CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Chapter 5

Mag aalas-dose ng gabi at nasa site na ang buong team namin at nahati kami sa tatlo. Patay ang mga ilaw sa buong site at isang gwardiya lamang ang naiwan at nag babantay sa main gate.

'Sniper 1 Ready.'
'Sniper2  Ready.'
'Sniper3  Ready.'

Signal mula sa Sniper team na nakaabang at nakapwesto sa itaas ng mga matataas na patong patong na mga 40ft container.

'Ground team ready' maging ang ground team ay nakakalat at nakaabang na sa area.

Habang kami naman ni Austin ay nakaabang sa isang container na ginawang kwarto at nag hihintay sa pag dating ng mga target. Hinawakan ako ni Austin sa magkabilang balikat ko at pinaharap niya ako sa kanya.

'Fel yung pangako mo ha. Wag mo kakalimutan. Mag iingat ka tonight.' palala ni Austin. Tumango ako at nanatiling seryoso ang mukha ko dahil sa focus ko sa misyon na ito.

'Mag handa kana at maya maya ay dadating na ang mga target dito.' dagdag pa ni Austin at pareho naming inayos at inihanda ang mga hawak naming M4 Rifle at chineck din ang suot naming bullet proof vest.

Maya maya pa ay nag salita ang isang sniper through radio.

'Multiple Car Approaching at approximately 100 meters from the target area.' sabi ng Sniper.

'Copy. Keep watching them.' sagot ko at pagkatapos ay nag radyo ako sa lahat ng nasa ground team at sniper team.

'Everyone listen up. Paparating na ang target sa area at approximately 100 meters from our location. Here's the deal lets capture all of them as much as possible ang keep your self safe. Understood.' sabi ko sa lahat.

'Roger that' sagot ng karamihan sa sinabi.

'Kagaya ng napag usapan sa plano. Wait my command. Walang kikilos hanggat di ko sinasabi. Everyone Copy?' dagdag ko.

'Copy.'

'Target inbound. Pumapasok na ang mga kotse sa loob ng perimeter.' panibagong signal ng sniper team.

'Copy that.' sagot ko.

Tahimik at nag hintay kaming lahat sa pagpasok ng mga sasakyan at pag dating ng mga ito sa target area ay isa pang grupo ng mga sasakyan ang dumating at dimiretso rin ito sa target area.

'Everyone keep your position, get ready and wait for my signal.' sabi ko at inihanda na namin ang hawak naming mga baril at gamit ang binocular ay tinitignan ko mula sa malayo sa pwesto namin ang mga sasakyan na isa isang bumababa ang mga sakay nito at pumalibot sa dalawang kotse.

Tila mga bodyguard at mga tauhan lang ng mga leader ng dalawang grupo na ito ang mga bumaba mula sa mga kotse.

'Di pa bumababa ang mga leader ng dalawang grupo. Everyone keep holding your position and wait my signal.' muli kong paalala sa lahat habang binabantayan ko ang galaw ng mga kalaban.

'Mukang di ata lalabas ng sasakyan ang mga leader nila Fel.' sabi ni Austin.

'Just wait a little longer.' sagot ko habang patuloy lang akong nag babantay sa galaw ng lahat.

Maya maya pa ay lumapit ang isang bodyguard sa pintuan ng kotse at binuksan ito at kasunod nun ay bumaba ang isang lalake na may hawak na tabacco na hinihithit at sa bilang pintuan ng kotse ay bumaba din ang isa pang lalake hawak ang isang briefcase.

Ganoon din sa kabilang kotse. May bumaba din na isang lalake na may hawak din na briefcase at sabay na pumunta ang mga ito sa gitna dala dala ang mga briefcase.

Unang nag abot ng briefcase ang lalake na kasama ng may hawak na tabacco at pagkatapos ay dinala ito ng kanyang kapalitan sa kanilang kotse upang ipakita ang laman nito sa sakay ng kotse.

Pilit kong tinitignan ang mukha nito pero hindi ko ito makita dahil sa angulo ng pagkakapwesto ng sasakyan at maya maya pa ay isinara at kinuha na ng taong nasa kotse ang briefcase na pinakita sa kanya at bumalik na ang lalake sa gitna at ibinigay na nito sa kabilang grupo ang dala dala nitong briefcase.

'Everyone! Intercept!' hudyat ko sa lahat at binuksan ni Austin ang mga ilaw sa target area gamit ang main switch.

Nagulantang ang lahat ng biglang magbukasan ang mga ilaw at nag liwanag ang buong area at sabay sabay na lumabas ang mga pulis sa ground team.

'Pulis! Hands in the air!' sigaw ng karamihan at dahil sa dami ng ground team ay hindi nanlaban ang mga kalaban at siya namang pasok namin ni Austin sa scene dala ang megaphone.

'Napapaligiran na namin kayo kaya naman wag niyong susubukan na manlaban.' sabi ko habang naglalakad papalapit sa area.

'What's the meaning of this?' sabi ng lalake na may tabacco sa lalakeng nag abot sa kanya ng briefcase.

'Wala kaming kinalaman dito.' sagot naman nito sa kanya.

Habang papalapit ang lahat ay biglang nag paputok ang dalawang grupo ng target at dali dali kaming nagtago sa likod ng mga pwede namin pag taguan at gumanti kami ng putok ng baril.

'Fel mag iingat ka.' sigaw ni Austin sa akin.

'Sniper team cover us.' sabi ko sa sniper team through radyo.

Nag patuloy ang palitan ng mga putok ng baril at dahil preperado kami sa possibleng mang yari, wala kahit isa ang namatay sa aming grupo. May ilang nasugatan pero hindi malala ang naging tama. Habang sa kabilang grupo ay marami ang nasawi at dahil doon ay lumipat sa driver seat ang lalake na hindi bumaba kanina at mabilis na pinaandar ang kotse para makatakas.

'Tumatakas ang isang kotse!' sigaw ni Austin.

'Sniper team. Paputukan niyo ang mga gulong ng kotseng tumatakas. Wag niyo hayaang makalabas ng area!' command ko sa sniper team gamit ang radyo.

'Susuko na kami!' sigaw ng mga nakikipagbarilan sa amin at dahil doon ay pinatigil ko ang pagpapaputok.

'Itapon niyo ang mga baril niyo, lumohod kayong lahat habang nakapatong ang dalawang kamay niyo sa likod ng inyong ulo.' sigaw ko sa lahat.

Dahan dahan kaming lumalapit sa mga kalaban habang nakatutok ang aming mga baril sa kanila.

'Kayo na ang bahala dito Austin. Isecure niyo ang lahat pati mga ebidensiya. Hahabulin ko yung tumatakas.' sabi ko kay Austin.

'Sasamahan kita.' sagot ni Austin.

'Wag na. Asikasuhin mo nalang ito.' sabi ko at pagkatapos ay pumunta at sumakay na ako ng kotse para habulin ang lalakeng tumakas sakay ng kotse kanina.

'Sniper team status?' tanong ko sa sniper team habang pinapaandar ang kotse.

'Butas na ang gulong ng kotse pero patuloy parin ito sa pag takas.' sagot ng isa sa sniper team.

'Good. Di na makakalayo yan. Wag niyo siyang papatamaan. Kailangan natin siyang mahuli ng buhay.' sagot ko.

'Roger maam' sagot nito.

Mabilis kong minaneho ang kotse patungo sa labasan ng area kung saan dumaan ang kotse na tumakas para habulin ito.

Pag labas ko ng area, nakita ko sa di kalayuan ang kotseng tumakas at di pa ito masyadong nakakalayo dahil sa nabutas na ang mga gulong nito at nahihirapan ang driver na kontrolin at imaneho ng maayos ang kotse na ito kaya naman madali ko itong naabutan. Pag lapit ng kotse ko sa tabi ng kotse nito ay ibinangga ko ng malakas ang minamaneho kong kotse dahilan para pumagilid ang kotse ng tumakas at sumalpok ito sa poste.

Pag tingin ko sa driver nito ay nabigla ako sa aking nakita. Namukaan ko kung sino ang lalake na ito.

'Clarke?' sabi ko.

Bigla ako nitong tinutukan ng baril at pinaputukan pero mabilis akong bumaba ng kotse at nakapagtago sa gilid nito. Pag tigil ng pag papaputok ni Clarke ng baril ay dahan dahan akong tumayo at sumilip pero wala na sa kotse si Clarke at tumatakbo na ito palayo. Mabilis din akong tumakbo para habulin ito.

Bullet Of Lies (Autumn Series #1)Where stories live. Discover now