RYLP 24

49 2 1
                                    

Chapter 24

I put on my robe and tied it on my waist, before I answered the call. I was still wet and my hair was damped. I tried to comb it with my fingers as the camera opened and Cian's face was shown on the screen.

He was wearing a suit and he looks like he is still in the office working. Sitting on his swivel chair, I can already tell he is in his office alone.

Naglakad na ako palabas ng bathroom at isinara ang ilaw, habang nakaharap sa akin ang camera. Pinapanood lang ako nito, umupo ako sa kama upang makausap siyang mabuti.

"Just finished showering?" tanong na nito, tumango ako sa kanya.

"Yeah, you're working? Bakit napa tawag ka Cian?" pagtataka ko, noong nakaraang nasa New York siya, tumatawag lang siya pag nasa bahay na. Ngayon na mukhang may ginagawa pa siya, kaya hindi ko inasahan na tatawag siya ngayon.

"I am not doing anything at all, I am done with my work." aniya, kumunot ang noo ko. Umaga palang doon, tapos na siya?

"Imposible, ang aga pa diyan!" sita ko.

He just chuckled sexily and slightly moved his chair. His perfect set of white teeth showed up. "I just finished some undone work from yesterday. I'll go home later." paliwanag niya.

Napa lunok ako, at may mainit na gumapang sa tiyan ko. Uuwi na siya. Dalawang linggo rin siya doon, at tinotoo niya nga ang sinabi niyang mag memessage at tatawag siya sa akin habang nandoon siya. Kaya alam ko lahat ng ginagawa niya.

Hindi naman ako nagtatanong, kusa siyang nagsasabi sa akin. Bakit? Hindi ko alam. Ang naaalala ko lang, sinabi niyang kasama si Penelope roon, pero ni minsan hindi ko nakitang magkasama sila. At magaan ang loob ko dahil doon.

Bakit? Kasi gusto ko si Cian. Alam ko na iyon.

Binasa ko ang ibabang labi bago siya binigyan ng matamis na ngiti. "Mabuti naman, ingat ka." sagot ko sa kanya.

Namungay ang mata nito habang nakatitig sa akin. I looked like a mess now, my hair is a mess and I don't have any makeup on. Natarantan lang ako kanina kaya nasagot ko ang tawag niya, akala ko kasi mangyari na.

"Yeah... I miss you." diretsa niya, nanlaki ang mata ko at tuluyan nang nag wala ang puso ko. Muntin ko pang mabitawan ang cellphone! Ilang beses akong lumunok at ginapangan ako ng init simula mukha hanggang leeg.

Napa awang lang ang bibig ko, pero wala akong mabigkas na salita. Hindi ko alam ang isasagot! Of course I miss him! But how can I tell him without making him think I like him?!

Nag init ang pisngi ko at kinagat ang ibabang labi. "I-I miss you too..." pag amin ko, tuluyan nang namula ang pisngi ko.

Ang namumungay niyang mga mata at biglang nagising, lumiwanag ang mukha nito at halos magningning ang mata niya sa narinig. Hindi inaasahan ang sinabi ko, napa ayos ito ng upo at gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya.

He clenched his jaw and tilted his head to hide his smile. His dimples were showing up because he couldn't contain it. I bit my lower lip again, because of embarrassment.

It took him seconds to gather himself before looking at me again.

"I badly want to go home right now... I can't wait to see you." he whispered eagerly.

Our call finished an hour after that, it was already late and he told me to sleep already. Pag gising ko raw nandito na siya, tsk. Ginawa pa akong bata.

Kinabukasan ang dumiretso na ako sa trabaho. I was at the station, looking for some files when Manzi arrived. I quickly turned my gaze away from him.

Simula nang bumalik ang ala-ala ko, lalo na sa mga huling ala-ala na bumalik, hindi ko pwedeng makalimutan ang napagtanto. Matagal nang kilala ni Manzi si Cian, college pa lang kami.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now