Kabanata 1

772 20 1
                                    

                               
                                     SIMULA

    

NANDITO ako sa labas ng gate ng akademya na papasukan ko.  Pag pumasok ako sa paaralang ito ay mag babago na ang daloy ng pamumuhay ko dahil simulat sapul ay lagi ko lang sinusubay-bayan ang lahat. Ngayon na napag isipan ko na mag saya ang maranasan ang buhay na hindi kopa nararasan simula ng ng gampanin ko ang katungkulan nayon.



Nag simula na akong humakbang papasok sa paaralang ito Ang Fallen Academy diko alam ang trip nila bakit fallen ang pangalan ng akademya naito. Nakita ko ang mga studyante na napapatingin sa direction ko siguro marahil sa bago ang muka ko para sa kanila at may dala dala pa akong maleta na puro mga gamit ko ang laman. Nag tuloy tuloy na lang ako sa pag lalakad para makapunta sa Headmaster Office.



Tinignan ko ang paligid habang nag lalakad ako, sariwang hangin at mga puno sa gilid ang may mga pinong mga damo at mga punong nakatayo, maganda din ang sikat ng araw hindi masakit sa balat. May parke kaliwang bahagi at fountain sa kanang bahagi, makikita mo naman sa unahan ang nga building sa sobrang lawak ng skwelahan ay malabong hindi ka maligaw.




May nakita akong mag jowa na nag lalandian sa nadaan ko pero binaliwala ko na lang normal na siguro dito ang PDA hindi na ako mag tataka. Kaya dito ko ring pinili na mag aral kase dahil sa guild na pwedeng salihan para sa misyon na kukuhain mo at gusto ko sa guild ng mga Fallen Dragons Dahil bukod sa Kapangalan ng guild nila ang Paaralan na ito ay malalakas din sila, ngunit may isa pang guild ang sumasabay dito ito ang Elite's sila ang mga Royalties ang mga anak ng Hari at reyna ang pinag kaiba ng mga ito ay masyadong Pasaway ang Fallen Dragons habang ang Elite naman ay tinaguriang Role Model ng Paaralang ito pero hindi naman natin alam kung ano ba talaga ang totoo sa bawat naririnig natin tungkol sa mga ito.




Nang makarating na ako sa tapat ng HM Office ay binukdan ko naito bago kumatok, mukang nagulat naman ang HM dahil sa pag bukas ako at biglang pag katok. Nakita ko kaseng mukang busy siya sa binabasa niyang mga documento, Nakita kong bumuntong hininga siya tyka niya ako sinenyasan na maupo at sinunod ko naman.




"Sa nakikita ko ay ikaw ang bagong student, akala ko ay bukas pa ang dating mo dahil kadalasan ay ganon." Naunawaan ko naman agad ang sinabi niya kaya tumango tango na lang ako,  meron siyang kinuha sa drawer at nakita kong isa itong susi at Papel. "Ito ang susi ng dorm mo at Schedule mo Bukas nadin ang simula ng klase mo at kung mag hahanap kana ng guild na sasalihan mo ay hanapin mo na lang ang Information Board.




"Naka pili na ako ng Guild na sasalihan bago pa ako pumasok dito." tumango tango naman si HM na hindi ko parin alam ang pangalan



"Ako si Headmaster Maximon Hutton." oww ayon pala mweheheeh, inabot niya sakin ang schedule at susi pero bago kopa makuha ay nag tanong siya. "Maari ko bang malam kong saang guild ka sasali?." oww! ayon pala.


"Fallen Dragons ho masyadong matunong ang pangalan ng guild nila." matunog naman talaga ang pangalan ng groupo nila hahah.


" Pwede kobang malaman kung anong mga naririnig mo tungkol sa guild nayon?" ay dimo nanaising marinig pero sige na pag bibigyan kona siya.



"Masyadong matunog ang guild nila Kahit puro magaganda naman ang nagagawa nila sa misyon nila ay puro reklamo din ang naririnig ko dahil sa mga nasisira nilang mga bagay exciting." narinig ko nakasira sila ng dalawang bundok tapos mga bahay bahay buti sa tuwing may nasisira sila walang mga tao sa paligid.



Nakita kong mukang kinakabahan si HM at bakit naman kinakabahan ito. wala naman akong ginagawa ah bahala na nga. Kinuha kona ang schedule ko at susi ng dorm bago mag paalam kay HM maximon.



Nag lakad na ako papunta sa dorm ko number 108 Wala din akong kasama sa dorm ko dahil hindi ko gusto na may kasama ako. Bukod ang Dorm ng mga lalaki sa babae pero hindi naman pinag babawalan na may bumisitang mga lalaki sa dorm ng mga babae ganon din sa mga lalaki basta alam lang nila ang limit ng bawat isa.



Nang makarating na ako sa tapat ng dorm ko ay hindi na ako nag atubili na pumasok dahil pagod na ako masyado akong maraming ginawa ngayon araw. Maganda ang Loob ng Dorm ko brown ang kulay nito pang aesthetic awit hahaha pumasok ako sa kwarto ko naayon naman sa favorite ko ang kulay nito fade Violet/Gray maganda naman nakakatuwa.



Inayos kona ang mga gamit ko sa Closet nandito nadin ang mga gagamitin ko para sa pag aaral nandito na ang uniform ko kaya okay na lahat. Wala namang babayaran pero para sa allowance ay kailan talaga namin ng pera kaya nakuha kame ng misyon para may pera kame ganon lang pero yung iba gusto lang ng thrill sa buhay.

Karamihan sa mga nag aaral dito ay mayayaman o may mga kaya sa buhay mga Nobles,Elite anak ng council anak nang mga negosyante at iba pa pero karamihan din don mga nag papasikat lang hindi naman mga magagaling puro yabang lang ang alam masyado nilang minamaliit ang mga mabababa sa kanila, at hindi pwede sakin yon.



Ang Elite's ang nag papanatili ng kaayusan ng mga mag aaral tungkulin nila yon ano pang silbi nila kung wala silang gagawin diba naturingan mga anak ng hari at reyna walang gagawin mag papakasap lang ano ba sila gold?


makapag salita ka naman akala mo may ginagawa ka. tignan mo nga nandito ka at wala sainyo para gampanin ang tungkulin mo.


Konsensya koyan grabe naman sige na mag pakasarap na lang kayo sa buhay bahala na kayo. Ang dami ko ng nalalaman na mga salita dahil sa pag punta ko sa mundong yon, kahit wala silang kapangyarihan ay nagagawa din silang nakakapanakit ng kapwa nila grabe.


Humiga na lang ako sa kama dahil pagod na dahil sa mga ginawa ko ngayon araw. bukas naman another day, another slay isa din yan sa mga natutunon ko don mweheheh.







__________________

Support me
Another story, Another slay

The Unknown - Serenity Of ChaosWhere stories live. Discover now