10

1.6K 43 50
                                    

Chapter Ten

PINAGBUKSAN ako ng pinto ni Zyrus sa backseat, hinatid kami ng sasakyan na pag mamay ari ni Zyrus nung makababa kami sa eroplano.

Namamangha ko namang tinignan ang labas ng pag s-stay-an namin ni Zyrus.

Malaki... halatang mayaman ang lalaking nasa gilid ko.

"This is my vacation house, i hope you like it and i hope you're comfortable here."

I can't help my self to wonder my eyes around, masyadong relaxing ang paligid, talagang ramdam mo ang vacation mo!

"I think you like it." i heard a chuckle kaya naman ay napalingon ako sa katabi ko.

Nakatingin si Zyrus sa akin and he was smiling widely at me!

"You're wrong, i don't like it." nawala naman kaagad ang ngiti nito. "Because i love it!" dugtong ko.

Mukha namang nakahinga ito nang maluwag. "Akala ko hindi mo talaga nagustuhan." saad nito.

Natawa naman kaagad ako. "Why wouldn't i like it?" napataas ang isa kong kilay bago ngumiti sakaniya. "The surroundings are beautiful and relaxing." compliment ko.

Napangiti naman siya at tumango. "Yeah, right."

Napalingon na ako sa unahan dahil malapit na kami sa pintuan para pumasok sa mansyon niya.

Nang bumukas 'to ay hindi ko maiwasan na mamangha sa nakikita ko, the inside of his mansion is really breath taking!

Masyadong elegante ang mansyon niya na 'to, but this is just his vacation house!

Swerte na ng girlfriend niya pero hiniwalayan pa rin siya?

Kung ako nasa sitwasyon niya, never kong hihiwalayan ang ganitong tao tapos mahal na mahal pa siya. Talagang bumalik pa sa ex niya yung babae, that is so frustating.

Dapat pag ex, ex na! Huwag na mang gugulo lalo na kung in a relationship na.

I heavily sighed when Russel popped out in my mind, napanguso ako dahil namimiss ko na siya.

1 week before their concert here in Toronto, Canada. Makikita ko na naman sila, and i'm a little bit excited.

Hindi ko rin alam, parang may mali.

"Hey." naramdaman kong may humawak sa dalawa kong balikat kaya natauhan ako.

Bumungad sa akin ang mukha ni Zyrus na nag tataka at nag aalala. "Are you okay? You're spacing out."

I blinked twice before nodding at him. "I'm fine, may naisip lang na personal." nakangiti kong saad.

"If you are not comfortable here, feel free to say, okay?" tumango naman ako kaagad.

Hindi naman sa hindi ako komportable, talagang may iniisip lang, gusto ko nga rito e.

"Let's go, i will guide you to your room."

Napasunod nalang ako sakaniya at nag tungo sa isang pintuan bago ito binuksan. "Eto muna ang magiging room mo, naroon naman ang room ko." tinuro niya ang isang room na hindi rin naman nalalayo sa room ko.

"If you need something, just knock on my door, okay?" i nod as a response. "Okay, good girl." nginitian ako nito nang matamis at naramdaman ko ang kamay nito sa ibabaw ng ulo ko.

"Mag pahinga kana, bukas na bukas din ay igagala kita." na excite naman kaagad ako sa sinabi niya.

Nag paalam na siya sa akin kaya naman ay pumasok na ako nang tuluyan sa kwarto bago isara ang pinto.

Shattered ChordsWhere stories live. Discover now