28: The Dream

53 3 1
                                    

"Why does she look like Nardan?"

"Pinagsasabi mo diyan," I blurted out to hide the fact that I almost choked on my drink. Kahit malamig sa loob ng bar, pawis na pawis ang mga kamay ko sa kaba.

"Hindi naman, love! Ikaw talaga," Chanty laughed sabay mahinang binatukan si kuya Adrian.

Nagtawanan agad silang lahat maliban sa akin. "Medyo lang naman," natatawang pagbawi pa ni kuya. I glared at him and shook my head, inubos ko agad ang natitirang alak sa baso ko para pakalmahin ang sarili ko.

"But wouldn't that be so crazy if that was really Nardan," nakangisi naman na sabi ni kuya Eugene.

"Isa ka pa," matalim ko siyang tinignan. "Ikaw pinakamatanda, dumadagdag ka pa sa kalokohan," I playfully rolled my eyes at him.

"Possible naman kasi," pagsali din ni Andrea. Napailing ulit ako para kunwari hindi ako parang hihikain na dito sa upuan ko. They aren't dumb, kung tutuusin, it's so easy to put two and two together. "Hindi ba talaga nagkrus ang landas niyo?" she raised her brow at Rouqil and I. She intently looked at us.

Saglit kami na nagkatinginan ni Rouqil bago ako umiling. He didn't, but there was smile on his face. "Never," ako ang nagsinungaling para sa amin. I get it, ako naman ang gustong itago ito.

"Rouqil?" Andrea smirked at him.

He softly chuckled, he stole another glance at me before he looked at Andrea and shrugged his shoulders. "I don't know."


______

"Pasok po," I yelled while still busy reading the packets on my desk nang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.

"Mas hardworking ka pa sa CEO, girl!"


Nagulat ako nang bigla kong narinig ang boses ni Chanty. She widely grinned at me. "Miss me?"

I laughed as I stood up, nilapitan ko agad ito at mahigpit na niyakap. "Sobra," pinanggigilan ko pa ito. Rocking her from side to side.

"Does that mean you'll come with me to Antipolo?" she asked, grinning at me nang maghiwalay kami.

Napakunot naman ang noo ko. "Antipolo? What the fuck are you even gonna do there?" nagtataka kong tanong rito.

"Actually, your kuya's gonna be with us, too. Siya magddrive and may titignan lang tayo," pagpapaliwanag nito. Mas lalong napakunot ang noo ko. I debated whether I should go or not. Nasimulan ko na ang painting pero hindi ko lang matapos tapos. "Come on!" she held both of my hands. "Ilang beses ka nanaman hindi sumasama sa amin, lalo na pagsinasabi namin na kasama namin si Rouqil," she pouted.

"Yeah," napairap ako. "Lagi niyo kasi akong tinutukso sa kanya, it's getting old," reklamo ko agad.

She giggled. "Ang cute niyo kasi dalawa and to be fair, ikaw lang yung ayaw. Si Rouqil g na g!"

Napairap ulit ako. Syempre, pabor sa kanya eh. "Yeah I hate that guy," walang emosyon kong sabi.

"I wish I could record these moments na puro ganyan ang sinasabi mo tungkol sa kanya so I can play it on your guys' wedding," panunukso pa nito, bakas pa sa mukha na kilig na kilig siya. If I hear this two years ago, baka mas kiligin pa ako kay Chanty.

"Ewan ko sayo, puntahan mo na si kuya!" pagpapaalis ko rito bago ako bumalik sa upuan ko.

"Come on, dan! Come with us!" pagpupumilit niya pa, she grabbed my hand again and wiggled it. "Please, samahan mo kami ng pamangkin mo," malambing nitong sabi habang mahinang hinahaplos ang tiyan niya.

Sin CityWhere stories live. Discover now