RYLP 28

40 2 0
                                    

Chapter 28

"Ma... ayoko na po." mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mama habang ang luha ko ang nagsisimula nang tumulo. Umiling-iling ako sa kanya na parang nagmamakaawa.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at hinawakan ang kamay ko. Humarap na siya kay Doc. "Doc, I think it's enough for today." saad sa kanya ni Mama.

Tumango naman si Doc at nginitian ako. "It's okay Lyra... you don't have to force yourself. You did great." he tried to cheer me up, tumango ako sa kanya at pinunas ang luha ko.

"Thank you Doc, I suppose we can go." ani Mama. Hinila niya na ako patayo.

"Salamat Doc," paalam ko bago sumunod kay Mama palabas ng clinic niya. Paglabas namin ay nag aantay si Papa sa labas. Parang galing pa sila pareho sa trabaho para lang samahan ako.

I've been trying to consult a doctor about my childhood trauma for the past months. Si Mama ang nag ungkat nito at mas gusto niya na daw na bago ako magpatuloy sa buhay ko ngayon, ay magaling na ako sa mga pinagdaanan ko dati.

I was basically a stray kid before. Sa kagustuhang maka kain at mabuhay kung kani-kanino ako nakitira. Sa murang edad nagtatrabaho ako para sa mga pamilyang tinuluyan ako, pakainin lang ako. It was not easy dealing with different kinds of people, especially since I was not used to it when I was kid.

Naramdaman ko ang lupit ng kahirapan dati. May mga gabi dati na itutulog ko na lang ang gutom ko dahil walang makain. Kung mayroon man, hindi para sa akin.

Just the fact na pinagpasahan ako ng iba't-ibang pamilya dati, bago ako nakita nila Nanay Tera... mahirap na sa akin para alalahanin ngayon. Ayos lang naman sa akin noong bata ako na naaalala o napag uusapan ang nakaraan ko. Kaya hindi ko alam kung bakit hindi ko na kaya ngayon. Maybe it grew on me.

Tumingin si Mama kay Papa at umiling-iling. Bumuntong hininga si Papa at nilapitan na ako.

"It's okay... let's go home? May gusto ka pa bang puntahan?" masuyong tanong nito, umiling ako sa kanya at ngumiti.

"Uwi na po tayo." sagot ko.

Pang ilang doctor na ang napuntahan namin. Ang sabi ng Psychiatrist ko, walang problema sa akin. Mentally. Ang sabi niya we should check if I have physical trauma. Dahil siguro sa excessive labor ko sa murang edad.

"Kapag walang doctor ang kayang gumamot sayo dito, pupunta tayo ng America." pinal na turan ni Mama, natigilan ako sa pag akyat ng hagdan at gulat siyang hinarap.

Nakauwi na kami at alam kong kanina pa siya nag iisip sa sasakyan, pero hindi ko alam na 'yon na ang plano niya.

"M-Ma? K-Kailangan po ba?" nag aalangan kong tanong, hindi handa sa narinig.

"Lyra... this is serious. And I want you to heal. We want you to heal."

"Pero pwede naman po na dito na lang ako. Hahanap na lang tayo ng magaling na doctor... hindi naman kailangan na umalis..." hindi na maipaliwanag ang mukha ko. Ayokong umalis.

She pursed her lips and wearily looked at me. "Anak... ito lang ang magagawa namin ng Papa mo para sayo. Hayaan mo kaming makabawi...I want give you everything you've been needing."

Hindi na ako nakasagot at biglang nagising sa gusto niyang iparating. Marahan akong tumango sa kanya at yumuko. Sila ang priority ko, at gusto nilang bumawi sa akin.

Isang linggo na nang makapag usap kami ni Mama, ang sabi niya kung walang makakagamot sa akin rito ay aalis kami. Kaya ganoon na lang ang dasal kong sana may makita ng magaling na doctor para sa akin. Ayoko talagang umalis, pero kapag sinabi nila Mama na tutuloy kami ay alam kong hindi rin ako makakatanggi.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now