Chapter 3

7 0 0
                                    

" Janessa, mamaya na yan, you should eat your breakfast first."

2nd year nako sa Dentistry at isang taon na ako rito kanila Mama Gen, at Papa Col. Yes, tinatawag ko na silang ganun, siguro di ko rin nakayanan ang cuteness overload at kakulitin ni Mama Gen kaya bumigay nako.

Tinatapos ko nalang ang mag mop at pagtapos ay kakain nako. Ang start kasi ng klase namin ay 7:00, napaka-aga naman kasi huhu. Pero maaga pa naman e. 5:46 pa naman kaya keri pa. Si Kuya Ethan ang kasama ko ngayon, nagluluto siya. Amm pano ko ba toh sasabihin, si Kuya Ethan ay anak nila Mama Gen. Pero hindi nila ito kadugo, inampon nila si Kuya Ethan, mula sa mga lasinggero na palagi siyang binubugbog. Hindi ko pa medyo maexplain kasi hindi ko pa ganun kaalam.

Tapos na siya mag-aral at pansamantalang nag-mamay-ari ng sarili niyang restaurant. Mahilig din kasi siyang magluto at siya ang taga luto rito sa bahay. Nasa 25-28 ang edad ni Kuya Ethan pero ayaw niyang sabihin. Basta ang plaagi niyang sinasabi ay single siya, urr. Ano connect naman nun?

" Janessa Naomi Leigh. Kikintab na ang sahig sa kaka-mop mo. Kumain ka na at may klase ka pa."

" Eto na po, eto na." Syempre naghugas muna ako ng kamay bago kumain. Ayoko mapagalitan ni Kuya Ethan.

Ganun lang palagi ang daily routine ko bago pumasok. Nagwawalis, at mop muna bago kumain, at pumasok. Mga ganitong oras kasi minsan tulog pa sila Mama Gen at Papa Col, pero minsan bago mag 7 gising na rin sila.

" Kumain ka ng marami, para masagana ang brain cells mo."

" Tuyong tuyo na kaya, Kuya."

Sa totoo lang ang bilis ng panahon. Dati wala pa kami masyadong mga dent subject, ngayon nagcacarve na kami at etc. Minsan nga pinapanood ako nila Kuya Ethan magcarve ng madaling araw e. Pero lahat ng pag gawa ng carve sa school, bibihira lang sa bahay. Naalala ko talaga unang carve, para akong bata na di alam anong gagawin. Pero ngayon nakakapag-adjust nako. At tuloy tuloy kong gagawin kahit gaano pa kahirap.

" Oo nga pala, Mom said after your class, text Axel." Huh? Ano meron?

Natauhan naman ako ng biglang magsalita si Kuya Ethan, si Kuya Axel siya ang family driver. Pero wag kayo same age lang yan ni Kuya Ethan. Same age na nga, parehas ding mga gwapo. Kaya minsan kapag hinahatid ako ni Kuya Axel ang daming nagpapapicture. Meron naman siyang kapatid na mas matanda sa kanya, si Kuya Aron. Kung si Kuya Axel maingay, masayahin, ang kapatid naman niya mapapatahimik ka sa sobrang lamig ng aura. Alam ko 2 years ata pagitan nila. Si Kuya Aron naman, bantay nila Mama Gen at Papa Col. Palagi lang siya nasa tabi nila. Kasi minsan hindi naman sa lahat ng oras andyan kami ni Kuya Ethan.

Diba, puro male friends din ang meron ako dito.

HAHAHAHAHA assuming na e noh na friends na kami ni Kuya Aron, ano lang slight lang naman.

Naalala ko nanaman yung lima. Palagi rin kami nagvivideo call kapag di busy, mas lalo na sa chat. Updated kami palagi sa isa't isa. Sa school naman bibihira lang kami magkita. Sa sobrang laki ba naman, at chaka syempre magkakaiba kaming sched huhu.

" Ano po meron mamaya, Kuya Ethan?"

Napatigil siya sa paglalaro ng tinidor sa bunganga niya at napatingin sakin.

" Idunno, hehe."

Ay. Ganorn?

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Kuya Ethan kasi need na raw niyang matulog muna. Simula 1 gising na raw kasi siya, inaayos kasi niya yung bubuksan niyang branch ng kanyang restaurant. Huhu kinikilig ako, nagluto muna siya ng almusal para makakain ako bago pumasok. Ang swerte swerte ko talaga sa bahay na toh, super thankful.

Maid Series 1: Naomi SancheszWhere stories live. Discover now