Balloon

1.7K 75 18
                                    

Kiefer

To: Mika

Happy birthday Miks! Sigurado akong magiging masaya ang araw mo ngayon kasi maraming nagmamahal sayo. For sure bumabaha na ang greetings for you. ☺️🎁

Be happy Mika. I surely hope you are, right now. I'm sorry for the pain I've caused and is causing you still kung pwede ko lang sanang bawiin ang lahat. Kung pwede lang sanang hindi na lang nangyari ang mga nangyari pero hindi ko na mababalik pa eh. As much as I want to be with you I know I can't. Gago ako eh. Sorry ah. 😔

Mahal kita. Totoo yun. Sobra. Kaso wala eh, gago ako eh. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong ibigay sayo kaso wala eh. Gago nga kasi ako.

Happy birthday Mika. I'm never gonna send you this message tho kasi ayaw kong malungkot ka. Ayaw kong mamiss mo ko. Ayaw kong maalala mo na sinaktan kita.

Happy Birthday Mika! I love you. I miss you. Malakas lang ang loob ko ngayon palibhasa hindi mo naman to mababasa.

Gustong gusto kong umiyak habang binabasa muli ang isang mensahe na kahit kelan hindi makakarating sa kanya kaso mukha naman akong tanga kung iiyak ako dito. Gago na nga mukha pang-tanga.

"All departing passengers of flight 5J 101 to Manila please board the aircraft now. This is your final call. All aboard please." The crew announced, tumayo ako sa upuan ko. Back to reality, back to the world of regrets and pain and stupidity and cowardness.

Yesterday was her birthday, I didn't have the courage to greet her and so I used Suzy's phone to send her a text message. Far different from the drafted message on my phone.

...

"Sigurado?" Ilang beses tinanong sakin ni Suzy yan ngayong araw na yun, she's talking me out to returning home sa eksaktong araw ng birthday niya.

"Gago na nga ako eh, ayaw ko naman mas maging gago pa sa pagiging gago ko ngayon."

"Kief, we have those moments. Hindi porket nagkamali ka yan ka na. You have a chance still to change things, to correct your mistakes. Tao ka lang, and humans are bound to make stupid decisions they'll regret in the end. Ang importante natuto ka. Ang importante alam mong nagkamali ka and you're willing to correct that mistake." Says Suzy.

"Eh kung ayaw niya na." The mere thought of it stings my whole being.

"Edi ayaw na but make sure you give her the closure you both need. Kailangan mong tanggapin na kung hindi na pwede, hindi na. Respect her decision because she respected yours. Hinayaan kita because Papa would always tell me that experience is the best teacher. We could all tell you what you'll lose or gain or whatever it is the our minds can think of pero hinding hindi namin pamamaramdam o mapaparanas sayo yun kung hindi susubukan." Suzy is such a good friend, ang mga tao akala she's a bad influence. Kesyo kunsintidor and all that but honestly, she is a great friend Suzy just have a weird way of showing it.

"You might have been taught by life the hard way but in the brighter side, you learned." She smiles at me.

"Hindi na natin mababago ang mga bagay na nangyari na Kiefer pero katulad ng sinabi ko, kung nawala ang mga paa ko, I'll use my hands. Kung mawala pati mga kamay ko I'll use my mouth. Hindi ako titigil lumaban par sa mahal ko at para sa gusto ko hangga't kaya ko. That's who I am and that's who you are, well in my eyes." Niyakap ko si Suzy.

...

Pagkabalik ko sa bansa I asked Mama kung pwede ba akong umalis muna. So many things going on right now.

From: Dani

Manong uwi ka na. Miss na kita eh. 😔

To: Dani

Miss na din kita. 😘 Naks! Boarding now Dan. See you in a few. 😉

Nilagay ko ang bag namin ni Suzy sa overhead at umupo na. I asked her earlier if I can seat by the window hinayaan niya lang ako.

Pagod na ko.

Pagod na ko for acting like a fucking jerk to her para lang matakpan ang sakit.

Pagod na akong tignan ang profile niya sa instagram at twitter and silently wish na sana hindi na lang niya binago ang password niya.

Pagod na ko sa kakaisip kung may kasama ba siya ngayon na nakakapagpasaya sa kanya, o nakikinig sa kanya. At kung meron, sino yun?

Pagod na akong matakot na baka tuluyan siyang mawala dahil sa kagaguhan ko dahil sa putanginang desisyon ko! Bakit ba kasi sa ang bobo ko? Bakit ako nalito? Tangina kasi! Bakit? Galit sakin mga tao gusto nila ako saktan, believe me guys kahit hindi niyo na ko saktan. Wasak na ko.

Pagod na pagod na pagod na ako.

Pagod na pagod na akong lokohin ang sarili ko dahil ang totoo kaya ako nakipaghiwalay sa kanya dahil akala ko.. Akala ko mas mahal ko pa din si Trinca. She came back. She went to me and told me she still loves me. Dahil gago ako and Trinca was the biggest blow to my man ego, I gave it a try.

When I was in US we never stopped exchanging messages, facetime, snapchats, lahat. Binigay kong muli ang lahat ng atensyon ko sa kanya, ni minsan hindi sumagi sa isip ko si Mika at ang nararamdaman niya.

Mika would always text me then kahit break na kami. Asking how I was, kumain na ba daw ako, pahinga daw ako, miss niya na daw ako, mahal pa din niya ako at maghihintay siya. I thought it was pathetic. Well, I thought she was pathetic yun pala I am.

Pagkauwi ko nagkita kami. Nagusap kami. Umiyak siya but I didn't. Hindi ko sinabing I'm speaking with Trinca again. The usual its-not-you-its-me conversation. Ni hindi ako umiyak. I was that heartless.

Hindi niya na ko kinontact, she remains quiet. Hanggang sa nabwisit ako kasi nagbreak kami she's supposed to post something or say something so fucking bad to me. Or magdrama sa twitter and ig tulad ng iba pero naalala ko, she's different.

Mika is different. Good different. And God, I am so stupid.

Narealize kong tanga ako when she started posting photos of her, damnshit ang ganda ganda niya. Kahit naman anong suot maganda siya, kahit walang make-up o kahit ano.

Sabi nila, "Eto pinakawalan mo." Tapos meron pang, "Nganga ka ngayon Kiefer Ravena!" Pinakamasakit, "Ang ganda naman ng girlfriend ko, buti na lang gago yung ex mo." They are all unknown people, Mika surely doesn't even know them pero nakakabwisit lang.

Nairita ako na parang ako iniisip ko siya tapos siya parang ang saya saya niya, gusto ko ding makitang malungkot siya na wala ako. Gusto ko magparinig siya sa twitter, gusto ko masaktan siya? Tanga ko di ba? Gago na tanga pa.

Dagdagan mo pa ang naglipanang bantay salakay. Tangina hindi ba sila aware sa 3-months rule? Leche manuod nga sila ng One More Chance! Hindi nila dapat magpapansin kay Mika wala pang 3 months! Naiinis ako sa tuwing nakakarating sakin na nagpunta siya sa kung saan, "Sino sinusuportahan niya jan?" Tanong ko pa. Tangina talaga!

Hindi ko na kinausap pang muli si Trinca, nauntog na ko. Totoo nga sabi nila, nasa huli ang pagsisisi.

Parang lobo ang taas ng lipad ko. Abot ko na ang langit, sa sobrang taas ko wala ng nakakakita sakin. Sa sobrang taas hindi ko kinaya at pumutok ako.

My thoughts:

Sabaw update. 1

If It HappensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon