Chapter 14

98 0 0
                                    

Matapos ang meeting ay agad akong pumunta sa opisina ni Professor Reyel bitbit ang white folder na  may laman na isang bond paper. Nakasulat dito ang summary sa meeting namin kanina.

I knock thrice before I open the door. As usual, bumungad na naman sa akin ang seryoso niyang mukha habang nakatingin sa laptop niya.

“Excuse me, Sir. Nandito na po ‘yong summary sa meeting namin kanina.” Ngumiti ako at saka pinakita sa kanya ang dala kong folder.

Ngumiti rin ito sa akin. Ngiti na gusto kong masilayan.

“Oh. So, what's the plan?" Sinarado niya ng laptop niya at tumingin sa akin.

Inipit ko ang bibig ko at pinalobo ang pisngi. “We decided na mag-beach po sa isang resort sa Bohol po, Sir.”

Sinipa niya ang sahig para mapaatras ang upuan niya. Tumayo siya at hinila ang upuan palapit sa puwesto ko.

“Sit first,” utos niya niya na agad ko namang sinunod.

Kahit nakaupo lang ako sa upuan ay pakiramdam ko ay nakayakap siya sa akin. Pumasok agad sa ilong ko ang pabango niya.

Sumandal naman siya sa mesa niya. Ang ending ako ang nakaupo paharap sa mesa niya. Siya naman ay nakasandal sa mesa niya paharap sa puwesto ko.

“Thank you.” I saw him nod.

“So, anong plano niyo kapag nasa resort na tayo?”

“We decided na mag-stroll muna sa beach sa first day at mag-picture. Sa second day is mag-adventure, they will try kayaking, banana boat at island hopping. Sa second day, magfo-food trip daw tayo. Sa fourth day, mag-games like tayo. Like, truth or dare or message relay. Sa fifth day is gagala raw tayo malapit sa resort. Bibili ng mga souvenir.” Inabot ko sa kaniya ang folder na agad naman niyang tiningnan.

Tumango-tango pa siya bago ito sinarado. “Sasama ka?” pag-iiba niya nang usapan.

I shrugged. “Hindi ko alam. Magpapaalam muna ako.”

He nodded.

“I’m sorry,” saad niya sa mababang boses.

Nang matingnan ko ang mata niya na parang may namumuo na luha sa mata at medyo namumula ay napaiwas ako ng tingin.

“I should be the one to say that. Alam kong masyado akong nadala ng galit that time kaya pasensiya na.”

Naramdaman kong tinukod niya ang dalawa niyang kamay sa mesa. Magsasalita sana ako nang ilang sandali pa ay bigla siyang tumayo at pumunta sa likod ko kasabay nang pagbukas ng pinto na siyang ikalaki ng mata ko.

Walang ingay at pigil hininga kong inangat ang paa ko para hindi makita ng kung sino man if ever titingin siya sa baba.

“Hi, Sir. The dean wants to see you at his office.” Sa boses niyang malahigad ay alam ko na agad kung sino ang nagsalita.

I heard him fake coughed at tinukod ang dalawang kamay sa uluhan ng upuan. Perks of being short, hindi niya ako naabot.

“Yeah. I know about it. Papunta na po sana ako, Ma'am,” he said.

Alam naman pala, bakit kailangan niya pang puntahan? Pabida talaga.

“Okay, hihintayin na lang kita rito, Sir.” Mabilis na napataas ang kilay ko.

Ganito na ba siya kakati para mag-first move siya sa lalaki?

Tila nataranta naman si Professor Reyel. “May gagawin pa ako, Ma'am. You can go ahead. Susunod na lang ako.”

Lihim akong napangisi.

Ows, ni-reject. Buti nga sa’yo!

“Oh, okay. I'll be waiting for you in the office, Sir.” Makapal na mukha na paalam niya. Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto ay agad kong ibinaba ang paa ko.

His Stares: Professor Reyel Bagy Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz