Kabanata 5

214 15 0
                                    


Vixen Pov.


Dumagdag pa itong isang ito! aba't hindi naman ako naunang gumawa ng gulo ah payapa pa nga ako abang nahingi ng paumanhin sa babaeng yan tapos kung ano ano na sinasabi tama bayon? mabait naman ako e slight pero yung insultuhin yung guild na kinabibilangan kona ngayon ay mali lalong lali na yung pag sampal sakin maling mali yon. princessa lamang siya ano bang karapatan niya! isumbong ko kaya siya sa mama ko porke mabait ako ginaganito ako eme tapos dumagdag pa itong kapatid niya na darius daw narinig ko sa mga bulungan e kambal daw sila.



Sinamaan ko ng tingin yung darius na naka suntok sakin dahil sa pagka lutang ko. lalaki kaya siya anong karapatan niyang saktan ako! gusto kung umiyak sumbong ko siya kay hade siraulo siya masakit yon dumugo labi ko.



"Kuya Light!!!." tawag ko sa kay light naramdaman ko kase presensya niya sa paligid kaya alam ko na nandito siya. at hindi nga ako nag kamali kase nakita ko na sakal sakal na niya yung darius. "Kuya ang sakit! lalaki siya tapos sinuntok niya ako!." paawa kopa para mas lalo siyang magalit kay darius. kahit alam niya na nag papaawa lang ako ay alam kong magagalit yan aba babae kaya ako tapos sinuntok niya ako eh hindi ko naman siya kaaway.


Si reign sana tatawagin ko kaso babae din siya tyaka kona siya tatawagin pag hindi na elite kaaway namin. dapat lalaki din kalaban ng darius nayan para fair diba. "Hindi mo ba alam na babae ang sinuntok mo!? o bobo ka lang talaga." nanggigil na sabi ni kuya light sa lalaki. kuya na tawag ko pag ganito o pag may kailangan ako pero pag mang aasar lang ako kahit ano ng itawag sa kanya.



Wala ng malay si Darias na nasa harapan nila reign. sino ba naman kaseng tanga ang haharap sa kalaban ng hindi mo inaalam kung ano ba ang kaya nitong gawin. Palibhasa basta tira lang ng kapangyarihan ang alam pinag mamayabang na niya na elite siya at princessa pero tinignan mo ngayon walang malay. Nakita ko na pinag susuntok ni kuya light si darius na ngayon ay duguan na ang muka, wala pang gamit na kapangyarihan yan ha! pasensya na Puro gulo talaga hanap ko pero minsan ang gulo naman ang nahanap sakin.

"Tama na yan Trevon. Baka nakaka limutan mo na royalties parin ang binubugbog mo." nag salita yung lalaking may itim na buhok at asul na mata, masyadong malamig ang titig niya at ang aurang naka palibot sa kanya.



'Ang first rank ng Elite.'

'Si Lenox mga bessy'

"Dumating na pala siya."

"Gulo na naman siguro to."

"Si Lenox Xavier Lux ang bebe natin mga bebs."

"Si light din nandito."

"Oo nakita ko nga! kasama niya ang Quadro Ace."

"Gwapo kaso mukang mag kaka gulo wag naman sana."




Oh? Lenox? siya pala yon Lenox Xavier Lux the principe ng Light Kingdom at descendant ng ice kingdom sa mother side. at ang first rank member ng elite wow. pero ano naman ngayon kung siya nga yon hindi ko parin gusto yung nangyayari ngayon.


"Ano naman sakin?." seryosong sabi ni kuya light kay lenox. hindi naman mukang napikon si lenox sa sinagot ni kuya pero masyado paring seryoso ang tinginan nila. "Naki alam siya sa gulo ng dalawang babae at sinutok si vixen hindi tama yon diba? hindi nga yan sinasaktan sa kanila tapos susuntukin lang siya dito? paano pag nalaman yan ng pamilya niya at siya edi gulo to." naka ngising sabi ni kuya light kay lenox.



The Unknown - Serenity Of ChaosWhere stories live. Discover now