Birthday ficlet: single parent & teacher AU [Andreau & Zade]

Start from the beginning
                                    

And the finale? She's beautiful.

He was so quiet throughout the meeting. Pinabayaan lang niyang magkwento ang adviser tungkol sa activities ni Tristan sa klase, to the point na minsan off tangent siya at unconsciously nagrarant sa kung anu-anong bagay. Ilang beses ding nagsorry sa kanya ang teacher, na sobrang daldal niya lang talaga.. and all those things.

Medyo off si Andreau sa mga babaeng sobrang daldal (tama na si Mars sa buhay niya) pero may something sa teacher ni Tristan na natutuwa siya. Before he knew it, he found himself enjoying talking to her. Ni hindi na nga niya pinakinggan ang ibang sinabi nito eh. Pinanood na lang niya ang animated facial expressions nito, which really amused him. And a thing happened: she actually made him laugh.

Halos isang oras din silang nag-usapan, mostly about Tristan. Andreau found out na Literature graduate ang teacher, at kumuha ng pre-school education for her second degree dahil gusto niyang magturo sa mga bata. He also saw how she adored Tristan so much, at puro papuri ang sinabi nito tungkol sa anak niya. Mas okay 'tong bagong adviser ni Tristan kesa doon sa dati, na walang ginawa kundi titigan lang siya kapag may PTA meeting. This teacher didn't mind him at all, may ilang moments lang na parang namumula na ang pisngi nito sa hiya at napapangiti na lang. Ni hindi nga ito nastatstruck sa kanya, na ikinatuwa niya. Finally, may isang tao na rin sa school na 'to ang hindi bothered sa celebrity status niya.

A phone call from Mars interrupted their chat, signaling him to go home and rest. Iniabot sa kanya ng teacher ang report card ni Tristan at hinatid siya sa may pintuan.

"Sorry, I didn't catch your name," sabi niya bago siya tuluyang lumabas ng classroom.

Nagblush lalo ang teacher. "Oh shit, sorry. I forgot to introduce myself. Minsan nakakalimutan ko na bagong teacher ako rito. This brain of mine.. medyo weird ang wiring. I'm Scheherazade Pascual, by the way," she extended her hand gracefully. "But people call me Zade or Teacher Zade. Hassle naman sa mga bata i-pronounce ang buong pangalan ko." She grimaced for a moment. "Oh God, sorry for my weird name. Pwede mo naman akong tawaging Zade na lang. No need t-"

"Scheherazade," Andreau said slowly with a smile. He liked the way her name rolled out of his mouth. Weird.. but pleasing to his ears. "Fine, I'll settle for Zade. I'm Andreau Cortez, by the way." He took her hand and shook it lightly. "Thank you for your time, Ms. Pascual. And thank you for taking care of my son."

"Wala po 'yun, Mr. Cortez. I'm just doing my job. Paki-hi na lang po ako kay Tristan, okay?"

Nasa kotse na siya nang marealize niya kung bakit may ibang pakiramdam siya kay Zade Pascual.

Hindi aware ang teacher na artista siya.

**

Nagkakagulo na sina Kesh at ang mga assistant ni Andreau sa pag-aayos ng classroom para sa birthday party ni Tristan pero si Zade? Chill lang siya habang binabantayan sina Tristan at ang classmates niya sa school playground.

Until now napapaisip pa rin si Zade kung paano siya umabot sa pagiging pre-school teacher. Looking back, ayaw niya talagang maging teacher. Pasaway nga siya sa school nung pre-school at elementary eh. Alam niya sa sarili niyang maigsi ang pasensya niya at hindi niya kayang magturo. That's the ironic part, considering na galing siya sa pamilya ng mga teacher. Mas gugustuhin pa niyang magbasa ng mga libro kesa magturo sa mga batang hindi naman makikinig sa kanya.

But her point of view changed one summer, five years ago. Sa sobrang boredom niya after her college graduation, nagdecide siyang magtutor sa mga kapitbahay niya. At first nangapa siya kahit basics lang ang tinuturo niya. Tatlo lang naman ang tutees niya pero sobrang nahirapan siya. Ang bilis kasi ng attention span ng mga bata, dagdagan pa ng pagiging hyperactive. It was tiring, yet she loved it. Ibang klaseng fulfillment ang naramdaman niya nang may natutunan sa kanya ang mga bata.

AnthologyWhere stories live. Discover now