05: Hot and Cold

92 1 0
                                    

"Dany! Look at Yohan's text!"

I stopped unloading my dishwasher para bigyan ng atensyon si Ruth. She got up from my couch para lumapit sa akin at ipakita ang telepono niya. I had to squint my eye to read Yohan's message.


"Birthday ko this Saturday. May plano kaming mag lake ni Rouqil para lang magchill at mag barbecue. Gusto niyo bang sumama ni Nardan?" Yohan texted.



It sounds fun kaya agad akong tumango. "I haven't had barbecue in awhile so I'm down," nakangiti kong sagot kay Ruth bago ako bumalik sa ginagawa ko. Ngumiti din ito at agad na nagreply kay Yohan habang naglalakad ito pabalik sa couch.


My phone on the counter vibrated kaya nabaling ang atensyon ko doon. It was a message from Brendan. I finished putting my dishes back in the cupboard before I replied to his message.


"Yohan said to tell you that don't expect there's going to be a boat because he can't afford to rent one," Ruth exclaimed while laughing on her phone.


Napatawa din ako. "Tell him I said do better," pagbibiro ko, binalik ko din ang atensyon ko sa telepono ko para makapag reply ulit kay Brendan. We've been exchanging messages for almost a week now. May nakakatext din akong iba but not as consistent with Brendan.

"Happy 24th birthday, Yohan!"

Lumabas sa sasakyan si Yohan para daluhin kami. He looked so good in his button down Hawaiian shirt and black shorts. Napakunot ang noo ko as I watched Ruth excitedly walked towards Yohan while carrying a cake at agad na niyakap si Yohan.


"Thank you, Ruthie," he gladly replied and hugged her back.


"Happy birthday, Yohan, mabuhay ka hanggat sa gusto mo!" pagbibiro ko. I gave him a side hug dahil nagstru-struggle ako sa mga dala ko.

"Salamat Nardan ha," natatawang sagot nito sa akin. My gaze shifted to the other side of the car nang lumabas si Rouqil mula sa driver's side. He's wearing a white linen shirt and black five inch seam shorts.

"Overnight lang tayo sa lake ah, ba't mukhang buong cabinet mo yung dala mo?"

Pinaliitan ko ng mga mata si Rouqil dahil sa tanong niya. Wala man lang hi or hello, diretso agad sa pang iirita. "Hello din sayo," inirapan ko ito. Umagang umaga ganito agad bungad niya. Hindi ko pa din nakakalimutan ang linya niyang daddy's money


"Akin na," walang emosyon nitong sabi at kinuha ang dalawang tote bag ko mula sa balikat ko so he can load it in his trunk. I rolled my eyes again at binigay nalamang sa kanya, agad akong pumasok sa loob ng sasakyan niya.

"Oh ba't ganyan na ang mukha mo? Masaya ka pa kanina ah," natatawang tanong ni Ruth sa akin nang makapasok ako.

Lumingon din sa akin si Yohan na nasa passenger's seat at natawa. "Oo nga, you okay, Nardan?"

"Hindi! Paano naman kasi yang si Rouqil, every time he opens his mouth, he infuriates me," naiinis kong tugon sa kanila. Napabuntong hininga nalamang ako at isinuot ang seatbelt ko.

Magsasalita pa sana sila pero pumasok na si Rouqil sa sasakyan. I glared at him when I saw him looked at me through his rearview mirror.


"Jillian, you can connect now," Rouqil said nang paandarin nito ang kotse.


I ignored him at isinuot ang headset ko to play my own music at itinuon ang tingin sa bintana. I saw in my peripheral vision that he turned around to look at me, hindi makapaniwala sa ginawa ko. He ignored me at pinaandar na ang kotse niya.

Sin CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon