Chapter 1

24 0 0
                                    

" Haaay."

" Haaaay."

" Haaaaay."

Hindi ko alam kung ilang beses nakong bumuntong hininga at kung ano ano ang pinagsasabi. Ilang linggo ang nakalipas simula ng magsara ang cafe na pinapasukan ko. Actually ang nakakapang-drama pa dyan ay ilang taon nako sa cafe na yun. Simula Gr6 hanggang ngayong Gr12 naa. Hindi ko alam kung ilang years, tinatamad ako buwehehe. Basta ang pangako samin ni Madam kapag naging maayos na ulit lahat ng problema tatawag sila. Nakakamiss lang kasi parang pamilya na ang trato namin sa isa't isa.

Wala naman akong dapat isipin na problema kasi binigyan kami ng tig-50k. Kaso isang buwan nalang magpapasukan na at college pa naman nako. May naipon akong extrang pera pero alam kong di sapat yun. Nakapagbayad na rin ako sa renta, tubig, kuryente at saktong grocery. Sa wifi naman? Pinapa-connect lang ako ni Aling Beba para di na raw ako gumastos hehe. Si Aling Beba lang naman ang katapat ng apartment na nirerentahan ko. Nagbebenta siya ng barbeque, well parang side line lang naman niya yun more on katuwaan lang since mura na ang barbeque niya masarap pa. Lalo na sa mga nakatira dito saamin na hanggang dun lang ang kaya.

Graduate na ang dalawang anak niya. Isang babae at isang lalake. Mabait silang pamilya at palaging nasulpot kapag nagkakaproblema ako dito. Buwehehe sulpot talaga e noh.

So ano nga ulit iniisip ko?

Ayun. Trabaho.

Letche!

" What the hell are you doing?"

Napatigil ako sa pag-iisip ng makita si Noah na kakapasok lang sa beloved mansion ko, meron siyang dala dalang McDo. Alam kasi nila na sesermunan ko ulit sila kapag mamahaling restaurant ang pinagbilhan nila.

Sinilip ko itsura ng pwesto ko at mukha nga akong tanga. Naka-indian seat at nakaharap lang naman ako sa pader.

" Kinakausap yung dingding baka sakali bigla akong sukahan ng pera." Ngumiti ako ng matamis at tumayo. Baka pagalitan pako neto e.

" Why can't you just say yes to Atticus?"

Inayos ko yung McDo na pinamili niya at nilagay sa 12 seats na lamesa ko. Charut hehe. Sa sahig nga lang ako nakain e. Meron akong maliit na lamesa at sahig na ang upuan ko.

Teka. Say yes?

Nahalata ni Noah ang pagtataka sa mukha ko pero umupo muna siya sa sahig at sumubo ng fries.

" They want to help you right? I mean, all of us want to help you but you don't wanna." Nagtatampong sagot niya.

Naupo ako sa tapat niya at inayos yung burger bago ako kumagat. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya. Gusto ako tulungan ng lima kong kaibigan pero ayoko lang talaga. Syempre noh, nahihiya parin ako kahit close nako sa mga magulang nila. May times pa nga na umiiyak si Tita Anna, mommy ni Atticus. Kasi gusto niya kong tumira nalang sa bahay nila para wala na raw akong intindihin. Halos lahat ng parents nila hindi mapakali simula ng malaman nila na wala akong trabaho. Hindi naman nila ako pinipilit at kahit anong mangyare andyan lang naman daw sila.

Thankful ako, pero kaya ko pa naman. Kahit mahirap naniniwala ako na malalagpasan ko toh. Buti nga ngayon nakakayanan ko na. Samantalang noon ulitimo pang-inom walang wala ako.

Napangiti nalang ako wala sa oras ng maalala ang mga pinagdaanan ko noon. Maraming salamat sa nakaraan na ako at di siya sumuko.

" Also, Chandler said---are you even listening?" Natauhan ako sa pagsasalita ni Noah na nakakunot na ng noo.

Tumawa lang ako sa kanya at napakamot sa batok ko. Ano ba yan Naomi!

" What are you thinking?"

Ayoko sabihin na naalala ko nanaman yung noon. Masyado nanamang lulungkot ang usapan namin neto.

Maid Series 1: Naomi SancheszWhere stories live. Discover now