22: Love Island

83 1 0
                                    

"And my last love and my only love," Rouqil added.

I clenched my jaw when I felt my eyes heating up. Nanatili akong nakayuko. I'm scared that if I look up and our gazes meet, my tears are going to fall down. I don't want to give him the satisfaction of seeing me still affected of our relationship.


"That's so cute," I could tell that she pouted. "Where is she now?" Crystal asked again. Napahinga akong malalim sa tanong niya.


"She left me."

My heart shattered to pieces. Wow. He's really acting like he's the victim here huh. Putangina, siya ang nang iwan! Siya ang nanloko! Siya ang nagtraydor!


"Oh no!" Crystal dramatically said. "Can I ask why?"

Ramdam ko ang pagtaas baba ng dibdib ko sa galit, inis, at sakit. Hindi ko na napigilan pang tumingin sa kanya, matalim ko siyang tinignan nang magtama ang mga mata namin. I waited for him to answer Crystal's question.


Malungkot niya akong tinignan. "Because I hurt her. I'm a fuck up and I fucked up."

Huminga agad akong malalim at umiwas ng tingin. Good thing my phone vibrated because of my alarm. I cleared my throat, "may 3PM meeting pa po kayo, sir."

"Right," umayos agad si Rouqil ng upo at bumuntong hininga. "Let's continue this tomorrow guys," he sweetly smiled at Tyron and Crystal.

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang iligpit ko ang mga gamit ko. I hate his response kasi, naiinis ako sa kung saan niya nakukuha ang kapal ng mukha na sumagot ng ganun. Bakit hindi niya maspecify? Dahil ba takot siya na magalit sa kanya ang mga tao? Napaka paawa ng sagot niyang I am a fuck up and I fucked up, halatang nanghihingi ng simpatya! Bwesit talaga!


"Nardan..." Rouqil called me as soon as they left.

Tinapunan ko agad siya ng tingin as I hugged my ipad tightly. "Po?" walang emosyon kong sagot sa kanya.

Napalunok ito, it took him awhile to speak again. It was as if he was reassessing his thoughts. "I don't need you for this meeting, pwede ka na munang mag explore sa lugar," his voice sounded defeated.

"Okay," I immediately answered. Hindi na ako nagprotesta pa. Umalis agad ako ng restaurant at iniwan siyang mag isa sa table.


I walked around pero gusto kong tumakbo. Running would ease my mind off of this bullshit. Gusto gusto ko na rin maligo sa malamig na tubig para pakalmahin ang puso ko.

"Hoy, you okay?"


Nagulat nalamang ako nang biglang sumulpot si Tyron sa gilid ko habang naglalakad ako. "What the fuck are you doing here?" nagtataka kong tanong sa kaniya.


"My room's literally right there," turo nito sa babang kwarto ng building na nakaharap sa pool.

"Oh," napataas ang kilay ko. "I thought you guys stayed somewhere else," dagdag ko pa. I started walking again at sumabay din ito.


"So where are we going?" he chuckled.

I shrugged my shoulders. "Wherever our feet takes us."

"Great, I need to get my steps in din kasi!" nakangisi nitong sabi as he looked at his watch and clicked something on it. It revealed the number of steps he had. Natawa nalamang ako at tumango.

No one talked for a minute, nakatuon lang din kasi ang tingin ko sa mga alon sa dagat while my mind was still thinking of Rouqil's bullshit earlier. And a few minutes later, Tyron broke the silence nang makarating kami sa boardwalk.

Sin CityWhere stories live. Discover now