siya.




"Hindi mo ba ako na miss tanda?." napa ngiwi na lang ako nlsa narinig, close ba sila ni master? tanda kase tawag niya e, ganon din kase tawag ni vixen kay master.



"At bakit naman kita ma mimisss? sino kaba? anak ko nga diko nami miss." halos mag wala na si vixen kakatawa dito, ano ba kaseng nakakatawa? happy na happy siya.



Nakita ko na kumot noo ni master at tumingin sa pwesto namin at masama kameng tinignan. Napa tigil naman si vixen sa pag tawa sabay tikhim at ayos nang pagkaka upo niya, umiwas pa siya ng tingin kay master at nakita ko ang palihim niya na pagtawa.





"Anong nakakatawa vixen?." masungit na tanong ni master sa kanya.




Nakita ko ang pag ngisi ni reign kay vixen at ang pag tingin nung lalaking may pulang buhok sa kanya. nakita kung nag pipigil ng tawa si blaze at ang pag ngisi ni ash.



"Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo? at sayang saya kapa diyan habang ako pinoproblema yung pag wasak mo sa forbidden forest!." napa tawa na si blaze at ash sa narinig.



Nakita ko na nag pipigil ng tawa si vixen sa tabi ko. "Tanda alam mo kase dapat lang din naman pasabugin yon." kumunot ang aking noo sa narinig, bakit naman na dapat lang pasabugin?.



"At paanong nararapat yon!?." sigaw ni master at mukang problemado.



"Una ho may mga Ogre, Cyclops at mga nilalang maliliit na nilalang don, paano kung may masaktan na iba ulit? aba naman ho master! muntik na ako mamatay don hampasin baga naman ako." eh? nahampas din naman ako ah? partida mahina pa katawan ko tapos sinakal pa ako nung night nayon, naalala ko na naman yung night nayon, kaya pala siya nandon ay dahil may mission raw siya at napagkamalan raw kameng kalaban, pero inatake si blaze ano kayang rason yon.



The Unknown - Serenity Of ChaosWhere stories live. Discover now