01

2.6K 48 4
                                    

Chapter One

NANDITO ako ngayon sa garden ng school, nakatambay at nakahiga sa damuhan. Napanguso ako nang makita kanina si Russel at Karina na magkasama.

Sobrang perfect nilang dalawa, kaya ang dami talagang support sa relationship nila e! Wala rin naman akong masabi sakanila kasi perfect naman na talaga.

Isa lang naman akong nagkaka-crush kay Russel 'no! Syempre sino bang hindi magkaka-crush sa halos perfectionist na si Russel.

Pogi, maganda boses, maganda rin katawan in short full package na! Perfect na perfect parang si Karina lang din.

Maganda, mabait at iba pa na pwedeng ipuri sakaniya, pag tumabi ka ata sakaniya mukha kang batang yagit kahit ang linis mo namang tignan.

Pero minsan, hinihiling ko na sana ako nalang si Karina e.

Napapadyak na lang ako sa inis pero kaagad din naman napangiti nang may maalala ako.

"Nag eye contact kami... hehe." saad ko at bahagya pang inikot-ikot ang buhok. Kahit eye contact lang namin, okay na ako e! solve na solve na ako sa kilig.

Kahit one second pa yon o wala pa sa kalahating segundo basta nagtama lang tingin namin, okay na okay na talaga ako.

Iisipin ko na 'yan hanggang sa pag-uwi ko. Para lang akong ewan na ngingiti-ngiti rito pero agad din natigilan at napatahimik nang makarinig ako ng mga boses.

"Let's break up."

Para naman akong natuod dahil sa narinig, sino naman 'yon at dito pa talaga nag break?

Dahan dahan akong tumayo at sumilip sa pagitan ng puno kung sino ba ang nag uusap.

Nanlaki naman ang mata ko at napatakip sa bibig nang makita kung sino... si Russel at Karina?!

Bakit sila mag b-break?!

Napatingin ako sa pwesto ni Russel na parang hindi makapaniwala sa narinig. "B-but why?" napakagat ako sa labi dahil parang pumiyok ata boses niya.

Mukhang iiyak na siya, nooo! ang baby crush ko.

Lumungkot ang mukha ni Karina. "Aalis na kami ng bansa, Russel."

Para naman nanlaki ang tenga ko sa narinig at mas lalo pang inilapit ang katawan ko sa puno para mas lalong marinig, mukha na akong chismosa sa ginagawa ko pero chismis na to e.

"I will wait you." ramdam ko ang desididong boses ni Russel.

"No." matigas na saad ni Karina na ikinalunok ko naman, parang tumi-tensyon ah. "Hindi ko alam kung babalik pa ba kami rito." mahina nitong saad at mukha iiyak na rin.

"Hihintayin pa rin kita." parang pati ata ako mapapaiyak sa mga naririnig ko.

Hindi ko kailan man inisip na maghihiwalay pa 'tong dalawa kasi nga almost perfect na ang relationship nila.

Tapos eto, kitang kita ng dalawang mata ko at rinig na rinig ng dalawang tenga ko kung paano sila mag break.

"I'm sorry, Russel but we need to break up." saad ni Karina at bigla itong umiyak at umalis.

Napatingin ako sa pwesto ni Russel na tulala lang at parang hindi pa nag p-proseso ang nangyari.








NAKATULALA lang ako habang naglalakad papuntang room, kahit ako hindi nag p-process sa utak ko ang nakita ko e.

Yung almost perfectionist na relationship, makikita ko mismo na mag hihiwalay?!

Nakarating ako sa room na lutang, lutang din buong araw at nakatulala lang sa unahan habang nag di-discuss ang mga teacher. Hindi pumapasok ang mga tinuturo nila dahil talagang occupied ang utak ko.

Shattered ChordsWhere stories live. Discover now