CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Chapter 4

Sa pag mulat ng mga mata ko ay ceiling ang bumungad sa akin at napalingon ako sa paligid.

'Nasaan ako?' tanong ko at siyang sagot naman ng boses ng isang lalake.

'Fel. Sawakas at nagkamalay kana.'

Si Austin pala ang nag salita. Muli kong naalala na tinamaan ako ng ligaw na bala sa aking binti kaya naman bumangon ako sa pagkakahiga ko upang icheck ang binti ko.

'Tinamaan ka ng isa sa mga balang nagpalitan sa site ng operation, pero buti nalang at hindi severe ang damage sayo at daplis lang ito.' paliwanag ni Austin.

'Anong nangyari sa operation?' tanong ko.

'Sad to say, pero na abort ang mission dahil nag kagulo ang lahat at nagkalabo labo ang senaryo sa bar. Walang transaksiyon na naganap.'

Napayuko at napahawak ako sa aking noo sa mga sinabi ni Austin. Muli akong humarap kay Austin nang maalala ko ang lalakeng nakabangga ko kagabi.

'Yung lalakeng nabangga ko kagabi. Pamilyar ang mukha niya at parang nakita ko na siya dati.' sabi ko.

Naging interesado si Austin sa mga sinabi ko at iniharap nito ang buo niyang sarili sa akin.

'Sinong lalake? Di ko napansin yang lalake na sinasabi mo Fel ng hatakin kita kagabi.' sagot ni Austin.

'Basta may nabangga akong lalake kagabi at pamilyar siya sa akin. Kung makikita ko ulit yung lalake na yun ay makikilala ko siya.' sagot ko at umakma na akong bumangon ng hospital bed.

'Teka teka. Fel anong ginagawa mo? Bakit tumatayo kana? Ayos na ba yang binti mo? Hindi na ba kumikirot ang sugat?' tanong at pigil sa akin ni Austin.

Sa pagtayo ko ay kinuha ko ang detective coat ko na kulay khaki na nakapatong sa upuan sa loob ng kwarto at ang pants at blouse ko upang magpalit ng suot dahil sa hospital gown ang suot ko at dumiretso ako sa cr ng kwarto.

'Ok na ako, kaya halika na.' sabi ko ulit sa kanya at pagkatapos kong sabihin iyon ay una na akong lumabas ng kwarto.

'Wait lang. Saan naman tayo pupunta?' sagot ni Austin habang humahabol ito sa akin palabas ng kwarto.

Habang kami ay nag lalakad sa hallway ng hospital.

'Sa headquarters. Mag report tayo kay hepe at pagkatapos ay bumalik tayo sa bar.' sabi ko.

'Ok. Mauna kana sa parking lot. Andun yung kotse natin at pupunta muna ako sa lobby at aayusin ko ang discharge mo. Ura-urada ka kung mag desisyon.' sabi ni Austin at iniabot sa akin ang susi ng kotse, pagkatapos ay nag hiwalay na kami.

Dumiretso ako ng parking lot at habang nag lalakad ay pilit kong inaalala ang itsura ng mukha ng lalake kagabi pero di ko talaga maipinta sa isip ko ang itsura nito.

'Im sure kilala kita.' sabi ko sa isip ko.

Pag dating ko sa parking lot ay pinindot ko ang unlock button ng susi ng kotseng gamit namin ni Austin upang madali kong makita kung saan banda ito nakapark. Naisip kong si Austin nalang ang magdrive dahil sa may sugat ako sa binti kaya naman sa pasengger seat na ako umupo at naghintay kay Austin

Maya maya pa ay dumating na rin Austin at dumiretso na kami sa headquaters.

Pag pasok sa loob ng headquarters ay nakatingin sa amin ang ibang katrabaho namin habang ang iba naman ay abala sa kani-kanilang mga trabaho.

'Ayos kana ba Fel?' tanong ng isa naming kasamahan sa headquarters. Ngumiti at tumango ako bilang tugon sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pagdating namin sa harapan ng pintuan ng opisina ni hepe ay kumatok muna ako bago kami pumasok. Pag pasok sa loob ay sumaludo kaming dalawa at pagkatapos ay pinaupo kami sa upuan sa harap ng lamesa ng hepe namin.

'Kumusta na ang dinti mo Detective Felicity?' tanong ni hepe.

'Ok na ako chief. Daplis lang naman itong tama ko sa binti.' sagot ko.

'Mabuti nalang at walang masamang nangyare sa inyong team kagabi, pero sa kasamaang palad ay wala tayong nakuhang kahit anong lead kagabi sa mga person of interest natin tungkol sa Black Syndicate.' sabi ni hepe.

'Pasensiya na po. Nagkaroon ng kaguluhan kaya wala kaming nakuhang information, pero were not done yet. Tatapusin namin ang kasong ito.' sagot ko at napalingon ako kay Austin at nakatingin ito ng seryoso sa akin. Muli akong tumingin kay hepe.

'I know na sasabihin mo yan Felicity kaya naman ang team mo ang inassign ko na humawak sa kaso na ito at may good news akong natanggap.'

Naantig ang aking tenga ng marinig kong may good news na sasabihin si hepe.

'Sana tungkol sa Black Syndicate.' sabi ko sa isip ko.

'Chief tungkol ba yan sa Black Syndicate?' tanong ni Austin.

'Oo. Nakatanggap ako ng tip mula sa ating informant tungkol sa next operation ng Black Syndicate. Ayon sa informant natin ay ililipat ng mga sindikatong ito ang kanilang drug operation sa isang shipping lines sa navotas manila mamayang gabi. Eksaktong alas dose ng madaling araw ang kanilang transaksiyon at doon nila gagawin ang palitan at bayaran ng mga ipinagbabawal na gamot. Gusto kong gumawa kayo ng team para sa operation na ito at gusto ko sa pagbalik niyo ay meron na kayong good news na maihahain sa akin.' paliwanag ni hepe sa tip na kanyang natanggap mula sa informant.

'Ito ang mga impormasyon na kakailanganin niyo para sa operasyon na ito. Pag aralan at pag planuhan niyo ang gagawing raid na ito.' dagdag pa ni hepe.

'Makakaasa ka chief. Sa pagbalik namin, sinisiguro ko na magandang balita ang dala namin.' sagot ko at tumayo na kaming dalawa ni Austin para paghandaan at pagplanuhan ang susunod na operation.

Bago pa man kami makalabas ng kwarto ay muling nag salita si hepe.

'Mag iingat kayo at hanggat maaari ay gawin niyong ligtas ang operasyon na ito. Is it clear Detective Felicity?' pahabol ni Hepe.

'Copy that chief. Mag hahanda na po kami.' sagot ko at lumabas na kami ng opisina ni hepe.

Dumiretso kami ni Austin sa mga lamesa namin upang kumuha ng ilang gamit.

'Fel alam kong importante sayo ang kasong ito pero hindi ata dapat ikaw ang humawak dito.' sabi ni Austin pero hindi ko iniintindi ang mga sinasabi nito kahit naririnig ko.

'Fel pakinggan mo ko. Masyadong personal tong kaso na to sayo at dahil dun pwede kang mapahamak.' dagdag pa ni Austin.

'Halika na. Mag survey tayo sa area.' sabi ko at di ko parin pinapansin ang mga sinasabi ni austin.

Lumabas na kami ng headquarters at dumiretso kami pabalik ng kotse.

'Fel pakinggan mo mga sinasabi ko sayo. Masyadong personal ang misyon nato sayo at dahil diyan pwede kang mapahamak pag nag padalos dalos ka.' sabi pang muli ni Austin habang pasakay kami ng kotse at ako ang nasa driver side.

Bago ko istart ang makina ng kotse ay kinumpronta ko na si Austin dahil sa ayaw nitong tumigil sa kanyang mga sinasabi.

'Wag mo kong pigilan sa operation na to Austin. Alam mo naman kung gaano kaimportante sakin ito. Alam mo din na matagal kong hinanap at pinagaralan ang mga bakas ng Black Syndicate na ito at ngayong halos hawak kamay ko na ang hustisya ay wag mo ko sanang pipigilan.' pagkatapos ng mga sinabi ko ay sinimulan ko nang paandarin ang kotse papunta sa lokasyon na binigay ni hepe.

Habang nasa biyahe. Hindi kami nag kikibuan ni Austin.

'Pasensiya na Fel. Nag aalala lang kasi ako sayo. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sayo sa operasyon natin mamaya.' mahinahon na mga salita mula kay Austin.

'Pasensiya na rin at nataasan kita ng boses kanina Austin.' sagot ko naman na may mahinahon ding tono.

Pag dating namin sa site ay kumuha kami ng passes sa opisina ng shipping lines na sinabi ni hepe at pinag aralan namin ang lugar at kung saan posibleng gawin ang transaksiyon ng Black Syndicate at pagkatapos ng sadya namin dito ay bumalik na kami sa headquarters para bumuo ng isang team at pag aralan at paghandaan ang plano para sa operation na gagawin namin..

Bullet Of Lies (Autumn Series #1)Where stories live. Discover now