And that hurts me a lot...

Isipin ko lang na ganon alam kong wala na talaga akong laban umpisa pa lang, hinanda ko naman na sarili ko kung babalik si Karina at nalaman kong mahal pa siya ni Russel.

Hinanda ko na ang mararamdaman ko pero iniisip ko pa lang ay ang sakit sakit na sa puso.

Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa mata ko at nag dilat ng mata at tumingin sa bintana ng taxi.

Bakit ba ako nalulungkot nang ganito? Boyfriend ko naman na siya kaya ano pa bang iniiyak-iyak ko rito?

I sighed at inayos ko na ang sarili ko dahil baka mahalatang umiiyak ako rito tapos baka mapansin pa ni Manong, nakakahiya pa naman.

Biglang tumigil ang sinasakyan ko kaya napatingin ako sa labas, kuminang ang mata ko at napangiti nang malaki dahil nandito na kami.

"Nandito na po tayo, ma'am." saad ni Manong.

Agad akong dumukot nang ibabayad at kaagad na inabot yung pera at dali-daling lumabas, bago ko pa maisara ang pinto ay nag pasalamat muna ako kay Manong bago tuluyan nang isara ang pinto.

Napatingala ako sa laki ng Realm Arena at marami ring tao ang pumapasok sa loob at may kaniya-kaniyang bitbit ng mga picture at merchandise ng mga idol nila.

Napangiti ako dahil sikat na sikat na talaga sila, sa ganda ng boses at gwapo nila talagang sisikat sila lalo na sa mga kababaihan.

Sorry girls, pero yung isa sa member diyan ay boyfriend ko.

Lumapad ang ngiti ko sa isiping 'yon bago lumakad na papasok sa loob ng Arena kung saan sila mag co-concert.

VIP seat ang kinuha kong ticket at talagang pinag-ipunan ko 'to, gusto ko rin kasi silang panoorin sa malapitan dahil kahit ako ay sobrang proud sakanilang lima.

Lumapit ako sa nag babantay para makapasok na totally sa loob, pinakita ko sakaniya ang ticket at tinuro niya kung saang VIP seat ako uupo kaya naman hindi na ako nag aksaya ng oras at kaagad na pinuntahan yung tinuro niya.

Nang tuluyan na akong nakaupo ay hindi ko maiwasan na ilibot ang tingin ko sa buong Arena dahil marami na ring fans ang naroon at nag aabang na sa paglabas ng lima.

Marami pa ring tao ang mga pumapasok, halos mapuno na ang buong Arena at ang ingay na rin sa loob nito dahil nag sasama-sama na ang boses ng lahat sa pag uusap.

Napukaw lang ang attention ko sa dalawang babaeng nag uusap.

"Bumalik na raw siya rito sa bansa natin!"

"Talaga? Edi mukhang mag aamoy comeback?"

"Oo!"

Parang excited pa na bulong ng isa at parang kinikilig din at the same time.

"Babalik ba siya para kay--"

Naputol ang sasabihin ng isa dahil biglang nag tilian ang lahat kaya napalingon na rin ako sa harapan dahil mukhang lumabas na ang lima.

Lumaki bigla ang ngiti ko nang makita ko si Russel at lumakas din ang tibok ng puso ko dahil sa saya na nararamdaman ko.

He's so handsome!

Halos maputol ang ugat sa leeg ng mga babae kakatili nila kaya naman nginitian sila ng lima at kumaway-kaway sa lahat, medyo nag tago ako sa mga tao dahil ayokong mapansin ako nang kahit sino sakanila.

Isu-suprise ko kasi mamaya si Russel kaya ayoko munang mag pakita sakaniya.

Mas lalong lumakas ang hiyawan dahil sa ginawa nang lima sa pag kaway at pag ngiti sakanila. Lakas talaga nang epekto nila sa mga fans nila, napailing nalang ako at napatitig kay Russel na nakangiti sa lahat at kumakaway.

Shattered ChordsWhere stories live. Discover now