Chapter 5

8 0 0
                                    

" Really? I already told you their son will be heaven!" OA naman neto ni CJ, sabi ko na nga ba yan magiging reaction niya kapag sinabi ko e.

May pasok ako ngayon kaya andito ako sa school, mahirap pa nga ako makaalis kasi hinahanap hanap ako ni Baby Rach, huhu.

Vacant namin ng isang oras, pero di ko feel yun, kaistress. Naputol lang naman yung root ng cinacarve ko, halos mangapa ngapa ako kasi ilang minuto nalang ipapasa na. Buti naalang tinulungan ako ni CJ iayos ang rubrics na kasama sa ipapasa. Kaya eto ako ngayon drained, samantala ang babae na katabi ko ngayon sobrang saya dahil lang sa kwento ko. Sana pala di ko na siya kiniwentuhan, sayang edi sana parehas kami lugmok ngayon, char ang sama ko naman.

" Pwede ba CJ, dahil sa kakaganyan mo---"

" What? Janessa Naomi Leigh?" Mapang-asar na sagot niya, inirapan ko nalang siya at tinuon ang atensyon sa harapan ko.

" Wag anteh please, mahal ko ang trabaho ko, chka nangako pa naman ako na di ko lalandiin anak nila. Tapos nung umuwi lang changed of plans na agad? Ayoko anteh, mas nakakakilig kapag nakakausad ako sa taon sa dentistry, mas prio ko yun. Gwapo siya oo, pero di ko siya type. Never ko siya magugustuhan."

Napatigil ako sa sinabi ko, shems. Ang gaga ko mas lalo lang akong aasarin ni CJ, pero kasi yan naman talaga ang totoo, nakakahiya rin talaga kay Mama Gen at Papa Col. Sinilip ko si CJ na nakangisi lang sakin.

" Okay sabi mo e, haba ng speech, siguraduhin mo lang aah." Hinampas ko lang siya sa braso at tumawa lang ng malakas ang gaga.

" Pero realtalk Naomi, I do understand your priorities but please don't forget your own happiness aside from your dreams. I know what you've been through, so you also deserve to be happy."

" Teka nga, masyado tayong seryoso kay Kuya Sachi, ikakasal na ba kami anteh?" Natawa nanaman ang gaga ng malakas.

"I don't know why I keep mentioning Sachi, but I do feel he is an ideal man—a green flag for short. You deserve someone like him." Binuksan ko ang tubigan ko at uminom muna saglit. Mas lalo ata akong nadadrained sa nangyayare aah. Yung topic namin masyado ng malayo ang nararating di ko na keri, puro oa moments na ang nababanggit ng katabi ko. Para bang kilalang kilala na niya si Kuya Sachi kung maka-decide ang loka.

" E ikaw kamusta?" Tanong ko na nagpatigil sa kanya ngumiti, sabi na nga ba e. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.

" Honestly, I have a fiancé." Sagot niya habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad, andito kasi kami sa student lounge. Kitang kita ko ang lungkot sa mata niya, humarap naman siya sakin at ngumiti ng mapakla.

" Nakilala mo na ba siya?" Tumango siya bago uminom ng frappe niya.

" Yeah, he just came back from Philippines last week."

Sasagot pa sana ako ng may tumawag sa kanya. Ang ganda pa sana ng momentum namin kaso kailangan na raw niyang umuwi, at siguro andun daw ang fiance niya. Nalulungkot ako para sa kaibigan ko, wala siyang freedom. Sana dumating ang araw na makalaya siya sa mga bagay na di niya gusto, at andito lang ako palagi sa tabi niya.

Tumayo na rin ako mula sa inuupuan ko at naglakad na papunta sa room para sa next class namin. Habang nagkaklase magkachat kami ni CJ.

CJ: Fuck him! He look like a good person but damn, binabawi ko na sinabi ko.

Me: Gaga ka! Anong ginawa sayo?
CJ: I will tell you the details once we see each other again. But for now, He. Is. A. Fucking. Trash

Me; Kapag may ginawang di maganda sayo, tawagan mo lang ako kaagad. Andito lang ako CJ aah.

CJ: Don't worry, Girl power here, love you!

Hineart react ko nalang ang message niya at pinagdasal na sana okay lang siya. Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng may sinend siyang picture, at message na yun daw ang fiance niya. Gwapo pero masama ang kutob ko sa kanya, feeling ko mapapahamak lang si CJ kapag eto ang napangasawa niya. Ang pangalan daw ng lalake ay Jorald. Wala naman daw ginagawa sa kanya ang lalake pero ang pangit lang daw ng ugali neto.

Maid Series 1: Naomi SancheszWhere stories live. Discover now