Kabanata 7

197 10 0
                                    






SHUTA! nag drama pa ako kanina dahil akala ko yung forbidden na forest kung nasaan siya ang pupuntahan namin ayon pala hindi. halos mag dabog na ako dito habang sinamaan ang bukana ng forbidden forest na ito, ayaw ba talaga kameng pag tagpuin ng tadhana? kailangan ko na bang mag dasal at mag alay ng manok para lang mag kita na kame! aba! gagi simula ng tumapak ako dito ay diko na siya nakita siraulong tadhana ito ah! mahunin ko kaya siya ng sapakan! squaran kame, 'wow tapang feeling kaya' pasensya na nalabas lang talaga ka sirauluhan ko dahil nababanas ako sa mga nangyayari.




Pero putspa naman nakaka takot itong forbidden forest na ito ha! may pa usok epic pa na nakikita bago maka pasok sa loob at sobrang dilim ng daan. baka mamaya may kumalabit sakin tapos hanapin mama niya o kaya hihingi ng tulong dahil hindi daw nabigyan ng hustisya ang pagka matay waahhhh!! mama ko! uuwi na ako ayoko ng mumu!. Napahawak na lang ako kay ash dahil sa mga naiisip ko pero hindi lang ako nag iisa pati rin kase si cesia naka yapos na kay blaze at parang ayaw na pumasok.




"R-Reign wag na tayong t-tumuloy pwede naman diba?." sinamaan niya naman ako ng tingin kaya tumahik na lang ako at kumapit kay ash na tinatawanan ako tyaka si cesia. si blaze naman ay tinatanggal ang pag kaka yapos sa kanya ni cesia.




"Nag si samahan kayo diba? panindigan niyo, pangalan palang nakakatakot na pero sumama parin kayo." alam ko naman pero kase baka nga biglang may humawak sakin sa paa tapos sasabihin pasabay po. "Ikaw pa unang sumama tapos ngayon duduwag duwag ka." eh kase nga baka mamaya bigla na lang may pumasan sakin sa likod tapos ngitian ako tapos sasabihin pasakay.




Dahil sa mga iniisip ko ay halos yumapos nadin ako kay ash dahil sa takot tanginang utak to hindi matigil kakaisip. mga kabaliwan ko talaga sa buhay dapat tinitigil na, dapat merong gamot sa pag ooverthink tapos papangalanan nila ng OTM overthinking medicine.



"Papasok na tayo, umayos kayo at walang hihiwalay lalo kana cesia." ay hindi ako kasali? so, okay lang sa kanya na mahiwalay ako ganon? aba sumbong ko kaya ito kay tita.




"Ay ganon? okay lang sayo na mahiwalay ako?." pero tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan, siraulo to ah sumbong ko talaga siya.



"Wala mang yayaring masama sayo pag na pahiwlaay ka. mas nag aalala pa ako sa mga makaka salubong mo kesa sayo." diba ang supportive niyang cousin sarap itakwil, kanino ba ito nag mana? hindi naman kay tita dahil mabait yon. Aha! alam kona sa lola namin na hindi matanggap na lola na siya kaya pag tinatawag namin siya lola halos patayin na niya kame sa inis niya. silang dalawa lang nag kaka sundo e parehas kaseng masungit tapos ako yung palaasar sa kanila.



Sinenyasan kame ni reign na sumunod sa kanya papasok. naka hawak parin ako kay ash dahil sa natatakot ako na baka merong biglang lumitaw sa harap ko tapos ngumiti habang duguan ang muka. jusko po ang aking mind nag iisip na naman ng ganon jusme meron bang pa change mind dito? kakaisip diko napansin na naka pasok na pala kame.



at shuta bebs ang dilim tanging liwanag lang na nanggagaling sa konting siwang na puno. Ang lalaki ba naman ng puno dito sa loob katakot naman parang may bigla na lang sasaksak sayo. inalisto ko na ang sarili ko baka kase may kalaban na pala  seryoso muna tayo ngayon mukang delikado talaga ang lugar na ito.



Nag tuloy tuloy lang kame sa pag lalakad kahit nakaka rinig kame ng kaluskos sa paligid. Naka hawak parin ako ay ash dahil pinag mamasadan ko ang paligid habang nag lalakad, ganon ako kailangan may kakapitan para kahit kung saan saan ako lumingon hindi ako mawawala. Purong tunog ng mga ibon na hindi ko mawari kung anong klaseng ibon, pero marame akong prisensya na nadadama sa paligid at ang pinaka malakas ay nasa pusod ng gubat.



The Unknown - Serenity Of ChaosDonde viven las historias. Descúbrelo ahora