RYLP 25

48 2 0
                                    

Chapter 25

Hindi ko alam kung paano ko naitulak ng malakas si Cian ng gabing iyon, kahit nanghihina na ako. Bigla na lang ako nagising sa sarili kong pantasya at parang may pumitik na parte ng utak ko para ibalik ako sa katinuan. Ginawaran ko siya na matalim at malalalim na tingin, naka wala ako sa bisig niya at umatras sa gilid.

Halos mandilim at umikot na ang paningin ko sa hilo dahil sa halo-halong emosyon ngayon.

Ngunit tinatagan ko ang loob. Hindi pwede Cian. Wag ganito. Hindi tayo pwede. "U-Umuwi ka na..." iyon lang ang lumabas sa bibig ko matapos niyang sabihin sa akin na gusto niya nga ako.

Hindi ko alam kung ano bang nakakaiyak sa sinabi niya, sa pag amin niya. Dahil gusto kong maiyak ngayon. Imbis na sumaya mas lalo akong nanlumo at napaghinaan ng loob. Pakiramdam ko, lalo lang tinaasan ni Cian ang pader sa pagitan naming dalawa.

Bakas ang halong pagkagulat at pagkadismaya sa mukha niya, napa awang ang labi nito habang pinapanood akong lumakad paatras. Pinasadahan niya at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kamay nito bago lumapit sa akin.

"Lyra—"

"Diyan ka lang!" sigaw at pigil ko sa kanya. "W-Wag kang lalapit..." banta ko habang pinanglalabanan ang nararamdaman.

Gumuhit ang sakit sa mata niya dahil sa bigla kong pagtaboy, parang napupunit ang puso ko.

"U-Umuwi ka na Cian... please. Wag ngayong araw... u-umuwi ka na lang..." nanghihina kong pakiusap.

Hindi ito ang unang beses na may hindi ako sinagot, o tinaboy na umamin sa akin. Sa totoo lang, dapat ngayon ay wala lang sa akin 'to at sanay na ako. Pero hindi basta-bastang tao ang nasa harapan ko ngayon.

Si Cian. Hindi ko alam kung talagang magkaibigan kami o kung tinuring man lang niya ba akong kaibigan. Pero alam ko parte na siya ng buhay ko, ng nakaraan ko. At hindi ko matatanggi na wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi dahil sa kanya.

Hindi sana ako nakakapag trabaho, hindi sana ako nakakapag aral.

Pero hindi lang ito dahil sa utang na loob ko sa kanya. Pero... tinuring ko na siyang takbuhan ko. I already see him as my hero. Tao na sasalo sa akin tuwing may problema ako. Sa kanya lang ako umiiyak at siya lang ang nakakita ng kahinaan ko. Sa buong buhay ko, mag isa lang ako.

Lagi kong iniisip kung mayroon bang tatanggap sa akin kahit ganito ako. Natanggap ko 'yon lahat kay Cian. Hindi ko siya kayang mawala! Hindi pa ako handa sa mga pwedeng mangyari. Pero bakit kailangan niyang sirain! Hindi lang naman siya ang may nararamdaman pero pinaglalaban ko, dahil alam ko kung anong pwedeng mangyari. Pwede siyang mawala sa buhay ko.

Kaya hindi pwede... hindi pwede Cian.

Nakita ko kung paano ito napa lunok at hindi na tinangkang lapitan ako. Yumuko ito sandali matapos ay nanahimik ng ilang segundo. Nang makabawi na siya ay binalik niya ang tingin sa akin, ang kaninang naguguluhan niyang ekspresyon ay napalitan ng pagka amo.

Binasa nito ang ibabang labi. "Alright... I won't force you. I'm sorry I know you're tired." walang buhay niyang batid.

Umiwas ako ng tingin dahil lalo lang binabagabag ang dibdib ko sa itsura niya. Ayaw ko siyang saktan o kung ano man ang nararamdaman niya ngayon, pero mas mabuti maaga pa alam niya na. Mabuti pang ngayon niya maramdaman ang mga iyan kesa kapag tumagal na at malalim na.

"Ihahatid na kita pauwi."

Pumayag na lang ako sa alok niyang ihatid ako. Alam kong sa parteng iyon ay hindi na masusunod ang gusto ko. Mas alam ko na ngayon na hindi siya papayag na umuwi akong mag isa ng ganitong oras. Tahimik lang kami buong byahe, wala nang kahit sino sa amin ang naglakas loob basagin ang katahimikan.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now