Lady Spikers

3.5K 52 2
                                    

Finally, the doctors gave her a go signal. Again, Mika could play. Perfect condition na daw ito, good thing she did everything from taking her meds to her regular pt. All she wanted was to be back in shape to train, to playing what she loves the most.

Pansamantala kasi niyang nalimutan kung ano talaga ang priority niya eh. She got blinded by love. It was her teammate Den who shook her out of it.

"Ye, ang love dapat it drives you to be better. Hindi dapat nagiging dahilan yan para maging mahina ka."

"Den, alam ko. Kahit di niyo sabihin sakin alam ko. Pero ang hirap eh, ang sakit."

"Lahat naman ng tao may iba ibang level ng sakit at hirap na nararamdaman. It's on that person kung paano niya dadalhin and sadly, Mika nilalamon ka. Masakit para saming teammates mong makita unti unti kang nawawala dahil jan." Mika's packing her things, she had to move out of their dorm for a while. Hindi na din kasi niya kayang makita na umaga palang nagigising na ang mga kasama niya for early drills tapos siya hindi.

"What did I ever do para saktan niya ko ng ganito?" She broke down and it tears Alex seeing the bubbly happy Mika this broken.

"In a way feeling ko ako ang dapat sisihin dahil ako ang nagpakilala sa kanya sayo. I'm sorry." Den hugged Mika. Parehas na silang umiiyak ngayon.

"But you never did tell him na saktan ako. So wala kang kasalanan." Mika gave Den a weak smile.

"Whatever happens Ye, andito lang kami. Aantayin ka namin, hanggang maging okay ka."

"Magiging okay ako, salamat Den." Tumayo na si Mika, tinulungan siya ni Alex dahil nahihirapan pa siya sa cast niya. Paglabas niya andun sila Ara, Kim, Cyd at iba pang teammates niya.

"Ate Ye, miss ka na namin. Balik ka agad ah?" Her buddy Majoy said and hugged her.

"Galingan mo lalo ah. Mga tinuro ko sayo. Manunuod pa rin ako ng games lagi." Paalala niya at tango ng tango si Majoy.

"Daks, pagaling agad. Nabawasan ang wafs, di na tayo wafs kapag wala ka." Sabi naman ni Ara, niyakap siya ni Mika.

"Sama ako jan!" Singit ni Kim hanggang sa lahat sila yakap yakap si Mika.

"Ang drama mo Ye!" Batok ni Kim na pinipigilan ang pagiyak.

"Ikaw din eh." Natatawang sagot ni Mika.

"Hatid ka nanamin sa labas, andun si Tito." Ara said dala dala ang bag niya.

On their way out nakita ni Mika si Coach, ika ika lumapit siya dito.

"Sorry Coach." Nakayuko niyang sabi. Hiyang hiya siya.

"Bilisan mo magpahinga. Inaantay ka nila." Lalong naiyak si Mika, paanong kinalimutan niyang may mga taong tulad nila na mahal na mahal siya? Bakit dahil sa isang tao lang hinayaan niyang maging miserable siya?

"Walang panalong umiiyak. Labanan mo, tapos manalo ka. Doon papayagan kitang umiyak, kasi nanalo ka. Ngayon wala ka pang karapatan. Kaya lumaban ka." Paalala ni Coach bago siya tuluyang tinalikuran.

Tinignan siya ni Mika naglalakad palayo.

"Promise Coach, babalik ako agad."

Tandang tanda niya lahat at hindi siya papayag na mawala ulit sa kanya ito.

Totoo nga, kapag nawala sayo ang isang bagay dun mo malalaman ang tunay na halaga nito.

"Welcome back Ye! Tagal mo ah." Inakbayan siya ni Kim, lahat sila pawisan at pagod dahil sa matinding drills na pinagawa ni Coach.

"Matagal man, nakabalik naman." Sagot ni Mika, nakangiti.

"Tama. Masaya kami, andito ka na ulit." This time it was Ara walking beside them two.

"Kumpleto ulit tayo." Mika said smiling. She missed it.

Walang ibang makakatulong sayo kundi sarili mo, when going gets tough better na may mga taong magpapaalala sayo na kaya mo yan at hindi ka nila iiwan pero mas okay kapag ikaw sa sarili mo sinabi mong, "Kaya ko to."

Si Mika narealize niya na kaya niya.

My thoughts:

Just sharing some of her heartaches. Char! 😊

If It HappensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon