CHAPTER 6

0 0 0
                                    

CHAPTER 6

BRYCE POV
"Letcheee !! , Ano na Clarke? Akala ko ba maayos ka kumilos? Hindi ka nag-iingat !! God dam** " sigaw ko kay Clarke habang nililinis n'ya ang sarili n'yang mga gasgas sa siko.

" We didn't expect those rats Bryce, nagkagulo na agad napakabilis ng pangyayari at alam mong walang ibang nakakaalam ng operations natin sa Navotas at alam mo rin na iyon na talaga ang puntahan natin!? Ngayon lang ito nangyare " gigil nitong paliwanag.

"That's what Im talking about Clarke" pagduduro ko sa kanya . " Sa tagal nating ginagawa 'yan ay naging kampante ka masyado hindi kayo nag-iingat , paano kung nahuli ka o kaya nama'y natuluyan ka ha! " Pagtitimpi kong sambit dito " Clean yourself at magpagaling ka ,  hindi ka muna pwedeng sumama sa operasyon ." 

I was walking and thinking about what happened this past few days lagi na lang palya lahat ng operasyon na pinplano namin, nakakapagtaka na sa tagal ng ginagawa namin ito ay ngayon na lamang ulit ito na ulit like 8 years ago. Ayokong dumating pa kami muli sa puntong iyon gustuhin ko man ihinto ito ngunit paano? Baka ako naman ang mapahamak dahil sa mga atraso ng Daddy ko na ako ngayon ang nagsasakripisyo.

FELICITY POV
" Ms. Detective" tawag sa akin ni Zake na ikinatawa ko naman.
" Felicity na lang " sambit ko.
"Hehe, ahh may nakuhanan nga po pala ako habang naghihintay nung nakaraang operasyon." pagpapaliwanag nito, na ikinaliwanag ng mukha ko , saka ko inabot ang hawak n'yang mga larawan. Madilim man ngunit malinaw sa mga mata ko na s'ya iyon at hinding-hindi ako maaring magkamali.

"I knew it," bigkas ko,  it was Bryce that night I know how he speaks and it's very clear that it was his voice. His pleasing eyes I know it was him.
" What is he doing their? " Tanong ko sa sarili ko.
" Kilala mo ang isang 'yan?" Tanong ni Zake.
" Ahh No." mabilis na sagot ko. " Anyway Zake , thank you for this you did a good job" I smiled.

" Anong ginagawa sa ganoong lugar Bryce Harper?" muli kong tanong sa sarili habang nagmamaneho. Sa hindi kalayuan malapit sa isang Mini shop ay nakita ko s'ya.
" Bryce?"  I can't believe this is real? Nagmadali akong naghanap ng parkinh lot at bumaba upang sundan s'ya patungo sa loob.

"Bryce?" natutuwa kong tanong ng lumapit ako mula sa kinauupuan n'ya na s'ya naman ay parang nag-iisip ng napakalalim habang umiinom ng fruit drink na paborito n'ya.

" Felicity? " gulat na bigkas n'ya rin sa pangalan ko , na s'ya naman ang ikinatuwa bigla ng puso ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin s'ya na naging dahilan ng pagtayo n'ya sa kinauupuan n'ya.

" I'm glad to see you, Bryce" nanggigilid na ang luha ko sa tuwa ng muli ko s'yang makita, muli ko ring napagmasdan ang mukha n'ya na makinis ngunit may mga sugat na tila kakahilom lang at malabong pasa ngunit kitang kita ko.

Marami kaming napag-usapan tungkol sa nakalipas na walong taon, nabanggit ko rin sa kanya na namatay ang magulang ko kaya't dinala ako ng kamag-anak ko sa ibang bansa at nawalan ng koneksyon. Alam kong hindi na ako dapat magpaliwanag pa ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko . 

Sa lahat ng nabanggit ko, isa lang ang napansin ko wala s'yang reaksyon ng mabanggit ko ang pangalan ng magulang ko. Binago n'ya ang topic namin at itinatanong n'ya kung ipinagpatuloy ko ang pagpupulis , hindi ko sinabi ang totoo dahil alam kong hindi maaaring malaman n'ya. Ang sabi ko ay nag-tuturo ako bilang propesor sa isang unibersidad dito sa Manila.

" I'm so glad to see you safe and alive Fel, but I have to go" napawi ang ngiti ko ng banggitin n'ya iyon, alam ko naman na gusto na n'ya umalis dahil sa paulit-ulit nyang pagtingin sa kanyang orasan.

" Oh , I'm sorry, well ahm it's really nice to see I hope we will see each other again without any errands right?" prangka kong sambit sa kanya. Gusto ko sana muli s'yang yakapin ngunit nagmamadali talaga s'yang umalis at sumakay ng deretso sa kakahinto lang na sasakyan sa harap n'ya. Kasabay nun ang pagtunog ng cellphone ko. Nagising muli ako sa katotohanan ng banggitin ni Austin ang misyon ngayong gabi dali-dali akong nagmaneho pabalik sa head quarter.

Dumertso agad kami sa mismong lugar ng magiging transaksyon ng grupong ito. Mahapdi man ang binti ko dahil sa sugat na natamo ko sa unang operasyon namin nung nakaraan ay hindi ko na ito ipinahalata pa kay Austin lalo na at bantay na bantay s'ya sa akin ngayon. Bilin sa kanya ni Tito Ruell na huwag akong iiwan sa operasyon namin.

Dali-dali kaming pumwesto at nagmasid, paparating na ang mga armadong mga lalaki na tila pinaghandaan ang gabing iyon, kitang kita mula dito sa puwesto namin dahil sa night vision na suot namin. Mga bigating mga negosyate ang sinalubong ng mga nakaitim na uniporme at isa na roon si-

"CLARKE !?" pasigaw ngunit pabulong na sambit namin pareho ni Austin na ikinagulat ko .

Bullet Of Lies (Autumn Series #1)Where stories live. Discover now